AN: The cheesiest of the cheese! Pasensya na po readers at wala lang talaga ako nun ni katiting sa katawan. LoL!!! Btw, this will be the 2nd to the last chapter of the story, so enjoy? ;)
"Buntung-hininga na naman. Pang-ilan na yan? Madadali naman ang mga words na nabubuo natin ah," puna ni Qin sa kanya.
Nasa verandah sila sa bahay ng lolo at lola ni Adam habang naglalaro ng scrabble. Dun silang mag-anak pansamantalang nakatira habang tinatapos ang bagong bahay na ipinapagawa ng lalake para sa kanila. Tinawagan niya si Qin at ang nobya nito para may makausap at mapagsabihan ng saloobin niya.
It's been a week since mangyari ang away nila ni Adam, kung away man yung matatawag. Magmula kasi nang araw na bumalik sila mula sa isla, hindi pa sila ulit nag-uusap ng lalake na talagang usap. That night, he attempted to talk to her pero dahil masama pa rin ang loob niya dito, tinalikuran niya ito at nagkunwaring natutulog. Pagkatapos noon, wala na ulit siyang naramdamang effort mula sa lalake para kausapin siya. For the first time since magkaayos sila nung ipinanganak niya si Lauren, hindi niya ito nagisnan sa tabi niya kinabukasan. And she felt lost, hungkag ang pakiramdam niya. Parang hindi na sanay ang sistema niya na mag-isa. Na-miss niya bigla ang asawa.
Thinking back those days and especially those nights na wala silang kapaguran na ipadama sa isa't isa ang pagmamahal, how could she even think na magagawa pa nitong tumingin sa iba? Ni ang balak na patayin siya?
Pero yun ang nakita ko! At yun naramdaman ko! pilit na sumisiksik sa utak niya.
"Oo nga ate, nakakabingi na yang paghinga mo," narinig na lang niyang biro naman ni Yani. "Okay ka lang?"
"Yeah..." sagot niya.
"Kumusta kayo ni kuya Adam?"
Hindi siya sumagot, para bang hindi niya narinig ang tanong ng pinsan.
"Ate..."
Sasagot na sana siya pero biglang tumunog ang celphone niya. Thinking it was her husband, she immediately answered the call.
"Honey....oh hi po mommy!.....ahm, hindi ko po alam eh. Tulog pa po ako nung umalis siya kanina.....Po? Hindi pa siya pumapasok eh alas onse na? Hindi ko po alam kung nasan siya ngayon....hin......hindi pa po kami nag-uusap...si....sige po. I'll let you know once he called."
Pinatay na niya ang tawag pagkatapos magpaalam sa mother-in-law.
"Hindi pa rin kayo nag-uusap ng mister mo?" tanong ni Qin after niyang maibaba ang celphone sa mesita.
Umiling siya. "We're still not talking, or rather, umiiwas siya sa akin."
"What do you mean?" kunot ang noong tanong ni Yani.
Ayaw man niyang sabihin sa mga ito ang nangyayari sa kanila ni Gerard pero wala naman siyang pwedeng pagsabihan. Lalong hindi pwede sa daddy niya dahil sa sakit nito.
"We rarely see each other anymore."
"Ha????" sabay na nagulat ang dalawa.
"Hindi ko na siya nagigisnan sa umaga, tulog na ako kapag dumarating siya sa gabi."
"And you never talked at all after that supposedly second honeymoon ninyo?!"
Umiling siya.
"Umabot sa ganon dahil lang sa pride nyo?!" reaksyon ni Yani.
"Aba't ang tarantandong yon!" sabi naman ni Qin.
Sabay ang reaksyon ng magkasintahan.
"Joaquin!" saway ni Yani sa nobyo.