"Kumusta ang pakiramdam mo anak?"
"Okay naman po daddy."
"May gusto ka bang kainin? Nagugutom ka ba? Prutas? Gusto mo nang prutas? Ahm, ipagluluto kita nang paborito mo. Gusto mo, lutuin ko yung paborito mong pansit miki?"
"Hindi na po daddy, busog pa po ako."
"Samantha, anak, kailangan mong kumain. Ni hindi mo nagalaw ang inihatid kong pagkain kagabi. Alalahanin mo ang sinabi nang doktora. Kulang ka sa bitamina, kulang kayo sa bitamina nang apo ko. Maawa ka naman sa bata."
Napaluha na naman siya sa sinabi nang ama.
"Busog pa po talaga ako daddy, pasensya na. Ibabalik ko lang din naman po ang kakainin ko katulad nang nangyari kagabi."
Kung ilang beses siyang dumuwal nang dumuwal sa banyo kanina. Makaamoy lang siya ng hindi kaaya-aya, bumabaliktad ang tiyan niya. Hindi pa nakakarating sa lalamunan ang isinusubo niya, tumatakbo na siya sa lababo para iluwa ang pagkain.
Pagod na siya. Pagod na ang katawan niya. Pati utak niya, lalong-lalo na ang puso niya.
How she wanted to give up.
Give up everything.
Including the baby.
Tuluyan na siyang napahagulhol sa naisip noon.
"I'm so sorry baby!" iyak niya habang hinahaplos ang kanyang tiyan.
Matagal na niyang nararamdaman na may kakaibang nangyayari sa katawan niya. Kahit pa man nung gabing may mangyari sa kanila ni Adam, alam niya na may mabubuo sa ginawa nila. That night, she wanted it, she wished for it.
At eto na ang hiniling niya noon. At sa sobrang sama ng loob niya, hiniling niya na sana mawala na lang ang nasa sinapupunan niya. Hindi sa kung ano pa man, kundi ayaw niyang madamay ang bata sa paghihinagpis niya. She already lost faith on Adam's love for her, and she felt she won't be strong enough to handle the pain kung may magpapaalala sa kanya palagi ng naging katangahan niya.
Tanga siya. Yun ang tingin niya sa sarili niya. She wished for the moon, for the stars, for a prince charming, for a happy ever after. And she got them all indeed. But only for a while. And she, being stupid, thought she could have them forever. She could have him forever.
At ito ang forever niya.
Alone.
Without him, without her prince charming.
But with a human being living inside her as the result of that wish.
God granted the baby to her kahit naging tanga siya para mahalin ang taong hindi dapat mahalin.
She won't have him, that's for sure now, but she'll have someone that would remind her of him.
But for a fleeting moment, just for a moment, she wished the baby didn't come. The selfish her didn't want the life that's beating inside her.
"I'm sorry baby! Patawarin mo si mommy!"
"Samantha, anak, tahan na."
"I'm sorry daddy! Sorry po! Patawarin nyo po sana ako!"
"Hey, anak, wala kang kasalanan! Wala kang kasalanan kay daddy! Nagmahal ka lang, walang masama dun at nagbunga ang pagmamahal na yon! Pero wag kang gagawa nang kasalanan sa magiging anak ninyo. Wag mong ibubuhos sa kanya ang sama nang loob mo sa nangyari. Hindi niya ginusto na mabuo siya dahil lang sa naging mapusok kayo nang lalakeng yun. Bigay siya ng Diyos sa 'yo, it's a blessing! Dapat ka pang magpasalamat dahil binigyan ka Niya nang karapatang magbigay nang buhay sa isang nilalang. Sa lahat ng hirap na pinagdadaanan mo ngayon, binigyan ka Niya nang biyaya. Pangalagaan mo ang biyayang iyon!"