"Ikaw, Samantha Gutierrez, tinatanggap mo ba si Gerard Adam Alonzo bilang iyong esposo?"
"Opo, padre!" masiglang sagot niya.
Lumingon ang pari sa gawi ni Gerard. "Ikaw, Gerard Adam Alonzo, tinatanggap mo ba bilang asawa itong si Samantha Gutierrez?"
Hinintay niyang sumagot si Gerard, pero lumampas ang isa, dalawa, tatlong minuto, walang "Oo" siyang narinig. Paglingon niya sa tabi niya, wala na ito. Naglalakad na pala ito paurong mula sa kanya, walang tigil ang pag-iling ng ulo.
"Gerard?" nagtatakang tanong niya. She tried going to him but he kept walking backwards away from her.
"Huwag! Huwag kang lalapit! Ayokong pakasal sa 'yo! Hindi kita mahal! Hindi ko kayang magmahal nang babaeng manloloko! Ayokong pakasal sa babaeng may kaugnayan sa lalakeng kinamumuhian ko! Ayoko! Lumayo ka sa akin! Ayokong pakasal sa 'yo! Ayoko! Ayoko! Ayoko!"
"Gerard?! Gerard?!"
"Ayoko! Huwag kang lumapit sa akin!"
"Gerard?!" sigaw niya pero paglakas nang sigaw niya, pagbilis naman nang paglayo nito sa kanya. Hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin niya.
Nanlalabo ang matang napaupo siya sa sahig, sabay hagulhol ng iyak.
"Gerard, bakit mo ako iniwan? Akala ko ba mahal mo ako pero bakit mo ako iniwan?!" Patuloy na pagtaghoy niya.
Tiningnan niya ang mga taong nasa loob ng simbahan kung saan dapatt idinadaos ang kanilang kasal. Wala isa man sa mga ito ang lumapit sa kanya para aluin siya. Maski ang daddy niya, pati na si Qin at si Yani ay pawang nakatingin lang sa kanya. Hindi nakikidalamhati pero hindi rin naman siya pinagtatawanan. Blangko lang ang ekspresyon sa mukha ng mga ito. Maski sina Colin at lolo at lola ni Gerard, si tita Nancy, lahat sila blangko ang ekspresyon ng mukha. Lahat nang nandoon ay nakatingin lang sa kanya.
Maliban sa isa.
Isang ginang na kamukhang-kamukha ni Gerard.
Ang tita Diana niya, mommy ni Gerard.
Nakangisi ito, pagtuya ang tingin na ipinupukol sa kanya.
Hanggang ang ngisi nito ay naging tunog tawa, halakhak.
Malakas, nakakabingi, dinig sa buong simbahan.
She covered her ears trying not to hear that evil laugh, but it continued surging through her senses, mocking her, killing her.
Then she heard that evil laugh coming towards her. When she lifted her gaze, she saw her coming towards her, still laughing hard, breaking her eardrums.
"No! Huwag kang lalapit!"
"Samantha!" she heard her saying her name. "Samantha!"
"Please, huwag kang lalapit! Lumayo ka sa akin!"
"Samantha! Samantha!"
"Huwag!! Huwag!! Huwag!!!!"
"She closed her eyes again and covered her ears."
"Panaginipi lang ito, panaginip lang ito! Hindi ito totoo! Panaginip lang ito!" paulit-ulit niyang usal.
"This is not happening!"
"No!!!!"
"Samantha!! Honey!! Wake up! Hey, hey, sweetheart, wake up!"
Pagmulat niya nang mata, mukha agad ni Gerard ang nakita niya. Hawak siya sa magkabilang balikat at niyugyog siya.
"Gerard?"
"Honey, you're dreaming! Are you okay? Was it a bad dream?"
"Gerard!" She suddenly embraced him when she realized the man in front of her is real and talking to her. "Gerard, you're here! Thank God you're here!" She embraced him tight, making sure he won't let go. He won't have a chance to let her go.