HALOS lumubog na ang mga palad kong magkadikit sa higpit nang pag-ibabaw ko sa mesa habang nakaupo ako, hinihintay siya. Palinga-linga ako sa masikip na paligid.
Masyadong kulob, iisa lang ang bintana at maliit pa. Tumatagaktak ang pawis sa sentido ko kahit na malakas naman ang buga ng ceiling fan.
Ilang beses akong nagpakawala nang malalalim na buntonghininga. Pumila na rin sa isip ko ang mga salitang dapat kong sabihin bilang pambungad.
Ano kaya magiging reaksyon niya? Paano kung . . . Naputol ang pag-iisip ko at agad na gumawi sa kanan ang ulo dahil sa pagbukas ng pinto.
Umurong ang upuan ko sa pagtayo noong sumilip ang kalahating katawan niya, tanging likod lang ang nakikita ko. Siya na ba ito? Bakit . . . . Huminga ako ulit nang malalim. Nagsimulang magmartsa paabante na siya namang pagdahan-dahan niya sa paglingon.
Tinatambol ang puso ko habang sinasakop ang pagitan namin. "A-Aquilla . . ." mahina kong tawag na parang mas malakas pa yata ang ceiling fan.
Huminto ako sa paghakbang noong tuluyan itong lumingon. Nagtama ang mga mata namin.
Sobrang ginaw-lalo na ang ekspresyong nakaukit sa mukha.
Nakaawang nang maliit ang labi kong tinitigan siya nang maigi. May naghilom ng sugat at pasa pero may mga bago. Tumubo ang balbas niya at sobrang haba na ng buhok.
Itinaas ko ang kamay para subukan siyang hawakan pero mabilis itong umatras.
Umiinit naman ang sulok ng mga mata ko habang bumaba ang tingin ko para suriin pa siya. Napapasinghap na lang ako sa hindi ko inaasahang pagbabago ng hitsura niya. Mistulang pinabayaan na ng mundo. Paano . . . bakit? Akala ko ba . . . . segundo akong pumikit at pagdilat ko, nasa mukha niya ang tingin ko.
Nanginginig ang labing nagtanong, "A-ano'ng nangyari sa'yo? Bakit-" Bumuntonghininga ako.
Hindi ko alam kung tama ba ang lumabas sa bibig ko o kung iyon ba dapat ang mas maganda kong sabihin. Nagtangka akong lapitan siya ulit pero umatras lang ito nang dalawang hakbang dahilan para mauntog ang likod sa dingding.
"Sorry kung-"
"This is not the meeting I want for us." Naglihis siya ng paningin. "I didn't see a rainbow after the storm you left. Everything went wrong with my life," mababa ang boses niyang sabi.
Sumaglit siya ng tingin. "What are you here for?"
Iyong bato ng tanong niya ang lamig at parang hindi ako dapat nandito. Tama nga ako. Kahit naman ako ay hindi matutuwa kung ako iyong nasa posisyon niya. Ayaw na nga niya akong makita.
"Nandito ako para ayusin natin iyong . . . ." Suminghap ako sabay iling. Hindi ko maatim na titigan siya nang matagal. Sinasampal ako nang matinding pagsisisi dahil sa ginawa ko noon.
"Kasi nalaman ko kay Sabina kaya bumisita ako. Hindi ko naman alam na . . ." alanganing pamimitin ko, kinagat pa saglit ang dila bago ituloy ang sinasabi. "na parang ayaw mo pala akong makita." Yumuko ako.
Dapat pala ay nagpasama na lang ako kay Sabina o nagtanong muna kung puwede ko ba siyang bisitahin. Sumugod lang naman ako agad nang walang pagdalawang-isip dahil nami-miss ko na siya. Pigil na pigil nga akong bungaran siya ng yakap.
May laman ang malalim niyang pagbuntonghininga. "I don't hate seeing you. I am tired of loving people."
Hindi ako nakasagot pero dahan-dahan akong nag-angat ng ulo para matitigan siya sa mata. Iyon na lang ang naiisip kong tamang gawin sa sandaling ito dahil wala akong maisagot na maayos.
"You know what hurts the most, hmm?" tanong niya, natatawa nang sobrang pakla. "Everyone I cared about abandoned me. Like falling leaves from a storm's strong wind." Ngumisi siya.

BINABASA MO ANG
A Change of Heart
RomanceEl Belamour Series #4: A Change of Heart --- Lykadine is the family breadwinner and an ambitious person who aspires to be wealthy one day. She wanted to spoil her family so they could experience the luxury that her parents had not experienced when t...