"Ye....s, sir?"
"Where the hell is my coffee?!?!?"
"I'm sorry?" Napaawang ang tenga niya sa telepono sa lakas nang boses nito sa kabilang linya.
"I asked for my coffee since five minutes ago. Ano, nagpapakulo pa rin kayo nang tubig hanggang ngayon?"
Blag!
"Aray!"
"Something wrong Samantha?"
"Eh ang aga pong nag-menopause ni boss Gerard tita Nancy. Sigaw ang unang bati niya sa akin."
"Eh bakit ba?"
"Yung kape nya daw po...."
"Ay oo nga pala! Naku, nakalimutan ko na. Eh kasi naman, ang aga-aga ang sama nang mood."
Tumayo na ito at pumunta nang pantry para ipagtimpla nang kape ang boss nila.
Kasalanan mo Sam.
O bakit ako?
Ikaw kaya ang tanggihan, feeling mo magiging okay ka afterwards? Ang haba ng hair mo 'teh!
Eh anong magagawa ko? Eh sa hindi ko gusto ang estilo niya?
It has been weeks since that sunrise incident. Hanggang ngayon, iyon ang ipinagmamaktol nito?
Ang hindi niya pagpayag?
"I'm sorry but I still believe in the old-fashioned way of courtship."
Lumaki siyang lahat nang bagay ay dapat idinadaan sa tamang paraan o proseso. Kasama na ang panliligaw nang lalake sa babae para makuha ang matamis na oo. At kaya nga siya nangangarap nang isang fairy tale romance.
At hindi ganun si Gerard.
Hindi ito ang prince charming na hinahanap niya.
Hindi ito ang pinapangarap niyang lalake.
He's clearly not the prince charming her heart of a princess wished for to kiss her and be with her in the life of happy ever after.
He's more of a wolf, a beast.
Pang action or horror movie, not for the "once upon a time" theme.
"Are you telling me it's a no?"
Hindi siya makatingin nang diretso dito. Tumungo na lamang siya para hindi makita ang disappointment sa mga mata nito. At para hindi rin nito mahalata ang panghihinayang sa mukha niya.
Walang imik na dinampot niyo ang mga basket nang pagkain at tumayo para ilagay sa kotse. Siya naman ay parang nanghihinang tumayo at tumingin sa malayo.
"Are you coming or not?" sigaw nito sa kanya. Nailigpit na pala nito lahat nang gamit at nakaabang na sa may pintuan nang kotse para sumakay.
Wala silang imikan habang pabalik sa apartment niya. Hindi pa rin siya makatingin dito. Pakiramdam niya, ang laki ng kasalanan niyang ginawa sa pagtanggi dito.
Hindi rin siya nakatiis. Nilakasan niya ang loob niya at nilingon ang binata.
He was looking straight on the road, face was grim and hands holding the wheel so tight.
He really looks like a beast ready to pounce on anyone. Anyone, including her.
Kinabahan siya nang habang tumatagal lalong bumibilis ang takbo nang kotse.