WTSF-27

5.7K 84 50
                                    

Hindi siya makatulog sa kakaisip kung ano pa ang dapat gawin.

Ano pa ang dapat sabihin para maniwala ang babae sa kanya.

Why is she making it difficult for him?

She said she loved him.

Loved.

Past tense.

Ibig sabihin, wala na.

"Bullshit! No way, she doesn't love me anymore!" he convinced himself.

Hindi ganun kababaw ang pagmamahal nang babae sa kanya.

Kaya?

Pero paano kung totoong hindi na nga siya mahal nito dahil sa panri-reject nya?

Hindi puwede.

"I have to do something!"

Pabaling baling siya sa higaan sa kaiisip kung ano ang gagawin.

Hindi mapakali, bumangon siya at lumabas sa verandah.

Makakapag-isip sana siya nang mabuti kung may iniinom siyang alak. Sigurado naman siyang walang stock ang tatay ni Samantha. Napansin niyang kahit mukhang masaya ang mukha nito, sadness is still noticeable in his face. Nakatungkod din ito pero hindi naman lumpo. At marahan kung maglakad. Mukhang may sakit ang matandang lalake. At sa klase nang ugali ni Samantha, sigurado siyang hindi ito papayag na iinom nang alak ang tatay nito.

Naupo siya sa silyang nakita niya at tumingin sa kawalan.

Ibang-iba talaga sa probinsya. Alas nuwebe pa lang nang gabi, sobrang tahimik na ang paligid. Wala na siyang naririnig kundi ingay ng mga kuliglig at paniki na nagliliparan. Samantalang sa Maynila, ganitong oras pa lang nagsisimula ang gabi. Most of the time, he would stay in the office until nine or ten, saka siya pupunta sa kung saan-saang bar o party at kadalasang uuwi na may kasamang babae.

At magbabago ang mga nakasanayan niya kapag naging sila na ni Samantha.

Would he willingly set aside those things that make him happy and be with Samantha?

Or can he really call it happiness lahat nang mabababaw na sayang nararamdaman niya?

He smiled.

Yes, walang pag-aalinlangang iiwan niya ang mga yon kung ang kapalit ay si Samantha.

He found his happiness in her at wala siyang balak pakawalan iyon.

Ang problema na lang ngayon, paano niya makukumbinsi ang babae.

Ang hirap pala kapag puso na ang kailangang gawan nang desisyon.

He thought dealing with it is as easy as ABC. Kahit sa mga desisyon niya sa kompanya, hindi siya nahihirapang mangumbinsi ng investors, matalo ang mga kaaway niya sa industriya. He was always confident when faced with the challenges.

Pero kay Samantha, mauubusan yata siya ng dahilan, ng armas, para mapapayag ito.

Wala siyang alam sa usaping puso. Kumbaga sa estudyante, pang-nursery lang ang utak niya.

Kung andito lang sana si lolo, naisip niya.

He must talk to his old man. Ito ang makakapagbigay sa kanya ng solusyon.

Bumalik siya sa kuwarto at kinuha ang celphone. He dialed his grandfather's number. Nakailang ring pa bago siya masagot nito.

"Hijo, where are you? Are you okay? What this I heard about you being punched by some man at the lobby? Bakit ka niya sinuntok?" sunud-sunod nitong tanong sa kanya.

When The Slipper FitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon