"What happened to your hand? Bakit may benda?"
"Ah eto? Ahm, wala ito. Nagbowling kasi kami ng mga staff ko nung isang araw, nagkamali ako nang hawak sa bola, ayun."
"Di ba hate na hate mo ang bowling? Bakit ka sumali? Patingin nga." She tried to pull his hand to check it.
"Tata, ano ba? Nagmamaneho ako, aalisin mo kamay ko sa manibela? Gusto mo bang madisgrasya tayo?"
"Sorry. Sa susunod kasi wag ka nang magpa-impress sa mga tao. It's enough that they find you handsome. Kapag nalaman nilang para kang hindi madumi kapag naglalaro ng bowling, baka ma-turn off sila sa 'yo."
"At least they find me handsome. Eh ikaw, hindi. Tumingin pa sa iba, palpak."
"Qin, please let's not talk about him."
"So tama hinala ko. Siya ang dahilan bakit ka uuwi sa Batangas."
Hindi na siya nakatanggi dito.
"Tama rin lang pala ang ginawa ko kung ganon."
"Na ano? Anong ginawa mo Qin?"
"Wala."
"Joaquin Alfonso, magsabi ka nang totoo. Anong ginawa mo? May ginawa ka sa kanya?"
Ito naman ang hindi makatanggi sa kanya.
"What did you do to him?"
Tumingin siya sa kamay nitong may benda.
"Wait, don't tell me kaya may benda ang kamay mo...."
"Yes, I punched him. Ang tigas lang ng panga, sumakit kamao ko pagkatapos."
"Qin, how could you?!"
"He could've gotten more if we're outside his building at walang mga guwardiyang pumigil sa akin," pagmamayabang nito.
"Bakit mo ginawa yon? Qin naman eh!"
"I told you Samantha, huwag na huwag kang paiiyakin ng taong yon at makikita niya ang hinahanap niya. Ngayon, nakita na niya ang hinahanap niya. Wala siyang karapatang paiyakin ka, Tata. I told you that during that night I first saw him."
"You don't understand."
Itinigil nito ang kotse sa tabi ng kalsada. Lumingon ito sa kanya matapos patayin ang makina.
"Alin ang hindi ko maintindihan, Tata? No lady deserves to cry, lalo ka na. You're a tough one, my friend, at bukod sa pagkawala ng mommy mo, wala pang pagkakataon na nakita kitang malungkot. Ngayon lang. You don't have to literally cry in front of me para malaman ko kung malungkot ka. At tama ang hinala ko. Yung lalakeng yun ang dahilan. Pero mali ang hula ko noong may gusto rin siya sa 'yo."
"Gusto niya ako, Qin. Gusto niya akong.....akong....."
"Akong ano?"
Nahihiya siyang ituloy ang sasabihin.
"Ano, Tata? Gusto kang.....?"
"Ikama," nakapikit niyang tugon.
"Tarantado pala siya talaga eh! Kulang pa ang suntok na ibinigay ko sa kanya."
"Okay na rin ito, Qin. At least he's honest enough to admit what he really wanted from me. Kung iba siguro yon, dadaanin muna ako sa pambobola."
"Ipinagtanggol mo pa. Kaya ka ba malungkot ngayon dahil hindi ka nya gusto bukod don?"
"I admitted in front of him that I love him and he bluntly told me he couldn't love me back. He wouldn't love me back."
At nagsimula na namang tumulo ang luha niya.