"Congratulations hija! You're now fully recovered from depression!" bungad agad sa kanila ng doktora pagkaupong-pagkaupo nila.
Nagkatitigan sila ni Gerard saka sabay na sumilay ang ngiti sa mga labi nila.
Dumukwang ito at hinalikan siya sa labi, mariin, matagal at punung-puno ng pagmamahal. "Congratulations honey! I'm so proud of you!"
"Congratulations to us honey!" sagot niya dito, halos maiyak siya sa sobrang tuwa.
She thought hindi na niya malalampasan ang sakit na iyon, but Gerard was very supportive of her, their whole family too. Lahat ng pasensya at pang-unawa ay ibinigay ng mga ito sa kanya at wala siyang hindi gagawin para suklian iyon, lalo na sa mister niya.
Looking at her husband, she could see how happy he is sa kinalabasan ng therapy niya. Kinakausap nito ang anak nilang si Lauren na noon ay limang buwan na. "You hear that, baby? Mommy is okay now!" masayang kuwento nito sa anak nila na noon ay titig na titig sa daddy nito.
Habang tumatagal, mas nagiging prominente and pagkakahawig ng mag-ama. At sa tuwing maririnig nito ang boses ni Gerard, mataman lang itong makikinig dito na para bang naiintidhan ang sinasabi ng asawa niya.
"Da.....da......da....." her daughter's answer to her husband's declaration. Bumaling ng tingin sa kanya ang bata at saka iwinawagayway ang mga braso. "Ma....ma.....ma...." indikasyon na nagpapakarga ito sa kanya.
Kung dati-rati, nag-aalinlangan siyang buhatin ito dahil sa takot niya, ngayon wala na ni katiting na takot siyang nararamdaman.
Kinuha niya si Lauren mula kay Gerald. "Yes, baby, mommy is okay now. Mommy is fully healed now, thanks to you and Dada!"
Naglulukso si Lauren na para bang tuwang-tuwa ito sa narinig mula sa kanya.
"Looks like pati si baby Lauren ay natutuwa sa resulta ng therapy mo hija," pagkumpirma sa kanya ng butihing doktora.
"Oo nga po doktora at salamat din at hindi kayo nagsawang tulungan kami lalung-lalo na ako."
"You should thank yourself more, hija, dahil sa determinasyon mong gumaling, naging mabilis at lahat positibo resulta ng therapy mo. At tama ang assessment ng psychologist. Nakatulong ng malaki ang pagpapakasal ninyong dalawa sa agaran mong pagbangon mula sa depresyon."
Mula kasi ng ikasal sila ni Gerard dalawang buwan na ang nakakaraan, naging mas madali para sa kanya ang harapin ang problema niya. Sabi nga ng psychologist sa kanya, mukhang kailangan lang niya talaga ng assurance mula sa magiging asawa niya na hindi siya iiwan para mawala ang takot niyang maging ina sa anak nila. Ang pagpapakasal nga ang tinutukoy nito.
"Now, are you ready for the other good news?"
"There's another good news po?" kunot-noong tanong niya.
Nakangiting tumango ang doktora.
"An...ano po yun doc?" kinakabahan naman si Gerard.
"Magkakaroon na ng kapatid si Lauren. Congratulations!"
"Po?!" sabay nilang nasabi.
"Well, my report here says you're seven weeks pregnant. Why, hija, did you not feel any unusual cravings or feelings these past weeks?"
"Ahm, wala naman po, except for eagerness na matulog palagi. Plus, I always wanted to eat green mango. I thought it's only because it's summer kaya ganun," sagot niya.
"You don't feel dizzy or any instance of throwing up?"
Umiling siya.
"Is that a bad sign, doc?" worried agad na tanong ni Gerard.