Chapter 2

86 5 0
                                    

MAAYOS kong itinupi iyong isang libong binigay ni Sabina sa akin kahapon at kanina pa ako nagbibilang sa baryang mayroon ako. Tinatantiya ko kung magkano ang dapat ibibigay ko kay Maritoni at kung magkano naman ang para sa akin.
 
Isinara ko ang pitaka sabay tingin sa kumalabit sa akin sa gilid.

Nakangiti siyang nagtaas at ng kilay bago siya umupo sa tabi ko na pinapaypay pa niya ang sarili gamit ang folder na bitbit.
 
“May two thousand ka ba diyan?”
 
Huminto siya pagpaypay at nilingon agad ako. “Wow, Dine!” Tumawa siyang nagtuloy sa pamamaypay habang ipinupunas ang panyo sa mukha niya. “Ayan agad ang bungad mo sa akin?”
 
Tumaas lang ang kanang kilay ko at sumandal. “Iyon naman ang sadya ko kaya hindi na ako nag-sugarcoat,” sagot kong hindi siya inalisan ng tingin.
 
Ibinulsa niya ang panyo.

Nakakasagap din ako ng hangin sa ginagawa niya at mas lalo tuloy akong napre-preskuhan.
 
“Aanhin mo ba?” lingon niyang tanong.
 
“Ibibigay ko lang kay Maritoni mamaya kasi dadaan siya rito.”
 
Kumunot ang noo niya. “Bakit? Para saan niya gagastusin?”
 
“Para kay mama. Bayaran na lang kita kapag nakasuweldo ako.” Kumamot ako sa kaliwang siko ko sabay pisil nang medyo mariin.
 
Nagsalubong ang kilay niya at napahinto sa pagpaypay. “Suweldo—magtra-trabaho ka?”
 
Matipid akong tumango. “Walang choice, e. Hindi ko puwedeng iasa sa kanila ang babayaran kong tuition fee,” buntonghiningang sagot ko. “Alam mo naman kung ano ang nangyari kay mama.”

Tatango-tango siyang nagbukas ng bag at binunot ang pitaka sa loob. “Ito, oh.” Inabot niya iyong hinihiram kong pera. “Gamitin mo muna iyan. Makikiusap na lang ako kay kuya na kung puwede niyang agahan ang pagpapadala niya kung matutuloy ang exam natin sa huling linggo ng buwan na ito.”

Nahagip ng mata ko ang limang daan sa pitaka niya. Palipat-lipat ang tingin ko sa nakabinbing pera.
 
Kinuha ko ang kaniyang kamay pero binalik ko rin sa pamamagitan ng pagtapal ko ng dalawang libo at bago ko maisara ang palad niya, agad niyang hinawi ang kamay ko.

Pilit na pinahawak sa akin iyong pera. “Hiramin mo na. Nahiya ka pa,” natatawang sambit niya at isiniksik sa pocket ng bag ko sa gilid.
 
“Ang kapal ng mukha mo sa bungad mo kanina, pero nahihiya ka na. Alam ko namang isasauli mo iyan.”
 
“Medyo nahiya lang kasi wala ng laman pitaka mo.”
 
Sobrang kapal lang ng mukha kong manuhol sa kaniya kapag si Daniel ang binabanggit ko, pero nahihiya talaga akong mangutang sa kaniya. Nagbibiro lang naman ako kanina, e. Sineryoso niya agad bungad ko.
 
Alam naman niyang ibabalik ko pero sobrang tagal, aabutin nang isang taon bago ko siya mabayaran. Tulad na lang ng utang kong tatlong libong pagdagdag sa tuition fee ko, na nabayaran ko lang noong makabenta ako nang apat na imported na bag.
 
Hindi bale iyong nakuha ko dahil sa suhol kasi hindi ko na ibabalik, pero kapag nangutang ako, required kong ibalik iyong nahiram ko. Gustuhin ko mang paganahin ang dila kong banggitin nang banggitin si Daniel, kaso nagbigay na siya kahapon kaya next week na lang ulit. Ayaw ko naman araw-arawin kahit sinabi ko iyon kahapon.
 
Pinanlakihan niya ako ng mata. “Huwag mong sabihing wala. Mayroon pa kaya!” Hinampas niya sa braso ko ang folder.
 
Mahina akong natawa. Ayaw na ayaw niya talagang nasasabihang wala siyang pera, kahit minsan wala talagang laman. 
 
“Promise, ibabalik ko ito. Patience lang ulit,” pakiusap ko saka sinamahan ng pagngiwi.
 
Tumango ito at nagpatuloy sa ginagawang pagpaypay habang nag-s-scroll down sa phone niyang nakapatong sa mga hita niya. 
 
Sumagot ako sa text ni Maritoni. Papunta na raw siya rito at inaaya pa niya akong sumama sa kaniya para bisitahin si mama sa ospital.

To: Maritoni

Saka na lang, sis. Iaabot ko lang itong pera. Medyo busy pa kasi ako sa schoolwork.
 
Titingin pa lang ako kay Sabina nang biglang mag-vibrate ang phone ko.
 
From: Maritoni

A Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon