WTSF-24

5.9K 88 77
                                    

"Anong ginagawa mo dito? Did your mother already teach you how to treat women properly?"

"Qin, stop it."

"I don't have a mother, so I have no one to teach me what you had asked me to do."

"Aba't pilosopo pala 'tong lalakeng ito."

"Joaquin, stop it! "

"Just the same, you're not supposed to be here."

"Hindi ikaw ang dahilan kaya ako nandito, so get lost."

"Aba't..."

"Will you two stop?! Qin, umuwi ka na," tulak niya sa kaibigan papalabas ng gate. "At ikaw," baling niya kay Adam, "gabi na. Anong ginagawa mo dito?"

"No, Tata, hindi kita iiwan dito sa tarantadong ito. Baka kung ano pa gawin niya sa 'yo," sagot ni Qin.

"I have to see you. I need to speak to you," sagot naman ni Adam.

"Qin, nasa pamamahay ko siya. Ano sa tingin mo ang pwede niyang gawin sa akin? Sige na, uwi ka na. Mag-usap na lang tayo bukas."

Bumaling ito kay Adam. "Siguraduhin mong magtitino ka Alonzo dahil kung hindi, hindi lang sapak ang aabutin mo."

Tinitigan lang ito ni Adam.

"Eherm," narinig nilang pagtikhim. "Magandang gabi, Samantha, Joaquin. "

"SPO4 Dennis Ilagan, p're, good evening. Napadalaw ka?" tanong ni Qin sa pulis na nasa likuran ni Adam.

"Pasensya na at di ko naiwasang marinig usapan nyo. Pwede gang idaan na lang ninyo sa mahinahong usapan 'yang inyong alitan? Gabi na ih, sigurado naman akong aayaw nyong matulog sa presinto kapag nag-away pa kayo."

"Sorry, p're. Nagkataon lang kasing sira-ulo itong bwisita ni Sam."

"Qin, ano ba? Sorry Dennis," baling niya sa pulis. "Ahm, may problema ba?"

"Ay wala naman Samantha. Sinamahan ko lang itong inyong bisita dito sa lugar ninyo. Ala eh nagkaligaw-ligaw daw siya, muntik pang makaaksidente kanina."

"Nakow, sana eh iniligaw mo na lang nang tuluyan," singit na naman ni Qin.

"Alfonso, tumigil ka nga! Umiral na naman yang pagka-basagulero mo! Umuwi ka na nga. Ahm, Dennis, puwede bang pakialalayan itong si Qin pag-uwi? Hindi naman lasing pero parang nakainom kung umakto."

"Walang problema, Samantha. P're, tara na daw, sabi nang misis-to-be mo."

Tumirik mata niya sa biro nang kaibigan nilang pulis.

Bago tuluyang lumabas nang gate, bumulong pa ito kay Adam.

"Nasa teritoryo kita, Alonzo, kaya magdalawang-isip ka kung anuman ang iniisip mo."

At tinabig nito ang balikat ng kaharap bago tuluyang umalis.

Parang wala naman kay Adam ang ginawa ni Qin.

Hinintay lang niyang makaalis ang dalawa bago niya hinarap ulit si Adam.

"What are you doing here?" nakahalukipkip niyang tanong sa lalake.

"I have to tell you something."

"Don't you think it's kinda late for that? At saka sinabi mo nang lahat ang dapat mong sabihin. Bakit may aasahan ba akong bago? Bumalik ka na lang bukas, inaantok na ako."

"Sam..."

'Samantha! Sino yan?" dinig niyang sigaw nang ama.

Great!

When The Slipper FitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon