WTSF-26

5.9K 83 45
                                    

Nitong umaga lang,
Pagkalambing-lambing
Ng iyong mga matang
Hayop kung tumingin.
Nitong umaga lang,
Pagkagaling-galing
Ng iyong sumpang
Walang aawat sa atin.
O kay bilis namang maglaho ng
Pag-ibig mo sinta,
Daig mo pa ang isang kisapmata.
Kanina'y naryan lang o ba't
Bigla namang nawala.
Daig mo pa ang isang kisapmata.


"Pati ba naman dito?" reklamo niya.

"O ano namang masama sa pagkanta nung binibini? Ang ganda nga nang boses eh."

"Eh hindi naman yung boses ang inirireklamo ni ate, Joaquin, kundi yung kanta. Sa isang kisap mata, naglaho ang pagsinta. Araguy, araguy!"

"Tantanan mo nga ako Yani. Galit ka lang yata sa akin kasi pang-abala ako sa pagdi-date nyo nitong si Qin."

"Ay, ate, hindi ah! Ang purpose namin kaya ka namin niyayang mamasyal ay para malibang ka. Baka kasi mabaliw ka na kapag iniwan ka naming mag-isa sa bahay."

Pagkatapos nilang mananghalian, nagyaya si Qin na mamasyal sa park. Pero dahil sobrang init, pumunta muna sila sa mall at nagpalamig. Ang daddy naman niya, pumunta sa sabungan para manood. Hinayaan niya ang ama sa hilig nitong manood nang sabong tutal hindi naman ito tumataya sa sugal na iyon. Nanonood lamang talaga. At sa gawaing iyon, nakakilala ito nang mga bagong kaibigan. Pero kahit magsugal ito, okay lang sa kanya, basta nag-i-enjoy ito sa ginagawa at nakakalimutan ang lungkot nang pagkawala nang kanyang ina.

"Okay lang naman kung mag-isa ako sa bahay. Ang balak ko ay matulog at hindi ako maayos ang na nakatulog ko kagabi."

"Dahil sa kakaisip sa mokong na yon? Na wala rin naman kinahinatnan dahil iniwan ka?"

"Ah basta ako, I can feel babalik sya."

Siya, she feels nothing.

"I'm sorry, I have to go....Adam."

"Ay, iba ang sumuko?" tanong ni Yani. Nakibasa ito sa hawak niya. "Bakit ganun?"

Bakit nga ba ganun?

"Sabagay ate, ikaw ba naman yung tanggihan at pagsabihan na hindi naniniwala sa sinasabi, hindi ka malulungkot at aalis na lang?"

"Nakinig kayo sa usapan namin?"

"Oo, 'te. Sorry."

"Yani, masama yon di ba?!"

"Eh ayoko nga sana, kaso si tiyo ang mapilit. Samahan ko daw siya sa "krimen"."

"Si daddy talaga oh."

"Paano 'yan, te? Umalis na siya. Ano gagawin mo?"

"Ano bang dapat kong gawin? Wala! Umalis siya, eh di umalis siya! Wala akong pakialam!"

"Labas sa ilong, 'te. Hindi ka sincere. Katulad nang kagabi, hindi ka sincere sa pagtanggi. Bakit ba kasi nagpakipot ka pa?"

"Did I?"

"Ay hindi! Nasa tama ka, 'te! Tamang-tama ang ginawa mo kaya nga umalis na si Bradley Cooper!"

"I'm serious, Yani!"

"Ang masasabi ko lang 'te, nasa huli ang pagsisisi, wala sa unahan. Dahil kung nasa unahan yon, wala tayong sisisihin in the first place. Ano ba yan?! Kung anu-ano ang sinasabi ko! Makapaghanda na nga lang nang almusal. At iwasan ang pagpapakipot," habol pa nito habang bumababa nang hagdanan.

When The Slipper FitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon