WTSF-11

7.3K 73 53
                                    

Ang kapal nang mukha! Siya pang me ganang magalit? Kung hindi ba naman bastos? Naku!

"Ma'am, okay lang po kayo?"

Napalingon siya sa driver ni Adam.

"Ah, eh opo, kuya. Pasensya na."

"Okay lang po."

"Eh, kuya, pwede po ba magtanong?"

"Sige po ma'am, basta kaya kong sagutin."

"Saan pong kompanya nagtatrabaho si Adam?"

"Adam po? Sinong Adam, ma'am?"

"Hindi ninyo kilala amo nyo? Yung antipatikong lalake kanina..."

"Ah, si sir Gerard po? Nagtatrabaho po siya sa sarili niyang kompanya. Siya po ang may-ari ng GA Building."

"Anong ibig nyong sabihing siya ang may-ari? At saka bakit Gerard tawag ninyo sa kanya?"

"Eh Gerard Alonzo po ang alam kong buong pangalan niya, ma'am, hindi Adam."

"Gerard Alonzo?!?!?!"

THE Gerard Alonzo?!?!?!?!

THE President of GA Group of Companies?!?!?!?!

THE Beast?!?!?!?

THE Prince?!?!?

Is her BOSS?!?!?!?

Oh my God!

Oh my God!

OH MY GOD!!!!

"Kuya, pakitigil ng sasakyan!" biglang sigaw niya dito.

"Po?"

"Ihinto ninyo ang sasakyan!"

"Pero ma'am, wala pa po tayo sa GA Building."

"Bababa na po ako, pakihinto na lang diyan sa isang tabi."

"Pero, ma'am, baka pagalitan ako ni sir pag nalaman niyang...."

"Parang awa mo na, kuya! Ihinto ninyo ito."

Walang nagawa ang driver kundi itigil ang sasakyan sa isang tabi.

Dali-dali siyang bumaba at pahingal na naglalakad pabalik-balik sa kalsada. Mukha siyang babaeng hindi mapaanak.

Bumaba din ang driver at nilapitan siya. "Ma'am, okay lang po kayo?"

"Kuya, sigurado ba kayong yun ang pangalan ng anti....ng lalakeng yon?"

"Opo, ma'am, sigurado po ako. Sampung taon na po akong nagtatrabaho sa kanya."

"Pero, kaibigan lang pakilala sa akin ni Colin sa kanya," bulong niya sa sarili.

"Opo, magkaibigang matalik po sila ni sir Colin. Pero mag-amo rin po sila." Narinig pala nito ang sinabi niya.

Nyay!

Ang lalakeng nakilala niya sa Singapore, ang lalakeng nagsuot sa kanya ng sapatos, ang lalakeng naka-duet niya sa videoke bar, ang lalakeng sinimangutan niya kanina, ang lalakeng gusto niya......

"Ma'am!!!!"

 

Sam opened her eyes and found the driver staring at her.

"Ma'am, okay na po kayo?" nag-aalalang tanong nito sa kanya ng driver.

"Ano pong nangyari?"

"Eh hinimatay po kayo kanina. Mabuti na lang nasalo ko kayo agad, kundi bagsak kayo sa semento. Nag-alala nga po ako. Wala po bang masakit sa inyo?"

When The Slipper FitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon