Prologue

275 10 4
                                        

Pagkatapak ng paa ko sa hindi pamilyar na kalsada ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pagbabago. Itong parte ng lugar ang hindi ko pinupuntahan kasi wala naman akong bibisitahin dito.

Mainit at may halong pait—punô ng kalungkutan ang yumayakap sa aking hangin. Ibang-iba sa nakagisnang bungad tuwing lumalabas ako sa aming bahay o 'di kaya kahit pagod na pagod ako galing sa iba't ibang raket, nandoon pa rin iyong saya pero ngayon, walang-wala na talaga.

Hindi ko alam kung simoy ng hangin ang nagbago at nagkaroon ng tampo sa akin o baka. . . ako ang nagbago?

Masyado na bang malayo ang narating ko kaya ganito ang nararamdaman ko? Pumikit ako sabay hugot nang malalim na paghinga.

Sinubukan kong ihakbang ang isang paa at nang magawa ay parang may pasan-pasan akong mga bato. Hindi mapakali ang mata ko dahil pabalik-balik ang sulyap ko sa karatulang nasa harapan ko. Lumipat ang mga mata ko sa mga lalaking nakasuot ng kulay navy na uniporme, may mga apelyidong nakakabit sa kanang bahagi ng kanilang polo. Nakapanlalambot ng tuhod ang sumulyap sa kanila kahit segundo lang, para bang lalapit sila sa akin, kukunin ang kamay ko at aarestuhin ako kapag nagtagal ang titig ko sa kanila.

Ang bigat sa loob magpatuloy. Sa bawat hakbang ko may bitbit akong matinding kaba, lungkot at pagsisisi.

Muli akong sumulyap habang inuunti-unti ko ang paglapit. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Matutuwa kaya siya kapag nakita niya ako?

A Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon