WTSF-35

6.3K 83 47
                                    

"Daddy, sigurado po kayong hindi kayo galit?"

"Hindi naman, disappointed lang sa inyong apat."

She was sipping her hot milk sa verandah nang lumapit at umupo ang daddy niya sa tabi niya.

"Bakit naman po?"

"Pairalin ba naman ang pagseselos? Yan ang mahirap kapag hindi nagkakakilala nang lubusan. Puro duda ang umiiral sa utak. Walang tiwala sa isa't isa."

"Daddy..."

"Yan na naman ang tono mo Samantha. Anak, hindi kita pinalaki nang maayos para lang magduda nang magduda sa intensyon nang ibang tao. Wala ka bang tiwala sa pagmamahal nang nobyo mo? At pati pinsan mo, hindi mo pinalampas."

"Dati po, pero okay na kami ngayon. Nagkasundo na po kami ni Gerard."

"Oo nga. At kung hindi ko kayo naistorbo, sigurado akong malayo na ang narating ninyo."

"Daddy naman eh!"

"Actually, okay lang yon sa akin."

"Daddy?!"

"Ipinaganak man ako sa taong kopong-kopong, ang utak ko naman ay umaayon sa kung ano ang panahon ngayon. At saka may blessing na ako sa pagpapakasal ninyo, understood na yung mga ganong bagay ay mangyayari."

"Ha?"

"Basta ba mauna muna ang kasal bago ang baby."

"Daddy?!"

"Ayaw mo nun, liberated ang utak nang tatay mo?"

"I just couldn't imagine magiging ganyan ang perception ninyo sa buhay."

"Eh kung ipagpipilitian ko bang kumilos kayo nang sa sinaunang panahon, gagawin ninyo?"

Hindi siya nakaimik.

"See? Kesa gawin ninyo nang patago at labag sa kalooban ko, eh di umayon na lang ako. Tutal, ikakasal na naman kayo."

"Si daddy talaga. Should I really talk about this with you?"

"Eh bakit hindi? Kanino mo sasabihin? Sa iba, eh ako ang pamilya mo? Kung buhay ang mommy mo, sigurado akong pag-uusapan ninyo ito. Eh kaso, ako na lang andito. Wala na siya para gabayan ka sa mga ganyang bagay."

"Do you miss her still?"

"Sobra. Lalo na kapag nakikita ko kayo ni Adam na naglalambingan kanina. Ganung-ganun din kami nung magkasintahan pa lang kami. Yun nga lang, ako ang ipinagluluto nang mommy mo, not the other way around. Sa lahat naman ang hindi mo makukuhang traits sa amin nang mommy mo, bakit yung pagluluto pa ang hindi mo natutunan? Yun pa man din ang palaging isa sa mga qualities na hinahanap naming mga lalake sa isang babae."

"Yun din nga po ang sabi ni Qin."

"Speaking of Joaquin, kumusta sila ni Emiliana?"

"Eh hindi pa daw sila nagkakaayos, sabi ni Yani."

"Ala eh bakit daw?"

"Pinahihingi daw po niya nang sorry kay Gerard dahil sa pagkakasakal dito kaninang umaga. Eh ayaw daw gawin ni Qin. Ayun, umuwi sa kanila nang hindi sila nagkaayos ni Yani."

"Eh ano naman ang reaksyon ni Adam?"

"Wala naman po. Okay lang naman daw po sa kanya kung hindi mag-sorry si Qin."

"Yan bang boyfriend mo, talaga bang naiintindihan niya ang sitwasyon ninyo ni Qin?"

"Ano po ang ibig ninyong sabihin, daddy?"

"Ano ba ang dahilan ng pagseselos ninyo sa isa't isa kanina? Di ba yung pagiging malapit ni Adam kay Yani at ikaw kay Joaquin?"

"Opo," pagkumpirma niya.

When The Slipper FitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon