"Get your hands off her!" mariing bulong sa kanya ni Jake.
"You should get your hands off me," malumanay namang bulong niya kay Jake, hawak ang kamay nitong hawak ang kuwelyo niya, pero hindi ito itinutulak palayo.
"Qin, ano ba?! Bitiwan mo siya! Ano bang problema mo, ha? Bakit biglang-bigla kang susugod dito at manghihila nang kuwelyo?!"
"Anong problema ko?! Wala akong problema! Pero kayo, meron!"
"Qin, please, let him go," pakiusap ni Sam.
Napatiim-bagang siya nang marinig ang boses ni Sam na malambing pa ring nakikiusap sa lalakeng mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa kuwelyo niya.
"Let go off my shirt," ulit niya sa kaharap.
"Sige, Qin, huwag mo siyang bibitiwan, at wala ka na ring kasintahan!" Yani warned him.
"Bakit, dahil siya ang gusto mo?!"
"Let him go, Qin, please!" pakiusap pa rin ni Samantha.
"At ano ang ibig sabihin nito?" mahinahon pero mariing sabi ni tito Dante mula sa sala.
Bigla siyang binitawan ni Jake.
"I'm sorry, tito," agad hinging paumanhin ni Jake.
"Adam?"
"I don't know why he suddenly charged at me."
"Yani?"
"Nagluluto po kami ni kuya Adam nang biglang sumugod si Qin at hinatak kuwelyo ni kuya."
"Samantha?"
"Hi..hin....hindi ko po alam, daddy."
"Mag-uusap tayo sa sala," sabi nang matandang lalake at naglakad na ito pabalik sa sala.
Nang makarating silang lahat sa sala, "Upo," utos sa kanila ng daddy ni Samantha.
They all sat down. Two pairs facing each other, habang nasa gilid nila ang matandang lalake.
"Meron ba akong hindi alam?"
"Daddy?"
"Kailan pa kayo nagkapalit ng kasintahan? Samantha, bakit kayo ni Joaquin ang magkatabi? At ikaw Adam, bakit kayo ni Yani ang magkatabi? Umalis lang ako pagka-almusal, pagbalik ko, nagkagulo na. Nagdesisyon ba kayong magpinsan na magpalit nang boyfriend?
"Daddy..."
"Tiyo..."
"Ang huli kong bilin kanina, sumama si Adam kay Yani para mamalengke. At ipinaalam ko sa 'yo Samantha yon. Bakit ngayon, pakiramdam ko hindi kayo nagkakasundo?"
"Tito..."
"Sir...."
"Adam, simulan mo."
"As you said, tito, namalengke kami ni Yani. I don't know why your daughter suddenly got mad at us. And I was just checking the cut on Yani's finger nang bigla sumugod si Jake at kinuwelyuhan ako."
"Joaquin?"
"I'm sorry, tito. Nakita ko kasing magkahawak sila nang kamay ni Yani, biglang nagdilim paningin ko."
"Yani?"
"Nasugatan po ako sa daliri tiyo habang naghihiwa ako ng sibuyas. Eh tinutulungan lang naman ako ni kuya na maampat ang dugo sa daliri ko nang bigla na lang sumugod si Joaquin at sinunggaban si kuya."
"At Samantha?"
"Di ko po alam daddy."
Napabuntung-hininga ang matandang lalake.