MAGKAKASABAY ang boses nila, hindi ko maintindihan nang malinaw pero alam ko naman kung ano ang pakay nila kaya sila tumawag.
“Opo, ibabalik ko po. Nagka-problema lang dito sa amin,” sabi ko bago ibaba ang tawag.
Malakas akong nagpakawala ng hangin at kasabay niyon ang marahas kong pagsandal sa silyang inupuan. Nakakapagod silang kausapin. Paulit-ulit na lang ako.
“Hindi naman sila makapaghintay,” sabat ni Maritoni sa tabi ko.
Dala niya ang garapong may lamang powdered milk at nakaipit sa kili-kili ang bagong hugas na bote.
Hinilot ko ang siko hahang pinapanood siyang maglagay ng gatas sa bote. “Kung nakinig lang siguro ako kay Sabina baka wala akong pino-problema ngayon,” sabi ko.
Pinagana ko sana utak ko, hindi nagpakasaya sa perang lumilitaw sa screen ng phone. Sa dami nila, mauubos agad ang naipon ko sa bangko at paano naman kami kung lahat n’on ay ibibigay ko?
Nagpakasaya-saya ako sa dami nang naimbita ko pero malaking problema pala ang naghihintay sa akin sa dulo.
“Ako kakausap sa kanila para tumigil na sila sa pangungulit sa’yo.”
Sumulyap ako sa kaniya. Kumunot pa ang noo. Kung sa akin nga, hindi sila nakikinig, paano pa kaya sa kaniya?
“Tama naman si Ate Sabina, a. Bakit mo pa ibabalik? Kasalanan naman nila kung bakit sila na-scam. Hindi na kargo ng konsensya mo iyon,” dagdag niya. Binalingan pa ako nang nagbababalang mga mata sabay sarado ng garapon. “Kapag nalaman ni papa iyan, malamang kung ano sinabi ko, ganoon din maririnig mo sa kaniya.”
Pagbuhos ng mainit na tubig sa bote ang sumalo sa pagsagot sa akin. Siya lang sinabihan ko kasi alam kong ganoon nga ang mangyayari, lalo na at hindi pa maayos ang kalagayan ni papa.
Umuusok ang loob ng bote at halimuyak ng gatas ang dinadala ng hangin sa ilong ko.
Napahilamos ako habang sinasabayan nang paulit-ulit na pagbuntonghininga. Dalawang siko ang itinukod sa mesa at ipinatong ang baba.
Biglang hindi ko alam ang gagawin kahit may plano naman na ako sa mga susunod na araw. Tipong uunahin ko muna ang pagpapagamot ni papa, pag-aaralin si Maritoni at Marian sa susunod na pasukan, iyong makakain namin at kung paano ko na naman babayaran iyong ilang mga nautang nila dito, saka kung paano ko aasikasuhin ang negosyong gusto ko habang naghahanap ako ng kompanyang mapag-a-apply-an ko.
Pakiramdam ko, hindi magwo-workout. Mukhang kulang pa iyong laman ng bangko ko.
Nakapagtapos na nga ako sa kolehiyo, nakapasa sa board exam pero parang wala pa akong narating. Akala ko kasi kapag nakuha ko na iyong dalawang iyon, makakapag-trabaho na ako at giginhawa na ang buhay namin, pero may mga kalsada pa rin akong kailangang daanan at pati na ang mga mapeligrong tawiran ay hindi mawawala.
Isa pang malakas at malaman ang pinakawalan kong buntonghininga bago tuluyang alisin ang titig sa katapat na upuan.
Gagaan ang pakiramdam ko kapag nakita ko siya kahit hindi maganda ang ibubungad niya sa akin. Sa tuwing nakikita ko kasi siya kahit parang nagbago na, siya pa rin iyong taong nagpapawala ng bigat na dala ko.
“Tata, laro tayo.” Dumagan ang kalahating katawan niya sa bandang hita ko.
Nagtama ang mata namin.
Lumayo siya, tapos tumayo nang maayos sa tabi ko at pinagmasdan ako. “Ay, aalis ka tata?”
Tumango ako, inabot ang buhok niya para haplusin. “May pupuntahan pa si tita, Marian, ha? Pagbalik ko na lang,” may lambing kong sabi. Ngumiti ako sa huli.
BINABASA MO ANG
A Change of Heart
RomanceEl Belamour Series #4: A Change of Heart --- Lykadine is the family breadwinner and an ambitious person who aspires to be wealthy one day. She wanted to spoil her family so they could experience the luxury that her parents had not experienced when t...
