WTSF-49

5.9K 113 127
                                    

"Ate, si kuya, nasa linya, kausapin mo daw."

"Wala ako sa mood."

"Miss ka na din daw kuya," sabi ni Yani sa kausap sa telepono.

Hinablot niya dito ang telepono nito at pinatay ang tawag.

"Wala akong sinasabing ganun, Yani!"

"Yun na rin ang ibig sabihin ng isang linggo mong pagta-tantrums, ate Sami. Di ka ba natatakot na baka pangit lumabas si baby Lauren dahil palagi kang nakasimangot?"

"Ewan ko sa 'yo!"

"Totoo daw yun, ate. kahit itanong mo pa kay Aling Coring. Sabi nga nila, kung ano ang ugali ng nagbubuntis habang siya ay nagbubuntis, yun ang kalalabasan ng ipinagbubuntis niya. Kaya ikaw, iwas-iwasan mo ang pagmamangit, masama para sa baby. Dapat lagi kang happy. Dapat lagi kang nakangiti. Magaan ang pakiramdam, maaliwalas ang mukha, maganda ang aura. Sa tingin ko nga hindi Lauren ang magiging baby mo kundi Laurence. Ilang araw lang kasi maganda ang aura mo. Yun yung nandito lang si kuya Adam."

"Dami mong sinabi! Basta, ayoko siya makausap!"

"Pero gusto mo nasa tabi mo siya?"

"Oo! Ah, hindi pala! Ah basta, I hate him. Mas inuna pa niyang asikasuhin ang iba kesa sa akin. Pero sabagay, sino nga ba ako para pagtiyagaan niya. Wala na siyang mahihita...."

"Hep, hep! Yan ka na naman eh! Hindi ka ipagpapalit ni kuya kahit kanino 'no! Kung ipagpapalit ka nun, sana matagal na! Sana hindi siya susugod dito at magbababad sa ulan, tanggapin mo lang ulit."

"Eh ano ba kasi ang dahilan bakit kailangan niyang bumalik ng Maynila? Why couldn't he stay here?"

"Yan ang hindi ko alam. Tinanong ko nga rin siya, sabi lang niya importante daw."

"Mas importante pa kesa sa ipinagbubuntis ko?"

"For sure hindi, pero sigurado akong may kinalaman sa ipinagbubuntis mo. Kaya sagutin mo na ang telepono mo at kanina pa nagri-ring o!"

Nilingon niya ang telepono na nasa mesita. Nang makita niyang "Honey" ang nakalagay sa screen, bialewala niya ang tawag.

"Akina nga at ako ang sasagot kung ayaw mo."

Inunahan niya ito sa pagkuha sa telepono at sinagot niya ang tawag.

"Bakit?"

"Galit ka ba sa akin?"

"May dahilan ba para magalit ako?"

"Wala, but you sounded angry. Honey, I'm sorry, but I really have to do this."

"Eh bakit ba hindi mo mai-explain ang "this" na sinasabi mo?"

"I can't! Basta...."

Beep!

Pabalibag niyang ibinalik sa mesita ang telepono.

"O bakit mo tinapos ang usapan ninyo?"

"He won't tell me the reason!" At nagpapadyak na siya nang nagpapadyak habang naglalakad pabalik-balik sa loob ng kuwarto niya.

"Maupo ka nga, ate! Alalahanin mo ang baby! Mahina ang kapit niya remember?"

Natauhan naman siya at biglang naupo sa gilid ng kama.

"Huwag ka na kasing magmaktol dyan. Mahal ka nung tao, sigurado yun. Kailangan lang siguro niyang asikasuhin ang dapat asikasuhin."

"Ewan ko Yani. Basta pakiramdam ko hindi kami importante ng anak ko sa kanya." Pagkatapos nang sinabing yon, nahiga na siya sa kama.

"Huwag mong sabihing hindi ka na naman kakain?"

"Wala akong gana."

"Ate, ang baby. Hindi puwedeng kapag me sumpong ka, hindi ka kakain. May tao dyan sa loob ng tiyan mo. Hindi yan makakakain hanggang hindi mo pinakakain. Maawa ka naman sa bata."

Nakonsensya naman siya sa narinig, sabay bangon at muling naupo.

"Tara na sa baba, maghahain na ako para makakain si baby Lauren."

"Anong ulam?"

"Yung hiling mo. Sunog na adobo."

"Ayoko nun."

"Naman, ate! Luto na eh! Ikaw nga lang ang kumakain nun!"

"Basta, ayoko nun, baka mangitim si baby."

"Eh anong gusto mo?"

"White spaghetti."

"Carbonara?"

"No, white spaghetti. Milk sauce."

"Eeewww."

"Basta, yun kakainin ko."

"Harinawa'y bago maluto eh yun pa rin ang gusto mo."






The next day.....

"Ate, ano ba? Kakainin mo ba yang pagkain sa harap mo o tititigan mo lang tulad nang dati?"

"Ayokong kumain."

"Bahala ka. Kapag naging malnourished si baby, kasalanan mo."

"Kasalanan lahat ito ni Gerard! I hate him!"

"I hate him daw. Ayaw pang amining nami-miss mo lang si kuya."

"I don't! Kahit hindi na siya bumalik dito, okay lang. Dun na lang siya sa kung saang lupalop niya gustong pumunta!"

She stood up and about to walk out, "Samantha, maupo ka!"

Napatigil naman siya sa pag-alis nang marinig ang boses nang ama. Agad siyang naupo ulit sa upuan niya.

"Kainin mo yang pagkain nasa harap mo. Kung ayaw mo, alalahanin mo ang apo ko diyan sa tiyan mo. Para na lang sa kanya ang pagkain, hindi sa 'yo."

Napilitan na siyang kumain kahit pakiramdam niya ibabalik niya ang kinakain niya.

Nailing na lang ang dalawang kasama niya sa hapag-kainan. At tingin niya sa dalawa, mauubos na ang pasensya ng mga ito sa kanya.

Maski naman siya, hindi maintindihan ang sarili. Ganito ba talaga ang nagbubuntis? May mood swings? Sumobra naman yata ang sa kanya. At ang taong may kagagawan nang pabago-bagong isip niya ay wala sa tabi niya at nasa lugar na hindi niya alam kung saan. Ayaw sabihin ng kanyang ama kung nasaan ito. Wala rin daw alam si Yani at lalo na si Qin dahil hindi naman nito kinakausap si Gerard. Minsan na niyang tinanong ang ama kung nasaan ang lalake, ang sagot lang sa kanya, soul cleansing.

Ano yun? Bakit kakailanganin ni Gerard mag-soul soul cleansing? Hindi pa ba ito "nag-cleansing" nung magbabad sa ulan nung isang linggo? Parusa ba ito nang daddy niya sa lalake? But why?

Mahigit isang linggo na nang huli itong magpaalam sa kanya, pero hanggang nagyon, hindi pa rin niya maubos maisip kung bakit ito wala ngayon sa tabi niya. At ngayong nakaupo na siya sa may verandah, nagpapahangin para mawala ang inis sa lalake, hindi pa rin niya makuha ang logic nang pag-alis nito. Soul cleansing? What the heck for?

"Sorry, baby ha. Laging inis si mommy. Daddy mo kase! Naturingang ama, wala naman sa tabi natin. Pero last na ito, promise. Ngayong gabi lang. Ibubuhos ko ngayong gabi lahat ng inis ko sa tatay mo."

She heard the gate opened at bigla siyang napatayo, expecting it would be Gerard walking in, but not. It was Joaquin, dala ang isang plastic bag at iwinawagayway sa kanya ito. She wasn't able to hide her disappointment.

"Akala mo siya ako ano?"

"Hmp, hindi noh!"

"Asus, kunwari ka pang hindi siya inaabangan!"

"Nagpapahangin kaya ako!"

"Asus! Style mo bulok Samantha!" Lumapit ito sa kanya at naupo sa tabi niya. "Eh kung sinasagot mo na kasi ang mga tawag at texts niya eh di hindi ka napapraning nang ganyan."

"I don't want to talk to him!"

"Pero gusto mo nasa tabi mo siya! Ano ba talaga Sam? Ang gulo nang utak mo! At grabe kang maglihi ha? Mag-aanim na buwan na yang inaanak ko, para pa ring ipu-ipo yang pag-iisip mo, O, eto na ang sitsirya mong pinahahanap."

"Ano yan?"

"Si Boy."

"Ayoko na niyan. Gusto ko si Gerard."

"Gerard Bawang? May ganun na bang kornik?"

"Qin naman eh!"

"Sakalin kita, gusto mo? Tinawag-tawagan mo ako in the middle of my work para magpabili nito, tapos ano, ayaw mo?"

"Basta! Nakausap mo ba si Gerard?"

"Bakit kailangan naming mag-usap?"

"Qin..."

"Sorry, hindi kami magkaibigan ng boyfriend mo. At saka di ba, ikaw madalas tawagan? Bakit sa akin mo hinahanap?"

"Dahil hindi niya sinasagot tawag ni kuya," singit ni Yani. Iniabot sa kanya ang telepono nito. "Si kuya Adam, nasa kabilang linya. Pakiusap daw, kausapin mo siya."

"Ayoko. Gusto ko andito siya sa harap ko."

"O kuya narinig mo? Gusto daw niya kaharap ka."

Yani put on the speakerphone para marinig niya sinasabi ni Gerard.

"...ey, please talk to me, wag ka nang magtampo, please."

"Ayoko nga!"

"Ako na lang kuya kausapin mo at sasabihin ko sa 'yo kung gaano ka na-miss ni ate."

"Shut up Yani." Inagaw niya dito ang aparato.

"Sam, honey."

"Where are you?"

"Las Vegas."

"Las Vegas?!?!?!? At anong ginagawa mo dyan?! Nambabae ka ano?! Bakit, may nahila ka nang mapapakasalan kaya nandyan ka ngayon? Sino siya, sino?!"

"I'm with someone but I can't tell you yet who she is. It will be..."

"She?! She ba kamo? Bakit buntis din ba siyang tulad ko?"

"Hey it's not what you think it is!"

"I hate you! Dyan ka na sa babae mo!"

Sa sobrang inis niya, naitapon niya ang telepono.

"Ate!"

"Tata!"

"Hala, ang telepono ko!"

"Hala ang antigo!"

"Anong nangyari? Bakit tumilapon ang telepono?"

They all turned their heads in her father.

"Si ate po kasi, tiyo."

"Si Tata po kasi, tito."

"Samantha?"

Hindi siya umimik, bagkus lumakad papasok sa loob diretso sa kuwarto niya at nagkulong. At hinayaan matalo na naman siya ng insekyuridad niya.





"Anong nangyari dun? Yani? Joaquin?"

"I don't know tito. Kausap niya sa telepono si Alonzo, as usual, nag-hysterical after five minutes, at ang kawawang antique na telepono ni Yanyan ang pinagdiskitahan."

"Hayaan mo na Yani, ipalilibing natin siya nang maayos."

"Sino po, tito, si kuya?"

"Sama ako," sagot ni Qin

"Telepono mo, sira. O di kaya, singilin mo kuya Adam mo pagbalik niya. Mayaman yun."

"Sigurado po kayong babalik pa si kuya eh nasa Las Vegas daw po siya eh. Dinig kong sabi niya kay ate kanina."

"Ganun ba?"

"Parang hindi po kayo nagtataka tito sa inaasal ni Alonzo."

"Ke gawin niya o hindi ang pinagagawa ko sa kanya, nasa sa kanya na yun. Kaya kong alagaan ang anak at apo ko kung sakali."

"Eh ano po ba ang ipinagagawa nyo sa kanya, tiyo?"

"Soul cleansing."

"Meaning?"

"Soul. Cleansing."

"Ah."

"Ah."

"Ah, ah kayong dalawa dyan. Naintindihan nyo ba ang sinabi ko?"

"Opo."

"Hindi po."

"May kinalaman po ba yun sa nanay nya, tiyo?"

"Ah, yun ba yun?"

"Mismo. O siya, kayo na muna bahala dito at sumakit na ulo ko sa pagmamaktol niyang si Samantha. Ewan ko kung kanino nakamana nang paglilihi eh maayos naman siyang ipinaglihi ng nanay niya."

"Sigurado ba kayong pitong buwan na siya? Parang two months lang eh kung maglihi."

"How'd you know, Joaquin?"

"Sa dami ba naman nang nagbubuntis dito sa atin, ano pinagkaiba nila kay Tata?"

"Si ate Sami lang ang maligalig kung magbuntis."

"Mismo."






"Welcome back to the Philippines, Mr.Alonzo."

"Thank you," sagot niya nang makuha ang passport. Nang makalampas siya sa immigation control, hinanap niya agad ang ina at nakita niya itong hawak na ang isang cart, nakalagay ang mga bagahe nila.

"Let's go?" tanong niya dito.

"Tara na. At nang makauwi ka na sa kanya."

"You think she'd still take me back? Puro sigaw ang sagot sa akin kapag kinakausap ko."

"Bakit naman hindi?"

"Dami ko na kasing atraso sa kanya. Ito nga yung pag-alis ko para kausapin ka."

"She'll understand, don't worry. Sasamahan naman kita di ba?"

"Please."

"No need to say that. At saka kailangan ko ding humingi nang pasensya sa kanya sa inasal ko sa kanila ng mommy niya noon. I didn't treat them properly before."

"You know her mother's dead, right? Kaya siya napilitang maghanap nang work at yun nga, lumapit sa asawa mo."

"Ex-husband, my son, do remember that."

"Sorry, mom. Anyhow, was he still trying to contact you?"

"While we were filing for divorce. After that he didn't try."

"He must know his choices very well. Alam niyang hindi ako nagbibiro sa banta ko sa kanilang mag-ama."

"You musn't be very hard on them, anak. Alalahanin mo, kamag-anak pa rin siya ni Samantha at kapatid mo pa rin si Luis."

"They know better than to go against me, don't worry. As long as you're with me, your ex-husband and your son wouldn't dare touch even the tip of your finger."

"What about Samantha? Kamag-anak niya ang asawa mo. Magiging asawa mo, I mean."

"She has a soft heart, that I know very well. Kung patatawarin niya si Eduardo, wala akong magagawa dun. But not me. I'm sorry, but not me."

"I understand anak."

"Eto na ang sundo natin," sabi niya sabay turo sa kotseng papalapit. Bumaba doon si Edward.

"O brod, welcome back! Hi tita!" bati nito sa kanyang ina sabay halik sa pisngi.

"Hi, hijo. Kamusta?"

"Okay naman po. How's your trip? All settled?" Alam nito ang ipinunta nilang mag-ina doon.

"Done. What about him?"

"Silent as a lamb, don't worry."

"Just don't let your teams' eyes wander away from him."

"Twenty-four-seven, boss."

"Ano bang pinag-uusapan ninyong dalawa ha?"

"Wala, mom. Some business we have to monitor. Bakit ka nga pala sumundo, brod?"

"I need to talk to you regarding your plan."

"What plan?"

"Ito po kasing anak ninyo, hindi mapakali. Nung inaasikaso ninyo yung divorce ninyo sa mister ninyo sa Vegas, panay kulit naman sa akin na kausapin ang governor ng Batangas. Unfortunately, she was so busy with her candidacy and of course, her movie commitments, hindi maisingit ang request nitong ai Adam."

"Governor ba nang Batangas kamo?"

"Opo, si ate Vi."

"I know her. She's a friend. A dear one, in fact."

"Talaga mom?"

"Yeah. She's one of the fews who knew about my predicament in life. Let me call her."

At kinuha na nito ang telepono sa bag at dinayal ang numero governor.

After maybe ten minutes, tinapos na nito ang tawag. "Okay," sabi lang nito.

"And?"

"Done. She'll marry you tomorrow."

"Tomorrow?!"

"Eh bukas lang daw siya libre. Dapat day off niya, kaso pagbibigyan nya daw hiling ko. Yun nga lang, bukas lang puwede."

"Now what?" tanong ni Edward.

"We'll just go home and I'll just collect some decent clothes then go straight to her. I still need to convince her to agree with me this time."

"For the meantime, I will go back to the hotel and rest."

"No mom! You'll stay at the mansion. Our mansion."

"But your grandparents...."

"Don't worry. They already knew the story. Pahapyaw ko nang naikuwento sa kanila ang nangyari."

"Ganun ba?"

"They're waiting for you, tita."

"See? They're okay with it mom, don't worry."

"Okay, sinabi mo eh."

"Let's go home then."










Ding dong!

"May ini-expect ba kayong bisita, Yani? Alas-diyes na ng gabi ah," puna ni Joaquin. Nasa kusina ito at nakikipagkuwentuhan sa kasintahan habang humihigop sila ng kape.

"Ikaw nga, alas-diyes na andito pa."

"Pinaalis mo na ako?"

"Medyo, gabi na kasi. Hindi porke't gusto ka ni tiyo, aabusuhin natin pagtanggap niya. Alalahanin mo, may mga kapitbahay tayo. Mga numero unong tsismoso at tsismosa pa."

"Okay, fine, but I'll go after I see who is this intruder."

Joaquin stood and went outside to see the person who bothered to knock at this late hour. Sumunod naman si Yani dito. "Hep, dyan ka lang! Baka mamaya miyembro ng akyat-bahay gang ang kumakatok."

"Sobra ka naman! Safe naman dito sa lugar natin kahit papaano 'no. Sige na, tingnan na natin kung sino siya."

Both took their time walking to the gate. Nang makarating doon, napansin nilang nag-aabang sa labas ang kaibigan ni Joaquin na si SPO4 Ilagan.

"O, officer, p're, napadalaw ka yata," bati niya sa bisita.

"Gandang gabi, pare. Sensya na sa istorbo pero itong kaibigan ninyo, sinamahan kong makarating dito nang mahinahon. Ala eh kung magpatakbo'y akala mo'y nasa karerahan ih! Kung hindi ko winangwangan eh tulu-tuloy laang. Akala mo ga'y kanya ang daan. Hinuli ko tuloy kasi hindi ako pinansin kanina ih kahit winarningan ko na. Hinuhuli ko na kanina eh ayaw pumayag, bukas na laang daw. "

Noon nila napansin si Gerard sa likod nito.

"Kuya! Bumalik ka na."

"Hi Yani! Joaquin," bati rin nito sa lalake.

"Alonzo," bati naman ni niya dito. Nilingon niya ulit ang kausap at saka bumulong. "Hulihin mo na nga yan p're at wag mo nang palayain."

"Uhm! Puro ka talaga kalokohan, Joaquin!" Narinig pala ni Yani ang sinabi niya sa pulis. "Eh, kuya Dennis, puwede nga gang bukas na laang ninyo ikulong si kuya Adam? Hinahanap na kasi siya ni ate, matagal na. Magagarute na nga eh! Meron naman sigurong dahilan kaya siya nagmamadaling pumunta dito. Di ba, kuya?"

"Eh ano nga gang dahilan at parang hindi mo alam kung paano prumeno, ser?" tanong ng pulis kay Adam.

"I need to talk to her."

"Makikipag-usap lang pala. Pfft!" singit niya.

"We're getting married at eight am tomorrow."

"Ikakasal lang pala....what?! As in bukas na?!"

"Yey!"

"So please, officer, I will come to your office personally after the ceremony tomorrow, I promise you that. We just need to get married..."

"Ala eh, kahit hindi na. Consider it my gift na laang. Yun laang pala dahilan eh. Sana'y sinabi mo agad kanina. Kainaman! O siya, congratulations, ser! Alagaan mong mabuti si Samantha ha at kung hindi ay sa kulungan ka titira."

"Of course," sagot naman ni Adam.

"O siya, aalis na ako. Pasensya na sa abala."

"Salamat kuya Dennis," paalam ni Yani. "Kuya Adam, pasok ka na sa loob. May mga gamit ka bang dala?"

"Kunin ko lang sa likod ng kotse. "

Nang makabalik, "Si Sam? Si tito Dante?"

"Si tiyo, tulog na. Ganun din si ate. Hay naku, yang magiging misis mo, sobrang nakakapraning. Hindi ko alam kung parte pa rin ng paglilihi o naging full-grown ang pagiging moody. Hirap espilengin!"

"Kasalanan mo Alonzo."

"I know, and I'm sorry. "

"Eh saan ka ba talaga nanggaling at bigla kang umalis? Nakaabot ka pa sa Las Vegas?"

"I met my mother at inaasikaso namin diborsyo niya sa asawa niya. We came back kanina lang."

"Talaga kuya? Nagkasundo na kayong mag-ina?"

"Yeah. You'll meet her tomorrow."

"Wow! Kaya pala. Ay, teka, kumain ka na ba?"

"Hindi pa."

"Maupo ka muna at ihahanda ko lang pagkain mo. Maiwan ko muna kayo. Joaquin, behave!" warning nito sa kasintahan.

"Ako pa!"

Nang maiwan silang dalawang lalake sa sala, wala agad nag-initiate ng usapan.

But Adam suddenly cleared his throat then spoke.

"Listen, I love your bestfriend very much. And I will do anything to make her happy. I'm telling you this, man to man. Every word I said is true. This time, all are true. Importante sa akin na masaya siya, masaya ang mga taong nagmamahal sa kanya. Parte ka ng buhay ni Sam, parte na madalas ko pa ring pagselosan ang closeness ninyo, pero tanggap ko. Sana lang tanggapin mo rin ako bilang mapapangasawa ng kaibigan mo. To you, I may not be perfect for her, but I know I'm the man she needed. And she's the other half that would complete me."

"Pasensya ka na din kung maging maangas man ako sa 'yo, Adam. Masyado ko lang mahal si Samantha. Don't take me wrong, pagmamahal-kapatid ang ibig kong sabihin. Yes, I courted her before. I mistook that sisterly love to a r omantic one. Pero mas importante sa akin kung ano ang mas nakakapagpaligaya sa kanya. At ikaw yun. Matagal ko nang tanggap na ikaw yun. Nung unang gabi pa lang tayo nagkita. I just didn't like the way you treated her before that's why I'm like this with you. But you made your biggest step towards your happiness, you'd proven what you said before. And I'm proud of you, brother. "

He offered a handshake and Adam took it.

"Brother," Adam grasped his hand tight.

"Kayo na? Kelan pa? Another Vince and Erik ba ito?" biro ni Yani nang maabutan silang nagkakamayan pa.

"Oo," biro ni Joaquin. "Paano, uuwi na ako. So, kasalan na bukas?"

"Would you mind being a witness tomorrow? Kayo ni Yani?" tanong kaagad ni Adam.

"My pleasure," at nakipagkamay ulit siya dito. "What time nga ulit?"

"Eight in the morning. Isisingit lang kasi sa schedule ni governor."

"Okay. I'll be here by seven. Bye sweetheart. Ako na magsasar ng gate," paalam niya kay Yani sabay halik sa pisngi nito.

"Goodnight, ingat pag-uwi."

He stood up and walked towards the main door nang makasalubong niya daddy ni Sam.

"Tito, akala po namin natutulog na kayo?"

"May narinig kasi akong ingay sa labas. O, ngayon ka lang uuwi?"

"Opo tito. Nagpaalam na po ako kay Yani at kay Adam. Andyan na pala siya, ipinaghahain ni Yani nag hapunan."

"Ganun ba?"

"I'll see you tomorrow po for the wedding."

"Wedding?"

"Bukas na daw po, kay governor."

"At sino me sabing pumapayag ako?"

"Tito, good evening po," bati dito ni Adam.

"O Adam, andito ka na pala."

"Kadarating ko lang po."

"Kumain ka na ba?"

"Kumakain pa po."

"Ituloy mo lang. Ihahatid ko lang sa labasan itong si Joaquin."

"No need, tito. Ila-lock ko na lang sa labas. Me susi naman po ako."

"Sige, ingat sa pagmamaneho."

"Sige po, goodnight."

"Gandang gabi."







"I assume, okay na kayo ng nanay mo? Dahil kung hindi, alam mong tututol pa rin ako sa pagpapakasal ninyo."

Nagkakape na silang dalawa ni tito Dante. Sinamahan siya nito habang kumakain. Hindi siya agad kinausap nito at hinayaan lang siyang kumain nang mapansin ang pagod niya sa mukha. Si Yani naman ay napaalam nang matutulog ng malainis nito ang pinagkainan niya.

"Yes tito. That's why it took a long time bago ako nakabalik. Sinamahan ko po si mommy sa Las Vegas para mag-file ng divorce kay Eduardo. Dun po kasi sila ikinasal at gusto kong makasiguradong hindi na siya masusundan ng lalake. She's a tortured wife, tito. Walang nakakaalam, maski ako, hindi ko alam na binubugbog pala siya ng asawa niya. When I saw her sa hotel, puro pasa mukha niya at putok ang labi. Matagal na pala nitong ginagawa sa kanya yun. I swore that time I could kill that guy for what he did to my mother. Kaya ako na ang kumilos para mapadali ang pagwawalang-bisa ng kasal nila."

"Then why the sudden marriage?"

"Kung hindi po kayo humiling na makipag-ayos ako kay mommy, siguro po ngayon kasal na kami ni Samantha, kahit sa huwes lang. It has been overdue na, di po ba?"

"Tama ka pero hindi ko naman ipapaubaya ang anak at apo ko sa gulo ng buhay mo. Hindi importante sa akin ang kasal kung ang kaakibat naman nun ay pangit na nakaraan dahil hindi rin magiging maganda ang kinabukasan kapag ganun. Ayusin ang nakaraan para maganda ang kinabukasan."

"Naiintindihan ko po. At nagpapasalamat ako sa inyo, kay Samantha, para tuluyan akong magising mula sa isang masamang panaginip."

"Walang anuman, hijo. So, alam na ba ni Samantha ito? "

"Hindi pa po. Natutulog na daw po kasi siya, sabi ni Yani."

"O siya, umakyat ka na sa kuwarto ninyo at magpahinga. Bahala na bukas ng umaga. Gisingin mo na lang siya ng maaga para siguradong makarating tayo nang alas otso dun. Ang alam ko, istrikto sa oras si governor. At saka, hirap magbuntis si Samantha. Hanggang ngayon, naglilihi pa rin siya at hirap bumangon sa umaga. Ikaw ang pinaglilihian ng anak ko ngayon kaya konting haba ng pasensya."

"Opo tito."

"Daddy, Adam. Puwede mo na akong tawaging daddy ngayon pa lang. At salamat at pinagbigyan mo ang kahilingan ko."

"At salamat din po sa pagtanggap sa akin, daddy," nauutal niyang sabi.

It's been too long since he called someone "daddy". Too long. He never imagined he would call someone "daddy" again. And it's a good feeling, a heart warming feeling.

"O natigil ka na dyan. Me problema ba?"

"Ahm, wala po. Ngayon ko lang ulit kasi nagamit ang salitang "daddy". I was seven since I last uttered those words. Hindi ko na inisip na may tatawagin pa akong ganun."

"And it's about time anak."

"Salamat po."

Tumayo na ito ay dinala ang tasa sa may lababo. "Iwan mo na lang dito yang pinag-inuman mo at matulog ka na para makapagpahinga ka na. Mukhang pagod na pagod ka mula sa biyahe mo."

'Medyo po."

"Siya, sige na. Ako na ang bahala dito. Mauna ka na sa itaas."

"Sige po, goodnight."

"Goodnight."

Mabilis pero maingat siyang naglakad pabalik sa sala at kunuha ang isang traveling bag na dala niya saka iniisang hakbang bawat dalawang baitang ng hagdanan para makarating sa itaas at sa kuwartong inalaan sa kanya. He was expecting to see Samantha lying on his bed, pero wala ito roon. Agad siyang lumabas at tumungo sa kuwarto ni Samantha. He knocked lightly at wala pang isang minuto nang bumukas iyon at iniluwa si Yani.

"O kuya, may kailangan ka?"

"Ang ate mo?"

Ibinukas nito ang pinto at itinuro si Samantha.

"Yun oh, tulog na tulog."

"Ganun ba? Pwede ko ba siyang kunin para matulog sa tabi ko?"

"Okay na kayo ni tito?"

"Okay na kami ni daddy."

"Daddy?"

"Yap, pumayag na siya finally," he proudly said.

"Wow! Congrats! By all means, take ate Sami, hehehe."

Dahan-dahan siyang lumapit kay Samantha. Himbing na himbing ito sa pagtulog, may kasama pang mahing paghilik. At suot nito ang polo niya, ang damit na suot niya nung nabasa siya nang ulan. Ginawa nitong kumot ang damit niya, yet she fits perfectly on his shirt, big tummy and all.

"Warning lang ha, sobrang pangit ng mood nyan kapag inaabala sa pagtulog niya," babala sa kanya ni Yani.

"I'll be most gentle, don't worry," sagot niya dito. Yumuko siya at hinalikan ang tiyan nito. "Hi baby, daddy's back! This time, for good. Please don't disturb mommy muna, okay? Dadalhin ko kayo sa kuwarto natin," bulong niya sa nasa tiyan ni Samantha.

As if on cue, kumibo naman si Samantha at iminulat ang mata.

"Hi honey," he said immediately, expecting she'd be fully awake and lambasted him with her anger.

"You're here," sagot nito sa inaantok na boses.

"Yes, I'm here."

"Okay." At ipinikit na ulit nito ang mga mata.

He looked back to Yani who was grinning. "Akala niya siguro panaginip ka."

"Better."

Dahan-dahan niyang isiningit ang mga braso niya at saka ito binuhat. Hindi naman ito nagising pa, bagkus lalong isiniksik ang ulo sa may dibdib niya.

"Bakit ang gaan-gaan niya?" bulong niya kay Yani.

"Hindi kasi siya kumakain kuya, lalo na nung umalis ka. Laging ikaw ang hanap. Parang ikaw ang gustong kainin eh."

'Poor baby!' At hinalikan niya ito sa noo.

She just stirred and uttered a moan.

"Dalhin ko na siya sa kuwarto namin. Thank you and goodnight."

"Sige kuya, goodnight. Anong oras ba kasal?"

"Eight, it will be."

"Sige kuya. 'Nyt!"

Mabilis pero may pag-iingat niyang inilabas ito sa kuwarto at saka dumiretso sa kuwartong inilaan sa kanya. Dahan-dahan niyang ibinaba ito, pero sa halip na makabitaw siya, nangunyapit pa ito sa leeg niya, dahilan para mapahiga na rin siya sa kama.

"Hmmnnnn, I love you honey! And I miss you na! Uwi ka na please!"

He kissed her forehead and wrapped his arms more round her sleeping body.

"I'm here honey. I'll be here forever."

When The Slipper FitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon