WTSF-19

6.2K 86 57
                                    

It's already two in the morning, pero mulat na mulat pa mata niya.

Hindi siya patulugin nang sagot ni Adam.

I don't know.

Ano ba talaga ang ini-expect nya?

Kahit ayaw niyang balikan pa naging usapan nila, hindi niya maiwasan.

"I don't know."

"I don't know?"

"I don't know because I'm not the type who thinks about the future. Except of course, when it comes to my businesses. But other than that, no. I live for the day."

"But why? You're not looking forward to a future with someone?" she asked, trying to get a hint about his lovelife.

Aren't you desperate, Sam?

"I don't," he bluntly replied.

Ouch!

"Bakit?" bulong niyang tanong.

"Because I don't believe in love. I don't believe in relationships. And especially, I don't believe in family. I still have my grandparents pero hanggang sa kanila lang ang kikilalanin kong pamilya. My belief stops beyond that."

Bakit? This time, her question remained only in her thoughts.

Bakit ganun ang sagot nito?

"Malamig na kape mo, inumin mo na," pang-iiba niya nang usapan. Ayaw niyang mahalata nito ang disappointment na nararamdaman niya.

He did as what she told. "This tastes good. Very good actually. Mas masarap timpla mo kesa kay Nana."

Hindi na siya nag-react. Baka iba pa ang lumabas sa bibig niya.

Kahit gusto pa niya itong makasama, hindi naman niya maitago pa ang sama nang loob niya.

Nagkunwari na lamang siyang naghikab para may dahilan siya na magpaalam dito.

"I should be going. Mukhang inaantok ka na."

"Pasensya na. Medyo nakakapagod yung work kanina. Not that I'm complaining, though."

"It's okay, it's late na rin naman."

Lumakad na ito papalabas nang pinto.

"Make sure the door is locked and the windows too."

"Yes, sir."

"Samantha, remove the sarcasm. I'm just concern here."

Wow! Kanina lang kulang na lang sabihin mong manhid ka. Ngayon, concerned? Ano ba talaga Adam?

"Nakatulog ka na yata, di ka na kumikibo dyan."

"Ha?"

"Goodnight. I'll see you tomorrow," paalam nito sabay halik sa pisngi niya.

Natigilian na naman siya sa ginawa nito.

Huli na nang bumalik huwisyo niya para itanong kung bakit. "Teka, may overtime ba bukas?"

Bakit sila magkikita bukas kung hindi tungkol sa trabaho?

Pero nakatalikod na ito at itinaas ang kamay bilang pagpapaalam.

At eto siya ngayon, hindi dalawin nang antok sa kaiisip sa mga sinabi nito kanina.

When The Slipper FitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon