WTSF-38

5.7K 76 42
                                    

"Samantha! Welcome hija! Long time, long time! Kumusta? Kumusta ang daddy mo? Did you extend my regards the last time we talked? Come in and sit down, hija."

"Good morning Mr. Manzano."

"Mr. Manzano? Why so formal, hija? We're relatives, did you forget that already? How's things? How's work? How's AlCom?"

She got surprised with what he said.

Then she realized hindi pa pala niya nasasabi dito ang ginawa niyang pagbagsak sa application test and interview. He still assumed she got the job as per what he instructed her to do that day.

Bakit ba siya nandito? Bakit hindi siya tumuloy sa opisina nang lalake para kausapin at umamin?

Nasukol siya sa ultimatum ni Gerard. Hindi na siya nakapagsalita pa pagkatapos nitong sabihin ang gagawin kinabuksan. Ni hindi nga siya hiningan nito ng opinyon kung okay lang sa kanya ang gagawin nito. At siya naman, sa sobrang kaba at takot sa nakitang frustration o galit, hindi niya alam, um-oo na lang. Ang konting panahon pang hiinihingi sa sarili para magkaroon ng lakas ng loob para magsabi ay nawala na.

Inihatid siya nang lalake sa bahay nila pagkatapos nilang mag-usap sa park. Alam niya, ramdam niya, masama ang loob ng lalake sa kanya sa hindi niya pagsabi dito nang dahilan. Ni hindi ito humalik nang magpaalam, hinintay lang siyang bumaba at makapasok sa loob ng gate at mabilis na umalis sa lugar nila.

Hindi siya nakatulog nang maayos sa pag-iisip kung ano ang gagawin. At nagsimula nang tumilaok ang mga manok sa kapitbahay, hindi pa rin siya makapagdesisyon. Hanggang sa wala na siyang maisip kundi sundan ang lalake sa Maynila at magtapat dito.

Kaya't kaninang madaling araw, ora-orada siyang lumuwas nang Maynila. Nag-iwan na lang siya nang note sa kanyang ama at pinsan na may aasikusahin lang siya doon at hindi sigurado kung makakauwi siya that same day. Walang ideya ang dalawa niyang kasama sa bahay tungkol sa gagawin nilang pagpapakasal ni Gerald sa judge.

Sigurado siyang maguguluhan ang mga ito sa iniwan niyang note. Pero saka na siya magpapaliwanag kapag nagawa na niya ang dapat niyang gawin.

At habang nasa bus siya at iniisip kung ano ang mga tamang salita na bibitiwan niya kay Gerard, naalala niyang hindi pa pala niya personal na nakakausap si Manzano tungkol sa pag-ayaw niya sa pinagagawa nito. Nung unang araw na nag-decide siyang kausapin ito, wala ito at nasa ibang bansa. She tried to call the old guy after that but all her attempts were futile. Hanggang sa nawala na sa isipan niya dahil nalunod na siya sa sayang nararamdaman sa pagamamahalan nila ni Gerard.

As soon as she stepped down from the bus at the station, dali-dali siyang sumakay sa taxi at nagpahatid sa opisina ni Manzano. She'll clean her issues with him first, saka niya pupuntahan si Gerard. And lucky stars were with her, Manzano was in the building when she asked the reception at the ground floor, and she was immediately escorted to his office after that.

"Ahm, okay naman po. Daddy is okay. We're okay. He also send his regards to you and your family," pagsisinungaling niya.

"Well, thank you. Anything to drink? Coffee, soda or juice? Please sit down."

"I'm fine, Mr....."

"Tito Eduardo, Sam. I'm your uncle."

"Thank you Tito Eduardo but no thanks. I'm fine. Hindi rin naman po ako magtatagal. May gusto lang po akong sabihin kaya ako andito ngayon sa opisina ninyo."

"Well, well, well, look who's here," masayang bati nang isang boses na pumasok sa opisina ng matandang lalake.

Nilingon niya ang nagsalita at tumalim ang tingin niya dito. Pero agad niyang inalis ang ekspresyon niyang iyon bago muling bumaling nang tingin sa matandang lalake.

When The Slipper FitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon