"Iiwan mo na naman ako?!"
"Hindi sa ganoon. Meron lang talaga akong dapat asikasuhin sa Manila."
"Ano?!" She's getting hysterical.
"I can't. Hindi ko pa pwedeng sabihin."
"Eh ano ba kasi ang napag-usapan ninyo ni daddy?"
"Ahm...wala, wala. Nanigurado lang siyang hindi na kita iiwang muli."
"You're lying!"
"Honey..."
"Don't "honey" me! If you won't tell me what's going on and if you won't tell me the reason why you're going back to Manila, then go and don't come back! Ever again! I hate you! I really hate you this time! Now leave! Leave this place now! I hate you!"
At nagdadabog na nilayasan siya nang kasintahan.
Napakamot na lang siya sa ulo. "Akala ko ba five meters away? Bakit ayaw niya akong paalisin?"
"Hayaan mo na lang siya kuya. Blame it on hormones," pag-aalo sa kanya ni Yani.
"No, blame it on you," sagot naman ni Joaquin, sabay turo sa kanya.
"Joaquin, I told you, wag kang makialam sa kanila! O gusto mo mag-walk out din ako dito?" warned Yani.
"Mouth zipped!" muwestra naman ni Joaquin sa kasintahan.
"Yani, you take care muna of your ate, okay? I really have to go back to Manila. May aasikasuhin lang ako doon."
"Hindi ba talaga pwedeng malaman?"
"O akala ko ba bawal makialam? Bakit may tanong?"
"Bakit, may reklamo ka?"
"Sabi ko nga, okay lang kung ikaw ang magtanong."
"I can't tell for now. But I will be back, I promise you that. Tell your ate that."
"Oo kuya."
"Joaquin," paalam niya sa lalake.
"Pfft!"
"Joaquin!" sita nang nobya dito.
"Okay, okay! Sige, ingat sa biyahe."
"Tell me you're joking."
"Kuwela rin akong tao, Adam, pero nakikita mo ba akong nakangiti sa 'yo ngayon?"
"Tito, please."
"Sa tingin ko hindi mo magagawang mahalin nang lubos ang anak ko at ang magiging apo ko kung may dala-dala ka pa sa dibdib mo, Adam. At bilang, ama, hindi ko matatanggap na hindi buo ang pagmamahal na maibibigay ng isang lalake sa anak ko. Patunayan mo sa aking hindi ako nagkamali nang pagkakakilala ko sa 'yo noon. Hindi pagmamahal ang tawag sa ibinibigay mo sa anak ko kung hindi ka marunong magpatawad. Dahil ang pagmamahal palaging may kaakibat na pagpapatawad. Linisin mo muna ang puso mo Adam, saka ka bumalik dito. Kapag nagawa mo na yan, walang isang salitang ipapaubaya ko sa 'yo si Samantha at si Lauren Diane."
"L...Lauren D....Diane?"
"Yan ang napili niyang ipangalan sa magiging anak ninyo. Malakas daw ang kutob niyang babae iyon at ipapangalan niya alinsunod sa pangalan ng mga mommy ninyo."
"But why?"
"Hindi ko rin alam. Ikaw na ang umalam kung bakit yon ang napili niya. Pero sa ngayon, hindi mo magagawa yan hangga't hindi ka nakakapagdesisyon kung ano ang gusto mo."