WTSF-32

5.7K 73 32
                                    

Tok, tok, tok!

"Ang aga naman nang dalaw nitong si Yani," puna ni daddy Dante habang tumatayo para buksan ang pinto. Maaga siyang nagigising tuwing umaga, at parang exercise, naglalakad siya papunta sa malapit na bakery sa bahay nila para bumili nang tinapay para sa almusal nila. Kababalik pa lang niya sa bahay at nagbabasa nang diyaryo nang may kumatok sa pintuan nila.

Mukha ni Adam ang bumungad sa kanya nang buksan niya ang pinto.

"Good morning po, tito."

"Magandang umaga naman, Adam. Halika, pasok sa loob. Napasugod ka yata? Aware ka bang alas singko pa lang nang umaga? Daig mo pa ang intsik kung manligaw, ah."

Pumasok si Adam sa loob. "Ahm, hindi po ba nasabi sa inyo ni Samantha?"

"Ang alin?"

"Maninilbihan po ako, kasama na rin ang panliligaw."

"Aba'y bakit pa? Di ba ikakasal na nga kayong dalawa? Upo ka."

Umupo naman ito sa sofa. "Ang totoo po, I didn't treat your daughter properly. I mean, I was rude and all to her. Hindi ko po siya niligawan nang maayos. H..hin..hindi po ako marunong manligaw, tito. Ako po yung nililigawan nang mga babae," nagkakamot sa bato na pag-amin nito.

"At nagustuhan ka pa rin nang anak ko kahit wala kang alam tungkol sa relasyon."

"Ganun na nga po. Gusto ko pong bumawi sa mga pagkukulang ko sa kanya."

"Ganun ba? So, anong plano mo ngayon?"

"Actually, wala rin po akong plano. Kaya rin po ako maagang pumunta dito ay para humingi nang payo sa inyo kung ano ang dapat gawin nang isang lalakeng maninilbihan."

"Kakaiba ka rin ano. Sapilitan mo munang niyayang pakasal ang anak ko, saka ka nakaisip na manligaw at manilbihan."

"Eh pasensya na po. Ang alam ko lang po kasi ay mahal na mahal ko ang anak ninyo at ganun din siya sa akin. Again, I admit, pangit po ang pagkakilala niya sa akin. She did not even believe me at first that I was sincere when I told her I love her. Surely because, she knew firsthand how I handled things, how I treated things. You could say, babawi ako at patutunayan ko sa kanyang hindi ako nagbibiro at hindi ako naglalaro lang. Offering her marriage was not even enough to convince her I'm sincere."

"Hindi sa ganoon, hijo. May mga bagay lang na dapat linawin pa sa inyong dalawa bago kayo tumuloy sa buhay pag-aasawa kaya medyo nag-aalangan ang anak ko."

"Ang alam ko pong malinaw ay mahal ko siya at mahal niya ako. Di po ba sapat na iyon para makapagsimula kami nang bagong buhay na magkasama?"

"Sakaling dumating ang panahong testingin ang pagmamahalan ninyo, hanggang saan sa tingin mo ang kaya mong panghawakan nang sinasabi mong malinaw?"

"Ho?"

"Gaano mo ba kamahal ang anak ko, Adam?"

"Nasusukat po ba yon? Ang alam ko lang po sa ngayon, siya ang buhay ko. Siya ang gumising sa akin at nagpakita na may dapat pa pala akong tanawin na bukas. I don't know if she told you about my mother, but after my mother left me, namatay ako at naging iba ang tingin ko sa mundo. At nabago muling lahat iyon dahil sa anak ninyo. I'm willing to live again because of your daughter."

"Paano kung siya ang maging dahilan para muli kang mamatay?"

"May dahilan po ba para muling mangyari yun?"

"Kung sakali lang."

"Hindi ko pa po alam ang sagot, tito. Siguro, I'll just cross the bridge when I get there, ika nga. Pero sana, sana lang, hindi kami dumating sa puntong yon."

When The Slipper FitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon