MAGKADIKIT ang palad kong ipinatong ang baba sa nakatukod kong siko sa mesa habang nakapikit. “Sana pasado. Pasado, please,” malakas kong dasal.
Ilang araw ko nang ipinagdadasal na sana ay pumasa ako sa board exam nang makuha ko na ang lisensya ko bilang isang ganap na accountant. Gusto ko nang makamit ang isa sa pinakapangarap ko.
Nakayanan ko kahit na-extend ako nang isang taon dahil kailangan ko pang ulitin ang ibang units dahil magkaiba ang patakaran sa Saint Merced University. Mabait naman ang mga tao, ibang-iba sa inaakala ko.
Kahit wala akong naging kaibigan at halos kakikala ang naging mayroon ako, masaya na ako dahil ang pinakagusto ko lang namang mangyari ay makapagtapos sa kolehiyo. Talagang tinutukan ko para pumasa at sa kabutihang palad, naging dean’s lister ako. Gusto ko pa sanang taasan iyon, kaso iyon lang talaga kaya ng utak ko.
Dumilat ako sa sunod-sunod na pagyanig ng mesa ko dahil sa pagtawag ni Sabina. Buntonghininga kong hinablot iyon, nag-swipe pataas para tanggalin sa screen ang caller ID niya.
“Dine, sagutin mo naman tawag ko!” chat niya noong lumitaw ang mukha niya sa chat head.
“Sabihin mo na lang dito sa chat. May ginagawa pa ako,” reply ko.
Inilapag ko ang phone at akmang ishu-shutdown ko para hindi sana mangulit, ngunit huli na nang tumawag ulit siya.
Malakas at may lalim ang pinakawalan kong hangin. Sumandal akong sinagot iyong tawag.
“Nandiyan ka naman daw sa dorm mo pero noong pinuntahan kita, hindi ka man lang lumabas.”
Umikot ang mga mata kong hindi ako umimik, nanatiling nakadikit ang phone screen sa tainga ko. Tinititigan ko lang iyong pinto ng dorm.
Wala pa akong planong umalis dito sa Mercedes Cabral City. Kasingganda rin pala ng El Belamour ang syudad. Mas marami nga lang brat na mga tao rito.
“Dine, naririnig mo ba ako o nilayasan mo na naman ako?”
Mahabang pagbuga ng hangin muli ang ipinarinig sa kaniya. “Nandito ako. Ano ba’ng sasabihin mo?” iritable kong tanong, marahas ko pang kinamot ang pisngi.
“Ako na matagal mo nang kaibigan, ni minsan hindi mo ako pinagbuksan ng pinto diyan dorm mo, tapos maririnig ko sa kay Ate Ana na wini-welcome mo siya.”
Pinindot ko ang noo. “Nagkita pala kayo,” maikling sagot ko.
“Bumili siya ng ukay-ukay sa amin kaya nabanggit niya rin.”
Umismid ako. Ibinaba ang phone at nagbukas ng messenger dahil sa sunod-sunod na pagtunog n’on.
Gumalaw ang mga daliri ko sa keyboard ng phone para mag-reply sa mga interesadong mag-invest sa pinagkakaabalahan ko ngayon.
“Every month akong bumisita sa’yo sa loob nang tatlong taon, hindi mo man lang ako na-welcome nang ganoon? Bumiyahe ako nang six hours,” mahabang sabi at idiniin pa niya ang huling sinabi. “Six hours, Dine.”
“Wala naman kasi akong sinabi na puntahan mo ako. Ilang beses pa nga kitang pinigilan, ’di ba?”
“Iniiwasan mo ba ako?”
“Oo.” Tumango pa ako saka inabot ang headset na nakasabit sa hamba ng kama dito sa aking tabi. “Kasi puro sila lang naman ang bukambibig mo,” dagdag ko.
“Natural, pamilya mo sila. Lagi kang kinukumusta sa akin dahil hindi mo raw sinasagot chat ni Maritoni sa’yo at text niya. Bakit ba hindi mo man lang ma-reply-an o ma-video call?”
Isinalpak ko ang earbuds sa tainga. “Wala akong mukhang maihaharap sa kanila at saka ano—”
“Ano na namang palusot mo ngayon?”
![](https://img.wattpad.com/cover/306447793-288-k559411.jpg)
BINABASA MO ANG
A Change of Heart
RomanceEl Belamour Series #4: A Change of Heart --- Lykadine is the family breadwinner and an ambitious person who aspires to be wealthy one day. She wanted to spoil her family so they could experience the luxury that her parents had not experienced when t...