Monday.....
"How's your first two days so far, Sam?"
They were having their lunch at the canteen when she was asked by tita Nancy. From last Thursday until the whole morning today, they were busy with work especially her as she needed to know and understand how the business works in one sitting.
Wala namang problema sa kanya, tutal me background na siya from working at three different companies, plus her work with Colin, plus her studies. This will be a good experience and background for her when she finishes her Business Ad course.
"Okay naman po, Tita. I'm coping well."
"Good. Hindi ka naman mahirap turuan. You seem to know the languages of the business. Are you a Business Management graduate?"
"Ahm, hindi po. Music po ang tinapos ko. But I'm short of few courses to complete my degree in Business Administration."
"Ah, kaya pala. Then why not finish it?"
"Pinag-iipunan ko pa po. Siguro kapag medyo nakaluwag-luwag na kami ni daddy sa finances, I'll finish the course."
"That's good. Pero puwede ka namang mag-avail ng student loan dito sa kompanya kung gusto mo. Meron ganyang benefits ang mga gustong magpatuloy nang pag-aaral."
"Pag-iisipan ko po kung kakayanin nang budget."
"I can ask Adam to put a recommendation to HR."
"Naku, wag po!" At baka tanawin ko pang utang na loob sa kanya!
"Hope you don't mind my asking, pero anong meron sa inyong dalawa ni Adam? Hanggang ngayon, hindi pa rin kayo nagpapansinan. Magkagalit ba kayo?"
Kaninang dumating ang lalaki, ang sekretarya lang nito ang kinausap. Ni hindi siya pinansin, na naman.
Ganun na ang ugali ng lalake simula pa noong dumating siya sa opisina nung Huwebes
Tinarayan ko lang naman siya nung isang gabi, nag-inarte na? Ewan ko sa kanya!
The whole time na nasa opisina ito, extinct siya para dito. Kapag may hihinging report, si tita Nancy ang tinatawag. Kapag lalabas nang pinto at may iaabot, lampas-lampasan kung tumingin. At kaninang umalis para mag-lunch, again, kay tita Nancy lang nagpaalam.
Daig pa niya ang ghost kung i-ignore. At least ang ghost nararamdaman. Eh siya, as in nada! Daig pa ang hindi kilala.
Daig pa ang babae kung magsuplado! Hitsura niya!
"Wala po kaming problema at saka wala naman pong dapat pansinin," depensa na lang niya. "Masyado lang po siguro siyang busy sa trabaho para pagtuunan pa ako nang pansin."
"You sounded hurt, nagtatampo."
"Ay hindi po. Hindi naman po mahalaga sa akin kung pansinin niya ako o hindi. Ang importante lang po ay magawa ko ang trabaho ko nang maayos at wala siyang masasabing pangit tungkol dun."
Labas sa ilong Samantha!
"Ay ewan ko sa 'yo bata ka. Sige, pagbibigyan kita this time. Basta pag ready ka na, wag kang mahiyang magsabi sa akin."
Di po yata mangyayari yun.
Tuesday....
"Tita Nancy, did you call..." napatigil si Gerard nang mapansing wala ang kausap.
"Ahm, wala po siya, sir. She went down to Accounting."
Hindi siya pinansin nito, bagkus bumalik na lang sa sariling opisina.
Patience, Sam, patience. He's still The Boss, remember?