"Will you stand still?! Paano ko maiitali nang maayos ng bow tie mo kung para kang pusa dyang hindi mapa-iri?"
"How can I be at ease Edward, when I know Samantha is crying somewhere?! Ano bang nangyari?"
"For God's sake, she's not crying! At least not yet," sagot nito habang abala sa pag-aayos ng kurbata niyang nalukot dahil pinilit niyang inaalis iyon kanina nang mag-panic siya dahil sa nalaman.
"Tell me, ano ang nangyari?!" nanggigigil niyang tanong sa kaibigan.
"I don't know! Eh di ba hindi naman ako umaalis sa tabi mo?" pilosopong sagot ni Edward.
"Then call my mother, call Jenina, si daddy Delfin, kahit sino! I want to know why she suddenly got panicked!" halos sumigaw na siya.
"Will you calm down!?" Joaquin hissed at him. "Nasa loob tayo ng chapel, ang boses mo! Mahiya ka naman! For sure ipapaalam naman nila agad sa 'yo sakaling umurong si Tata sa kasal ninyo."
Nasa isang tabi lang ito, nakahalukipkip habang pinanonood nito ang ginagawa ni Edward sa kanya. Sila lamang tatlo ang naiwan sa loob ng chapel habang ang iba ay pinuntahan si Samantha.
Tiningnan niya si Joaquin nang masama.
Few minutes from now, ikakasal na sila. Pero biglang ayaw nang lumabas ni Samantha sa kuwarto nito. Kasama nito nang oras na iyon si Yani at ang mommy niya, pati na rin si tita Nancy.
"How can I calm down?! Tell me! Aray! Ano ba? Gusto mo ba akong bigtihin?" sita niya kay Edward.
"Ang arte mo kasi! Alam mo namang may pinagdaraanan ang misis-to-be-mo, ikaw itong atat na pakasal kayo agad. Hindi mo muna hinintay na gumaling siya bago kayo sumige. Para naman kasing may iba pa kayong patutunguhan bukod sa pagiging mag-asawa. Yan, ayos na, mukha ka ng tao."
"Sana binigti mo na lang yang si Adam, Edward," biro ni Joaquin, "para tuluyan nang makawala si Tata sa kanya."
"Oo nga ano? Teka, ulitin natin," pakikisakay naman ni Edward.
Tinabig niya ang kamay ni Edward at akma nang lalakad palabas ng chapel para puntahan si Samantha.
"Hep! At saan ka pupunta?" pigil sa kanya ni Joaquin.
"I have to see her! I have to know..."
"Alam mo bang may kasabihan ang matatanda na bawal makita ng groom ang bride before the wedding?"
"I don't care about that superstition!"
"We do!" sabay na sagot ng dalawang best man niya.
"Pero teka brod, eh di ba nga gusto nating huwag maipakasal itong mokong na ito kay Tata? Bakit natin pinipigilan?" sansala naman agad ni Joaquin.
"Oo nga ano? O sige," sabay alis ng dalawang lalake sa daraanan niya, "silipin mo na ang bride mo, at nang magkakatotoo ang pamahiin. Go!"
Hindi naman siya kumibo sa kinatatayuan niya. Somehow, he believed it might happen to them kung gagawin niya ang gusto niya.
"Natakot ka rin ano?" tudyo sa kanya ni Edward.
"Seriously, Adam, Tata will be fine. Nandoon ang buong sandatahan, ika nga, para kumbinsihin siyang umurong, este, wag umurong."
Tiningnan na naman niya ng masama si Joaquin.
Bakit ba kinuha pa niya itong best man kung palagi na lang itong kontra sa kanya?
"Eto naman, hindi na mabiro! Hanggang ngayon ba, duda ka pa rin sa kung hanggang saan ka kamahal ng bestfriend ko? Sa tingin mo ba sa puntong ito, nakakaisip pa rin siyang huwag tumuloy sa pagpapakasal ninyo?"