"Colin, will you sign these papers please? The Head Office needs it before twelve noon," Sam asked her boss as she laid down the documents in front of him.
Colin was facing his computer when she approached him. He just took the paper from the table, read it for a while, signed and put it back in the table without looking back at her. He just put his attention back to his computer screen.
Hanggang ngayon ba naman nagtatampo pa rin ito?
Alam niya pinagmamaktol nito.
Ang tungkol sa kanila ni Adam.
"Is there something going on between the two of you?"
Para siyang binuhusan ng tubig na malamig sa tonong nang-aakusa ni Colin.
"Wala!" sabay pa nilang sabi ni Adam. At saby din silang napaupo pagkatapos.
Pabaling baling lang ang tingin sa kanila ni Colin.
"Ang galing naman ninyong dalawa, Sam, Adam! Parang swak na swak boses nyo sa isa't isa. Aladdin and Jasmine ang peg!" kinikilig na sabi ng isa sa mga kasamahan nila.
Ngumiti lang si Adam sa tinuran nang kasama niya. Siya naman, ganun din.
At pagkatapos noon, she acted as if that moment together with her prince did not happen.
Hindi naman nahalata ng mga kasama niya ang tension sa kanilang tatlo.
At si Colin? Walang ginawa kundi tapunan siya nang tinging nagtatanong, pero hindi niya pinansin.
Hindi rin naman nagtagal at nagpaalam na si Adam sa kanila. He said goodbye to no one in particular, just said that he has to go and left.
At ang puso niya, nakalimutan niyang lagyan ng bartolina. Ayun, tumakbo na naman kasama ito.
"There is something going on between you two. Care to tell me how it happened?" untag sa kanya ni Colin
"Wala. Ikaw, nagkakalalakeng tao, tsimoso."
"Kahit babae pa o bakla ako mahahalata kayo. Kulang na lang kanina, tabigin niyo ako paalis sa gitna ninyo para hindi kayo maabala."
"Buti alam mo" bulong niya.
"What?"
"Wala nga. And do I have to tell you everything? This is way beyond our working relationship, isn't it?" pagtataray niya.
Natamame naman si Colin. At hindi na ito nagsalita pa hanggang magsi-uwian sila. Actually, nauna na itong umalis. Mukhang nagtampo sa kanya.
At ngayon nagtatampo pa rin. Tatlong araw na siyang hindi iniimikan.
Grabe naman itong amo niya, parang bata. Pero sabagay, bata pa naman talaga ito. Bukod sa bata ang edad, bata ang pag-iisip. Tulad ngayon.
Well, she didn't owe him any explanation. Amo lang niya ito, hindi niya konsensya. At kahit magkaibigan na sila, she don't think she owe telling him her love story.
Love story na agad?
Nagkita lang sila ulit ni Beast at nag-duet, love story na agad?
Ewan!
Iiwanan na sana niya si Colin sa pagmamaktol nito pero mukhang hindi rin siya matiis.
"Kahit bilang kaibigan man lang, hindi mo pa rin isi-share sa akin anong meron sa inyo ni Adam?"
"Sorry for being rude, but why do you care? Bakit, hindi ko ba puwedeng siyang magustuhan or hindi niya ako puwedeng magustuhan?"
"It's not that."