'Tis the season to be jolly.....tralalalala....lalalala..."
"Wow! Okay din itong hospital 'no! September pa lang, Chirstmas songs na ang pinatutugtog. Sabagay, "Ber" season na. Christmas season na talaga! Sis, ano, tuloy ba tayo sa plano nating bakasyon?"
"Oo nga 'no, pasko na dito sa Pilipinas. Parang bigla kong na-miss pamilya ko sa probinsya. Ang hirap pala talaga ano, kapag malayo ka sa pamilya mo."
"Eh di sa inyo tayo magbakasyon! That, is, kung okay lang kasama ako, he he he."
"Oo naman! Sige pagpalanuhan natin ulit!"
Sinundan niya ng tingin ang dalawang nurse habang papalayo ang mga ito.
Malapit na pala ang pasko. Ni hindi niya namamalayang tumatakbo ang panahon.
At papasko pa.
Andito na naman siya sa ICU. Nakatutok sa salamin kung saan kita niya ang nasa loob ng kuwarto. She is sitting on a wheelchair. Hindi pa siya tuluyang nakaka-recover sa nangyari. Katulad ng bata, unti-unti pa siyang nagpapagaling.
Tinititigan na naman niyang mabuti ang anak niya. Ang paghinga nito, ang mumunting paggalaw ng mga paa, kamay, pati ang ulo. At sa tuwing makikita niya ang paggalaw ni Lauren, hindi niya mapigilang mapaiyak sa tuwa dahil senyales iyon na buhay ang bata, na may pag-asang gumaling ito.
Sa inaraw-araw na ginawa ng Diyos, hindi siya nagsasawang titigan ito. Hindi na niya pansin ang nasa kapaligiran niya, pati ang mga tao sa paligid niya.
Kailan ba siya tumingin sa kelandaryo para tingnan kung anong petsa na? Was it yesterday, or last week? Last month, two months? Kelan nga ba?
Hindi niya alam kung kelan.
Ang alam lang niya, limang daan at dalawampu't dalawang oras na niyang tinututukan sa incubator ang baby niya.
Ganun katagal. Ganun katagal na niyang hinihintay na mayakap ito.
Dito na siya sa hospital tumitira. Halos ginawa na niyang bahay ang kuwartong nakalaan sa kanya. Ni hindi siya sumisilip man lang sa labas para makita ang hitsura ng kapaligiran.
Walang minuto na hindi niya iniisip ang anak niya. Ayaw na ayaw niyang mawalay ang mga mata niya dito. Nanghihinayang siya sa mga saglit na hindi niya nakikita ang bata. Paano kung biglang magkaroon ng komplikasyon ito at wala siya sa tabi ng bata? Paano kung kelan siya hindi nakatutok dito, bigla itong ngumiti o biglang gumalaw o imulat ang mga mata nito?
Paano kung pag-alis niya at bumalik dito, wala na pala ito sa buhay nila? Kakayanin ba niya?
Minu-minuto, nagpapasalamat siya sa Diyos at binibigyan Nito ng buhay ang anak niya. Pero minu-minuto din siyang humihiling na sana, bigyan pa ito ng mas mahabang buhay at malusog na katawan.
At minu-minuto din siyang humihingi ng tawad sa anak niya.
She almost died when she learned the situation of her baby. She thought baby Lauren was fine. They made her believe her daughter was okay. After she gave birth, halos isang buwan pa bago niya makita ito. Everytime she tried to get up, she felt dizziness kaya naman hindi na siya pinapayagan umalis sa kama niya. If she tried asking about Lauren, everybody would say the baby was fine and she couldn't be put beside her at baka mahawa sa kanya. Nagkaroon pa kasi siya ng infection sa loob ng tiyan, dahilan para magkaroon siya ng lagnat at bumaba blood count niya. Baba-taas ang temperatura niya, delikado para sa bata kung itatabi sa kanya.
For a while, she believed their reasoning kung bakit hindi niya puwedeng makita ang anak niya. And for days, she was being duped by the people around her, from the nurses who regularly visit her every hour, to Gerard, who kept giving her the same answer whenever she asked him about their baby.