WTSF-28

6.2K 83 69
                                    

"Patay!" sambit ni Joaquin.

"Bakit? "

"Yani, ang ate mo kapag bumuntung-hininga at ganyan kalalim, asahan mong magdi-desisyon yan nang major major. At kadalasan, desisyong hindi niya gusto pero kailangang gawin."

"Patay!"

"Kawawang Gerard, tsk tsk tsk!"

 

 

 

"Patay!" bulong ni Edward.

"Bakit hijo?" narinig ni lolo Eddie ang sinabi niya.

"Eh tingin ko po 'Lo, uuwi tayong luhaan."

"Ganun ba? Kung ganun, nasaan na si Adam?"

"Nasa labas pa po. Mukhang doon pa lang nagkaalaman na sila. Hindi na kasi siya pumasok."

"Patay!"

 

 

 

 

 

"Nancy, sa tingin mo, bakit bumuntung-hininga si Samantha?"

"Hindi ko po alam, tita Rose. Pero ang napapansin ko sa kanya, bumubuntung-hininga siya kapag may iniisip o di kaya naguguluhan."

"Ibig mong sabihin naguguluhan siya sa sitwasyon? Hindi siya sigurado sa isasagot niya? Nagdadalawang-isip siya kung pakakasal siya sa apo ko?"

"Malamang po."

"Patay!"

 

 

 

 

They've gone quiet inside. Ano pinag-uusapan nila?

He dreads going inside the house.

At hindi niya gusto ang katahimikan sa loob.

Naghintay pa siya nang ilang minuto pero wala siyang naririning na imikan sa loob.

Iisa lang ang ibig sabihin.

Nanlulumong naglakad siya palabas nag bahay.

 

 

 

 

Anong nangyayari sa kanila? Bakit sila nagbubulungan?

Bumuntung-hininga ulit siya bago tumikhim.

"Eherm."

Nagtinginan sa kanya ang lahat.

"Ahm, tungkol po sa kasal....."

"Hija, wag kang mag-alala, naiintindihan namin. Kung kami man ang nasa lugar mo, magugulat din sa mga pangyayari at hindi ora-oradang magdi-desisyon hanggan't hindi napag-uusapan. Wag mo na ding alalahanin si Adam. Kami na ang bahalang mag-explain sa kanya. Masasaktan siya, yun ang sigurado, pero ipapaunawa namin sa kanya ang mga bagay-bagay," tuluy-tuloy na salita ni lolo Eddie.

"Ho?"

"At saka hindi biro ang pag-aasawa apo. Kung biglaan man ang naging desisyon ni Adam, yun eh dahil mahal na mahal ka niya at natatakot siyang bigla kang mawala sa kanya tulad nang nangyari sa kanyang ama at ang pagtakwil sa kanya nang kanyang ina. Maunawaan mo sana na mahirap sa apo namin ang magtiwala pero sa 'yo, willing siyang sumugal. At pagpapakasal lamang ang alam niyang paraan para makasigurado sa 'yo."

When The Slipper FitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon