"May problema ba tayo hijo?"
Nilingon ni Gerard ang kanyang lolo.
Nagmano siya dito. "Good evening, 'lo. "
"Good evening." Umupo ito sa katabi niyang stool at tinitigan habang siya ay ibinaling ulit ang tingin sa hawak na baso.
Pero dumaan ang limang minuto, nakatitig pa rin sa kanya ang kanyang abuelo.
"Bakit po, 'lo?"
"Tinatanong kita kung may problema ka ba."
"Wala po."
"Isang linggo ka nang ganyan," puna nito sa tahimik niyang pag-inom mag-isa sa bahay. "In fact, this is the first time I saw you like this. I know it's not about business kasi wala ka namang pinuproblema pagdating sa mga negosyo mo. Kayang-kaya mong solusyunan kung anumang problema ang dumating. You're a very good one, in fact, to the point of being shrewd. So, I'm one hundred percent sure, hindi trabaho ang dahilan nang pag-inom mo. Isa na lang ang dahilan, and I'll gonna have a heart attack if you confirm to me that it's about a woman."
"'Lo.."
"Take me to the hospital now!"
"Lolo, wag kayong magbiro nang ganyan."
"Eh aatakehin talaga ako sa 'yo, Adam, kung totoo ang hinala ko. But it's okay if I die now kung ang dahilan ay ang pagkakatagpo mo nang wala sa 'yo."
"Yan na naman kayo, dinadaan nyo ako sa mga talinhaga nyo. Just go straight to the point, my old man!"
"Yes, I am old hijo, but I got "old". Ikaw, kailan ka "tatanda"?"
"Lolo, please, let's not go to that. You know the reason naman."
"Until I saw you settled, young man, hindi kita tatantanan."
"I am settled. I am fine. For God's sake, I am living!"
"That's what I was about to say next. For God's sake, live!"
"Ano po ba ang gusto nyong gawin ko?"
"Just live, hijo. And living without loving is not living at all. That's the main purpose why we're here on earth. To live and love."
"I love you. I love Lola, hindi pa ba sapat yon?"
"Huwag ako ang tanungin mo nyan kundi sarili mo. Is that enough? Dahil kung oo ang sagot mo, hindi ka mag-iisa dito sa bahay at inuubos ang stock natin ng mga alak."
As usual, wala na naman siyang masabi sa mga sinasabi sa kanya ng matanda. Pero kahit anong kulit ng mga itinuring niyang mga magulang niya, hindi pa rin niya kayang bumigay.
He maybe the toughest businessman in his industry, but he is at his most weak kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan.
"I love you Gerard Adam Alonzo."
Those words from Samantha keep playing on repeat mode inside his head.
How could she love me?
I'm the most impossible person she could ever met and yet she loves me?
"Ayoko siyang mahalin, 'lo. Hindi ko siya puwedeng mahalin."
"Bakit?"
"Natatakot ako."
"Saan?"
"Na iwanan niya ako sa bandang huli."
"Sigurado kang gagawin niya yun sa 'yo?"
Umiling siya.
"Hindi naman pala. At saka, bakit ba agad yun ang iniisip mo? Dahil ba sa nanay mo?"