"Honey, you look so tired," puna sa kanya ni Samantha. "Are you sure kakayanin natin, or rather, ninyo ang preparations? Isang linggo pa lang at...."
"We'll make it, honey. Ako pa!" pagmamayabang niya.
They were lying in a sofa sa loob ng private room na inaarkila nila sa hospital. He came from the municipality pagkatapos niyang asikasuhin ang mga papeles ng kasal nila.
It's been more than one week since pumayag ito sa hiling niya. Immediately after she said yes, ipinaasikaso na niya sa lahat ang mga dapat ayusin. Buong pamilya niya at pamilya ni Samantha ay hands-on sa pag-aayos, maliban kay Samantha. Ayaw niyang bigyan pa ito nang winu-worry bukod sa sitwasyon nito ngayon at nang baby. And as far as her therapy is concerned, hindi naman nito niri-reject ang mga suggestions dito ng doktor nito para mawala ang takot nito sa bata.
"How's our baby?" tanong niya habang nakapikit ang mga mata at hinahaplos naman ni Samantha ang buhok niya sa noo.
"She's okay. We played a little kanina. Medyo natatakot pa rin akong hawakan siya but unlike before, hindi na ganun katindi."
Iminulat niya ang mga mata at tinitigan niya ang babae. He took her hand that was playing on his hair and kissed her palm. "That's great honey! Imagine, one week pa lang ang therapy mo and may improvement na agad. You'll get there, don't worry. I'm sorry nga pala at hindi ako nakasama sa 'yo today. I had to finish the application for our marriage license and baby Lauren's christening. But tomorrow I'm free. We can go together sa session mo with the psychologist."
"Kahit ako na lang muna ulit, okay lang. Mag-rest ka na lang tomorrow."
"I insist. Di ba nga sabi ko, tayong dalawa ang haharap sa problemang ito?"
"Pero..."
"No buts."
Ipinikit na niya ang mata habang ginigiya niya ang kamay ni Samantha sa labi niya. Hinahalik-halikan niya ang palad nito.
"Gerard..."
"Hmmnnn?"
"Huwag na kaya muna nating ituloy ang kasal?"
Bigla niyang iminulat ang mga mata sa narinig. "Why, are you still hesitant on marrying me?"
"Of course not! I just don't think it's the right time to do this. I mean..."
"It is the right time honey."
"Pero ang kasal..."
"We'll go ahead with it."
"What about the venue, the priest?"
Ang alam lang ng babae ay ikakasal sila sa chapel na meron ang hospital. Pero ang mga detalye ay hindi pa niya ipinaaalam dito.
"As I said, dito tayo sa chapel ng hospital ikakasal."
"Pero sinong magkakasal sa atin? Sino ang abay? Are we ready?"
"You have your groom, I have my bride, we have the priest, and we have the ring that will bind us, that's enough, for now at least, for us to get married, right? I know this is not your dream wedding, but promise, as soon as we're settled, as soon as everything is okay, we'll go ahead with the wedding you dream of having. For now, all I wanted was for us to be a family before we go out from this hospital. Puwede ba yon?"
Mula sa pagkakahawak ng kanilang kamay, inihaplos ni Samantha ang kamay nito sa mukha niya.
"Wala naman akong ibang gusto kundi ang maikasal sa 'yo. Kahit saan pa yan, hindi na importante sa akin. All I want is to be called Mrs. Gerard Adam Alonzo."