"Yani? Yani!!" sigaw ni Qin.
"Sige na, puntahan mo na siya," sabi niya dito. "Kailangan ninyong mag-usap."
"Paano ka? Sino tutulong sa 'yo dyan kay Beast?"
"I can take care of myself. At saka andyan naman sina daddy at Colin. Sige na."
"Mag-usap tayo mamaya."
"Oo na, sige na. Habulin mo na si Yani. Mabilis pa man din yong tumakbo."
Akmang aalis na si Qin nang humarang dito si Gerard.
"Nasa lupain kita Alonzo, kaya umalis ka sa daraanan ko," babala nito.
"I know," Gerard answered and suddenly gave him a left hook.
Hindi rin inaasahan ni Qin ang ginawa nang lalake kaya napasadsad ito sa lupa.
"Gerard!" sigaw niya at nilapitan si Qin. "Okay ka lang?" tanong niya kay Qin.
"Adam!" sigaw naman ni Colin at nilapitan ang kaibigan. "Will you stop it?! Wala ka sa teritoryo mo!"
Tumayo si Qin at akmang susugod kay Gerard.
"Joaquin, tama na yan!" sigaw nang daddy niya. "Puntahan mo na si Emiliana!"
Tiningnan muna nito nang masama si Gerard bago tumingin sa daddy niya.
"Sorry po, tito." Binalingan nito ang katiwalang naghatid sa mga bisita niya. "Mang Gusting, kayo na po muna bahala sa kanila. May aasikasuhin lang ako."
"Sige, ser," sagot ni Mang Gusting.
At tumakbo na ito para habulin si Yani.
"Anong problema mo ha?!" singhal ni Samantha kay Gerard. Nilapitan niya ito at hinatak ang kamay.
Hindi ito kumikibo. Nanatili lang itong nakatayo habang hawak ang kamaong isinuntok kay Qin.
"Answer me, war freak!" sigaw niya. "Bakit mo sinuntok si Qin?! Anong prob....."
"Ikaw, ikaw ang problema ko! Who gave you the right to flirt with him, ha?!" namumulang sigaw din nito sa kanya.
"I'm not flirting with him! And what is it to you kung makipag-flirt ako sa kanya?"
"What is it to me?! What is it to me?! Yesterday I was proposing and even if I didn't hear it directly, I understood that you said yes. You said yes to me, Samantha. To me! Not to that guy! And you're asking me what is your flirting with that bastard got to do with me?? I'm the one who's supposed to flirt with you, because you said yes to me," pinpointing himself, "not to that asshole!"
"That asshole is my bestfriend, my brother, my....."
"Lover?"
Pak!
"Wag mong titintahan nang maitim na kulay ang pakikipagkaibigan ko kay Qin! You don't know him, you don't know me, and you don't know what's between us! Kung pumunta ka dito para lang insultuhin ako at ang kaibigan ko, umalis ka na lang. Kalimutan na natin ang sinasabi mong proposal. Pinalipad ko na sa hangin ang sagot kong oo sa alok mo kahapon. Wala nang kasalang magaganap dahil walang tayo. Wala na tayo. Forget what happened yesterday. Forget what we said to each other. Forget...."
"No!" dumadagundong ang boses nito sa lakas nang pagtanggi sa kanya.
"Maniwala ka sa akin. Walang patutunguhan kung magiging tayo. Hindi puwedeng maging tayo."
"No!" muling sabi nito pero sa mas mahinang boses.
"I'm sorry, Gerard. Hindi talaga puwede dahil..."