"Ate, ano ba talaga ang gusto mong kainin?"
"Tinapa nga at sinangag!"
"Eh bakit sabi mo kanina, tocino at longganisa?"
"Eh nagbago na ang isip ko."
"Waahhh! Hirap mong maglihi, 'te!"
"Am I?"
"Ay hindi, wala lang, Naisipan mo lang!"
"Bakit late naman yata paglililhi ko Yani?"
"Ewan ko, 'te?"
"Ewan mo? Eh di ba ikaw ang nurse dito sa bahay?"
"Nakalimutan ko?"
"Pero sabagay, sabi naman ni Aling Coring, normal lang daw ang ganito. Yung iba nga, manganganak na, naglilihi pa rin."
"Ah, maniwala ka sa kanya, 'te. Sampu anak nun eh!"
"Oo nga ano?"
"Kumusta naman ang pakiramdam mo? Nagbi-bleed ka pa ba?"
"Hindi na. Sabi naman ni doc nung last checkup namin kahapon, mukhang malakas na daw ang kapit ni baby. Good girl, baby!" bati niya sa anak sabay haplos sa tiyan niya.
"Girl talaga ha? Confirmed na ba sa ultrasound?"
"Ayokong alamin but I can feel, it will be a girl. And she will be her mommy's little angel."
"Kumusta naman kayo ni....ahm...."
"Nino?"
"Ni kuya Adam?"
"Bakit mo naman siya kinukumusta sa akin? Alam mo namang matagal na kaming wala di ba?"
Exactly five months and one week na kaming wala.
Ganung katagal na siyang nangungulila sa lalake.
"Nagkukuwentuhan kasi kami ni Joquin kahapon. Nabanggit niyang nagkita daw kayo ni kuya Adam nung minsang lumuwas kayo nang Maynila."
"Wala yon."
As in wala yon. He just saw me, said "Hi Honey" and then nada.
She was expecting he'd follow her, but no, he didn't.
And it's been more than a month since that incident at the mall.
"Ate? Ate Sami, hoy!"
"Ha?"
"Ang sabi ko talaga bang wala nang pag-asang magkabalikan pa kayo?"
"You sounded like you wanted to get us back together."
"Bakit, ikaw ba ayaw mo na?"
"Ayoko na nang komplikasyon."
"Kahit mahal nyo pa ang isa't isa?"
"How come...? Pati ba naman yon, sinabi sa 'yo ni Qin?"
"Na mahal mo pa rin siya? No, hindi niya sinabi. Alam ko. Nakikita ko sa 'yo. At kahit hindi ko nakikita si kuya Adam, alam kong mahal na mahal ka niya. One look at that guy, alam kong malalim ang pagmamahal niya sa 'yo."
"Hindi ako naniniwalang mahal pa rin niya ako. Ni hindi nga niya ako sinundan man lang nung makita niya ako sa mall. At saka, anong alam mo sa pagmamahal, Yani? Wag ka sanang magagalit pero alam mo ba sinasabi mo?"
"Ok lang 'te. Minsan, hindi naman kailangan ng experience para masabi mong may alam ka. Minsan, masasabing yun yon kasi yon ang nakikita mo sa karamihan at sinasabi ng karamihan na yun yon. Nakuha mo ba ang ibig kong sabihin?"