WTSF-33

5.3K 64 16
                                    

Bakit ang lapad nang ngiti niya?

Ano ang pinag-uusapan nila at halos mapatid ang labi niya sa pagtawa?

Bakit ang saya-saya niya habang nag-uusap sila ni Yani?

At bakit sila magkasama?

Nung sinabi nang daddy niyang magkasama si Gerard at ang pinsan niya habang namamalengke, okay lang sa kanya.

Pero ngayong nakita niyang magkasama ang dalawa habang bitbit ang mga binili at nagtatawanan, bigla siyang nanibugho.

At biglang kinuwestyon ang pagsasama nang dalawa.

He never smiled at me like that! pagmamaktol niya sa sarili. All he knew was to scowl at me. Never pa niya akong nginitian nang ganoon.

"Good morning honey!" bati sa kanya ni Gerard. Akma na siyang hahalikan nito pero umiwas siya.

"Hmp!" sabay talikod at bumalik sa loob nang bahay diretso sa kusina.

"Honey, look at this! Binigyan nila ako nang mga isda oh. They all looked fresh to me. How do you want me to cook them?"

Hindi niya sinasagot ito. Bagkus nakatalikod siya at kunwaring magtitimpla nang kape. Biglang uminit ang ulo niya sa nakita kanina sa labas.

"Hey, have you eaten your breakfast? Ako kasi kanina pa eh pero parang nagugutom yata ulit ako. Masarap yung pandesal na inihain kanina nang daddy mo. Meron pa ba?"

No answer from her.

"Hey, me problema ba? Nagdadabog ka yata? Sam, honey, what's wrong?"

"Wala!" pabalang niyang sagot. Ayaw pa rin niyang lingunin ang lalake.

"May problema ba tayo? Is everything okay? Hey, come here."

Hinawakan siya sa magkabilang balikat saka iniharap dito.

"Anong problema?"

"Wala nga. I'm sure ikaw, walang-wala rin. Ang lapad nang ngiti mo."

"Ngiti ko? What's wrong with my ngiti?"

"Ano nga bang meron sa ngiti mo at hindi mapuknat-puknat? Ang saya nyo ngang tingnan nang pinsan ko, parang walang problema ang mundo."

"Oh that! She's just telling me something about...you know, things."

Nakanigiti pa rin ang loko.

"Then why are you still grinning?"

"Nag-enjoy lang ako sa mga kuwento ni Yani. She's so funny, my stomach is still hurting from laughing too hard from her jokes."

"Talaga? Well, it looked like you really enjoyed her company too much, hindi pa rin nawawala yang ngiti mo. Siya na lang kaya ang pakasalan mo?!"

"Honey... "

"Ewan ko sa 'yo!"

She stomped out of the kitchen. Nasalubong niya ang dahilan nang ipinagsisintir niya. Ni hindi niya pinansin ang pagtawag nito sa kanya. Tuloy-tuloy siya sa labas at naupo sa steel chair sa may garden.

"Uhm! Kakainis!"

"Selos ka rin?" biglang tanong ni Qin. Nagmumukmok din pala ito sa isang sulok.

"Rin?"

"Yeah, I wanna punch your fiance hard on his face for making her laugh. And you, you look like you wanna throw dagger at your cousin sa talim nang titig mo sa kanya kanina."

Tiningnan niya si Qin.

"Ikaw rin naman eh, kulang na lang magkasungay ka at susugurin mo din si Gerard kanina. Hindi pa rin naalis yang gitla mo sa noo."

When The Slipper FitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon