WTSF-18

7.7K 89 69
                                    

After hearing what he said, she pushed him away. Napasobra yata dahil halos napasandal ito sa dingding.

"What the...What's wrong sweetheart?"

"We shouldn't do this", sagot niya sabay talikod dito. Nagbabadya nang pumatak ang luha niya. But no way she'll allow this man to see her crying!

She immediately pressed the "B" button and crossed her arms. She was more like holding herself to stop from turning around and give Adam one good punch.

Not a slap, but a punch. Or better yet, a kick on his groin.

Pero sarili niya yata ang dapat niyang sampalin for allowing him to kiss her. Kung bakit naman kasi nadala siya sa titig nito.

"Hey, what's wrong?" he asked and tried to hold her arms.

"Wala!" halos sigaw niya dito sabay piksi para makaiwas.

"Woah! What did I do now?"

Instead of answering him back she waited til the door opened.

Ilang floors pa ba bago mag basement? Bakit ang tagal?

Finally, the door opened. Dali-dali siyang lumabas at naglakad papalabas ng building.

"Where do you think you're going?"

"Sa impiyerno, gusto mong sumama?"

"What?!"

"I said home, where else?"

"Andito ang sasakyan, saan ka pupunta?"

"Hell!"

Hinabol siya ni Adam. "Ano bang problema mo?"

"Bakit ba ang kulit mo? Sabi nang wala."

"Ganun naman pala eh. Eh bakit kanina ka pa bulong nang bulong diyan na parang bubuyog? At saan ka pupunta? Eh di ba ihahatid nga kita?"

"Umuwi ka na lang mag-isa. I'll take a cab."

"Is this a repeat of that last time?"

"Ewan!"

"Let's go to the car Sam," mahinahong salita nito. "Please."

"Ayokong sumama sa 'yo."

She thought he gave up because he turned around as if going back to his car. Inihilamos lang pala ang kamay sa mukha na parang nagtitimpi, at walang anu-ano, lumapit sa kanya, pinangko siya at walang kahirap-hirap na naglakad patungo sa sasakyan nito.

"Ibaba mo nga ako, ano ba!"

"Shut up!" he growled.

Natameme naman siya sa lakas nang boses nito. Para siyang nakarinig ng ungol nang leon.

Beast talaga.

Nang makarating sila sa lugar kung saan nakaparada ang sasakyan nito, ibinaba siya pero hindi binitawan ang kamay.

"Let go of my arm."

"And what? So you can run away from me?" Binuksan nito ang pinto ng sasakyan. "Get in," utos nito.

Hindi siya kumibo.

"Inside Samantha or you won't like what I'll do to you."

Hindi na siya nakipagtalo pa. Parang alam na niya kung ano ang gagawin nito sa kanya kapag hindi siya sumunod.

Gusto mo naman di ba?

At pagkatapos ano, sa kama ko o kama niya? At pagkatapos ano? Goodbye Ms. Contestant number eleven?

When The Slipper FitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon