Chapter 27

26 2 0
                                    

Princess Ava's POV'

The whole time I'm in the throne room, listening to the meeting. Nakinig lamang ako habang blanko ang aking expressyon.

Dumeretso kami ni Reggie sa silid kung saan gaganapin ang pagtatanong, pagkatapos ng pagpupulong.


Suot ang aking maskara ay humarap ako sa mga kalahok. Kasama si Reggie ay tatanungin namin ang mga kalahok gamit ang mga nakahanda nang mga katanungan.


That's the first challenge that we talk about in the meeting.
A

t base sa nakita ko kung gaano kahaba ang pila ng mga kalahok. We have a long day ahead of us.


–––––––


Gustong-gusto ko nalang umalis sa kalagitnaan ng pagtatanong kanina. Because I was so irritated.


Sa dami ng mga kalahok kanina ay masasabi kong marami din akong napansin. Sa tuwing magtatanong ako..


May mga ilang nauutal, May taas ang noong sumasagot, mayroon din namang halos hindi nasagot ang mga katanungan dahil mas inatupag pa nilang kumindat at magpa-cute.


Good thing I was wearing a mask. Dahil kung hindi, makikita nila ang iba't-ibang expression na nasa'king mukha.


Ngunit sa lahat ng mga tinanong ko ay sila lamang ang nakakuha ng atensyon ko.


Ang Crown Prince ng Hesivaria Kingdom, na si Aillard Sagespark at si Chase na siya Prinsipe naman ng Ravaryn Kingdom.


"If you have to choose between freedom for yourself and peace of the whole kingdom, what will you choose?" I read the last question.


Napatitig si Aillard sa akin. Makikita sa kaniyang mga mata ang pagkaseryoso.


"I would choose to free myself.."


Napa-awang ang aking bibig sa aking narinig.


Ito ang hindi ko inaasahan sa kaniya. Halos lahat ng mga kalahok ay pinili ang kapayapaan ng mga kaharian. Ngunit siya'y mas pinili pa ang maging malaya?

“Because how can I lead other kingdoms to peace if I can’t free myself.”


“I want to feel freedom first. Before I lead the kingdoms to be free from fear, anger, and envy. Through that they will learn to forgive. And then they will feel peace.”

He continued that made me impress.


May itinatago palang paninindigan ang tinaguriang "he can get all the girls he want".


"V-very good answer...Your Highness" tanging nasambit ko nalamang.
Isang matamis na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Bumalik na ang pagiging pa-cute niya.

"Are you impress My lady.." May pagkamayabang niyang sambit. I just rolled my eyes.

Samantalang nang itanong ko kay Prince Chase ng parehong katanungan ay pareho sila ng isinagot ni Aillard.

Seryoso din ito sa pagsagot sa tanong.


Ngunit hindi ko na napakinggan pa ang kaniyang rason. Para bang all of my senses became blur. All I could see is his eyes. They were color black.

Princess Ava, The Royal Adventure  (COMPLETED)Where stories live. Discover now