"Good afternoon, daddy!" Nahihiya niyang bati sa ama.
Naabutan nila itong seryosong nanonood nang golf sa tv.
"Konting oras na lang, gabi na. Tapos na akong manood nang basketball, ng news, nang teleserye, ngayon lang kayo lumabas nang kuwarto. Kainaman kayong mga bata kayo."
"Sori po, napasarap po kasi ang...."
"Ang alin?" tanong nito nang hindi sila nililingon.
"Ang pagtulog daddy. Ang haba nang itinulog namin ni Gerard."
"Oo nga po," pagsang-ayon naman nang lalake.
"Sisenta na ako, hindi nyo na dapat ako pinagloloko."
"Sorry po," pareho nilang sagot.
"Andyan na yan, tatanggapin ko na lang."
"Daddy, galit po ba kayo?"
Hindi ito nagsasalita.
"Hon, I'll just go to the kitchen to prepare our food," bulong ni Gerard sa kanya.
Um-oo lang siya at automatic na humalik sa labi nang lalake.
Kung wala lang sa harap niya ang daddy niya, naipulupot na niya ang braso dito at hinalikan nang hinalikan hanggang may mangyari na naman sa kanila.
Ano bang ipinakain sa kanya nang lalakeng ito at naitapon niya lahat sa hangin ang inhibitions niya?
Nahalikan lang siya, parang kinalimutan na niya lahat nang prinsipyo nya?
Siya pa nga ang nag-initiate dito kagabi. At saka yung kanina sa banyo. Naagos ng tubig lahat nang hiya niya kanina.
Ni hindi na nga niya inisip na hindi pa sila naikakasal pero pumayag na siyang gawin yun?
Pero ikakasal na naman kayo, di ba? ukit sa kanya ng utak niya.
Ang punto, hindi pa.
Eh doon na din ang punta nyo, nag-shortcut lang kayo. Nagmadali, ika nga.
Pero parang hindi dapat.
"Nasabi mo na ba sa kanya?" pukaw na boses nang daddy niya.
Yun pa ang isa.
Kagabi hanggang kaninang bumaba sila ni Gerard sa hagdan, wala sa isip niya ang problema niya. Ang alam lang niya, ang gusto lang niyang gawin ay ang yakapin at halikan ang lalake. Na-addict na yata siya dito.
"Samantha, tinatanong kita."
Umupo siya sa tabi nang daddy niya.
"Daddy, galit po ba kayo?"
"Sagutin mo muna tanong ko."
"Hindi pa po."
"Eh kelan mo balak sabihin? Kapag naikasal na kayo at wala na siyang magagawa dahil nakatali na siya sa 'yo? Samantha, nung sinabi ko sa iyong okay lang na may mangyari sa inyo, akala ko nakuha mo ang punto kong sasabihin mo muna sa kanya ang sitwasyon. Hindi ganito! Paano kung kapag sinabi mo at iniwan ka niya? Saan ka pupulutin? At paano kung magbunga na agad yang ginawa ninyo? Ano, pipikutin natin siya para lang panagutan anag magiging anak ninyo?"
"Hindi ko po naisip yon daddy," nakayuko ang ulo niyang pag-amin.
"Hay, anak ko. Halika nga dito."
Kinabig siya nito at niyakap.
"Ayoko lang na sa dulo ng lahat ng ito ay maagrabyado ka."
"Alam ko naman po yun, daddy. Sorry po kung hindi ko naisip yon. Aaminin ko pong nalango agad ako sa pagmamahal ko kay Gerard."