TRIGGER WARNING: Suicide. Reader discretion is advised and you can skip if you can’t handle it.
""**""
ILANG beses kumaway ang katahimikan sa amin bago ko mapagdesisyunang basagin at basta ko na lang sinundan ang kulit ng dila para magsalita.
“Nasaan ang mama mo?”
Tumingin ako sa kaniya. Hilaw pa ang mga pasa sa mukha. Malaki iyong sa gilid ng labi niya, isa sa kanang pisngi (sa may cheekbones pa), at sa gilid ng kaliwang mata, malapit sa ilong.
Biglang bumigat ang kaniyang pagpapakawala ng hangin. “She . . . she took her life.”
Umawang ang labi ko at agad ding isinara sabay takip ng bibig. Pinatahimik ko na lang pala dapat ang bibig.
“I got her a cupcake because I was too excited to go home and give her my gift.”
May nasagi siyang bote dahil malakas na kumatok iyon sa sahig at dinig pa ang paggulong niya hanggang sa pagtama niyon sa paa ng kama.
“That day . . .” Huminga siya nang malalim. “I made a promise to her that I would give her something for her birthday, but instead, she gave me a gift.”
Dahan-dahan kong binaba ang kamay, nilagay ko sa balikat niya at marahang minamasahe.
“I even said goodbye to her right after she dropped me off at school.” Tumingala siya sa kisame, inihilig niya ang ulo sa kutson ng kama. “She’s smiling on that day. We even had plans together for her birthday. I even wished her a happy birthday.”
Gusto ko sanang sumingit at pigilan siya sa pagkukuwento pero nang titigan ko ang mukha niya, napagtanto kong dapat makinig lang ako.
Kung ako nga ay walang hiyang nagkukuwento tungkol sa pamilya ko, ibabalik ko rin ang ginagawa niya. Ang makinig sa lahat ng kaniyang sasabihin. Deserve niya ang magkaroon ng kaibigang hindi pinapamukha na mababaw lang iyong pinagdaanan niya.
“Every time I saw her upset or when her eyes were red, I immediately gave her a hug.” Iniunat niya nang bahagya ang kamay sa ere at parang nanlantang gulay ang pagbagsak.
“And. . . The fact that I had just bid her goodbye made me question that she would actually depart that day. My presence and embraces alone haven’t been enough to ease the suffering, are they?” Pumihit ang ulo niya patagilid para lingunin ako.
Nakipagtitigan ako sa kaniya habang patuloy lang ako sa ginagawang pagmasahe nang magaan sa kaniyang balikat. Binubulungan ako ng mga mata niya na anomang sandali ay bubuhos ang bitbit niyang ulan.
Mabagal ang kaniyang pagkurap at akala ko ay ibabalik niya ang titig sa kisame pero pumikit siya, tumulo naman ang luha sa gilid ng kaliwang mata. Dumaan pa ang butil na iyon sa bridge ng ilong niya at sumunod ang kaniyang kabilang mata.
Nagpalit ang kanta at tila umikot sa amin ang kalungkutan. Dumagdag pa iyong bungad ng boses noong kumakanta.
“I heard that song from the vinyl player as I arrived at our house,” tuloy niya at umangat kaniyang hintuturo. “I’ll see you again by westlife.” Nanatili siyang nakapikit, maya’t maya naman ang pagtakas ng butil ng luha sa kaliwang mata niya.
“She left a note with all the songs listed, which led me to believe that . . .” Suminghap siya at dumilat. “she had given them to me to listen to while she was gone in order for me to always remember her.” Itinikom niya ang labi.
Dire-diretsong tumulo ang luha niya. Lumipat ang kamay ko sa likod niya noong itukod niya ang mga siko sa kaniyang nakataas na tuhod at pagdikitin ang mga kamay sa paraang nagdadasal.

BINABASA MO ANG
A Change of Heart
RomanceEl Belamour Series #4: A Change of Heart --- Lykadine is the family breadwinner and an ambitious person who aspires to be wealthy one day. She wanted to spoil her family so they could experience the luxury that her parents had not experienced when t...