"Patay!"
"Wala ka na bang sasabihin kundi yan? Kanina ka pa eh. Nope, kahapon ka pa. Anong klaseng reaksyon yan?"
Ikinuwento niya dito ang dahilan kung bakit gustung-gusto niyang umalis sa bahay na iyon. Pati na rin ang natuklasan niya tungkol sa nanay ni Adam.
"Eh sensya na, habit ko na talagang sambitin yon. Pero ang ibig kong sabihin, mahirap ang sitwasyon mo, ninyo ni Beast. Sigurado ka na bang magri-resign ka na sa kompanya niya?"
"Qin, that's the main reason why I did not pass those tests. Ayokong gawin ang pinagagawa sa akin ni Eduardo Manzano. Sa tingin mo, matutuwa si Gerard kapag nalaman niyang kinontrata ako nang asawa nang nanay niya para mag-espiya sa kanya, sa kompanya niya?"
"Pero hindi ka naman nagpumilit pumasok dun ah! Ikaw ang pinilit, not the other way around."
"Maski na. Qin, ayokong dumating ang araw na makikita ko sa mukha ni Gerard ang pagkamuhi na naramdaman niya sa nanay niya. Kaya ngayon pa lang, iiwas na ako."
"Nang walang paliwanag? Tumatakas ka sa ginagawa mo ngayon, Tata."
They are going back to Batangas.
"Hindi ko naman tatakasan ito, Qin. Kailangan ko lang mag-isip. At hindi ko magagawa yon nang malapit ako sa kanya. Tutal, may isang linggo akong bakasyon. Gagamitin ko yon para makapag-isip."
"Pero matutunton ka pa rin niya pag nagkataon."
"Hindi naman ako sa amin uuwi."
"Anong sinabi mo?"
"Ang sabi ko..."
"Narinig ko ang sinabi mo. Ang ibig kong sabihin, saan mo balak tumuloy?"
"Sa bukid ninyo?"
"Magtatanan na tayo? Oo ba! Game ako dyan!"
"Qin naman eh! Puro ka kalokohan! Namomroblema na nga ang tao puro ka pa biro!"
"Pinasasaya lang kita. Ang laki kasi nang problema natin. Kailangan may isang komedyante. Kung pareho tayong serious, baka sa mental tayo pulutin."
"Teka, anong problema natin? Problema ko ito, Qin."
"Na idinamay ako, pero okay lang. And this is your first heartbreak, mahirap maka-recover kung mag-isa ka lang. Kailangan mo nang karamay."
"Salamat Qin."
You're very much welcome. Anytime! What are bestfriends for, right?"
Tinapik niya ang kamay nitong tumatapik sa balikat niya.
"Daddy!"
"Samantha! Anak! Bakit gabing-gabi ka kung umuwi dito?" bati nang daddy niya sa kanya.
"Kayo po, bakit gising pa kayo? Hatinggabi na."
"Eh nagtext yang si Joaquin na darating daw kayo. At saka hindi ako makatulog sa kaiisip doon sa nangyari kanina."
"Daddy, di ba sabi nang doktor bawal mag-isip nang malalim at baka makaapekto sa puso ninyo? Nagiging sutil na naman kayo eh. Si Yani po, tulog na?"
"Hindi pa at dadamayan daw ako. Kung di ko pa alam, hinihintay nyang bumalik kayo, lalung-lalo na itong si Joaquin."
"At magandang gabi din po, Tito," bati naman nang kaibigan niya. "Ganun po ba, hinihintay niya ako? Ay sya, ako po muna ay paparine sa kusina para magpakita sa dalaga nyo."
"Sige, puntahan mo na hijo pero behave lang, okay?"
"Opo naman daddy, este, Tito pala!"
"O ano, nagkita na ba kayo ng nobyo mo?" baling ulit sa kanya nang daddy niya. "Nagkausap na ba kayo?"