Chapter 40

167 1 0
                                        

LABIS ang tuwa nila, lalo na si papa nang dalhin ko siya sa bahay. Muntik pa nga niyang makalimutan na naka-wheelchair siya, mabuti na lang ay nasalo agad siya ni Aquilla pagkatayo nito. Umiyak pa si papa-silang dalawa kaya naiyak din kami ni Maritoni.

Kalong-kalong ni Aquilla si Marian na nanonood, samantalang kanina pa sila nagkuwentuhan habang naghahanda kami ng pagkain. Gusto rin sana pumunta ni Sabina para makita si Aquilla, pero nakiki-blind date siya ngayong gabi.

"Anak, ito pa," sabi ni papa, inaalok si Aquilla ng binili naming lechon manok. "Kumain ka lang. Huwag kang mahihiya."

Tumango siya at natatawang inalalayan ang kamay ni papa na naglalagay ng hita ng manok sa pinggan niya. "Take it easy, Tito. I'm okay."

Ngumiti si papa na abot-langit, ibang-iba sa ngiting pinapakita niya sa amin. Iba pala kapag si Aquilla na ang nandito. Mas natutuwa pa yata siyang makita ito kaysa sa aming mga anak niya.

"Hindi na kasya sa bulsa ko itong kasiyahan ko ngayong nakabalik ka na rito, at saka . . ." Nahuli ko ang pagsulyap ni papa sa akin sabay balik kay Aquilla. "Kayo na ba ulit?" Ipinagdikit niya ang dalawang daliri.

Mahina akong tumikhim at kumuha pa ng sinangag na kanin. Kinagat ko ang ibabang labi at hindi mapigilang ngumiti.

"We've been together for one week."

"Yay!" sigaw ni Maritoni na ikinagulat ko rin. Tumawa siya at nag-peace sign ito. "Natuwa lang akong nagkabalikan din kayo."

"Sabi na nga ba, kayo lang din dalawa ang magkakatuluyan," masayang sabi ni papa.

Nagyakapan pa sila kahit punong-puno ang kanin sa kamay ni papa, may tumalsik pa ngang butil sa akin.

Tumingin ako kay Maritoni sa tapat ko. Matamis ang ngiting binigay sa kaniya.

Nagpalipat-lipat naman siya ng tingin sa akin at kay Aquilla na bahagyang nakatagilid sa akin dahil magkayakap pa rin sila ni papa. Ngumiti siya sabay taas ng hintuturo.

Sabay kaming nandilat nang biglang may humagulgol.

"Oh, bakit nag-iiyakan na kayo diyan?"

Humiwalay sila sa pagkakayakap. Si papa ang humahagulgol, samantalang panay naman ang punas ni Aquilla sa kaniyang pisngi habang ang isang kamay ay hinahagod ang likod ni papa.

"Pa, okay ka lang?" nag-aalala kong tanong pagkatayo ko para abutan siya ng tubig.

"Masaya lang ako sa inyo."

Tumayo rin si Maritoni, inabutan si papa ng pamunas.

Imbis na kamay niya ang punasan, ginawa niyang pamunas sa luha.

Ipinatong ko naman ang baba ko sa tuktok ng ulo niya at nakisamang humagod sa kaniyang likod habang patuloy pa rin itong umiiyak. Sinamahan ko pa ng pagpisil sa braso.

"Sa wakas . . . naging masaya na rin ang pamilya natin. Salamat sa inyo mga anak."

Bigla may suminghot din galing sa harap ko. Pagtingin ko, lumuluha na rin si Maritoni.

"Bakit kayo umiiyak?" nalilitong tanong dahil pati ako ay nahahawa sa kanilang pagiging emosyonal.

Iniunat ko ang mga kamay, tinatawag si Maritoni na lapitan ako para yakapin. Ipinatong ko iyong isa kong kamay sa balikat ni Aquilla, hinawakan naman niya iyon. Mahigpit ko silang niyakap dahilan para lumakas ang hagulgol ni papa at Maritoni.

***

Sunod-sunod na maganda ang pasok ng araw sa amin. Isang gabi lang nagpalipas si Aquilla sa bahay at lumuwas din siya sa siyudad dahil sa bagong condominium niya ito tutuloy, hindi sa kanilang mansion.

A Change of HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon