NASAAN kaya siya? Paggising ko, wala akong nakitang Aquilla. Paglabas ko kaninang umaga, wala na ang kotse niya at noong pagbalik ko ng mansion kaninang hapon, nandito na ang kaniyang kotse. Hapunan na at wala man lang nagtangkang na tawagin siya para kumain.
Walang utos na binigay at silang tatlo ay malakas ang gana sa pagkain. Pumapalakpak ang mga kutsara at tinidor, kumakanta ang pinggan at mamahaling basong nasa mesa, nang-aakit ang mga pagkaing nakahanda.
Mistulang painting ang ukit sa mga mukha nila at ang bawat isa ay gumagaan ang pakiramdam dahil sa salitang lumalabas sa kanilang bibig. Nakitawa rin ang bawat sulok ng mansion sa kanilang paghalakhak.
May kumalabit sa akin. “Tinatawag ka ni manang,” tinig ni Ate Ana sa tainga ko.
“May darating daw na bisita mamaya. Tulungan mo akong i-set up iyong guest room saka iyong sa sala.”
Tumango akong sumunod sa kaniya. Nakauumay rin silang panoorin. Sila lang ang nagkakatuwaan. Hindi isinasama ang dapat belong din sa pamilya. Hindi pa rin talaga maalis sa isip ko iyong nakita ko kahapon.
Imposible namang itinulak ni Aquilla ang mama niya kahit medyo bastos ang dating ng pakikipag-usap niya?
Umiling akong tinulak iyong nakatabing trolley gaya noong madalas kong napapanood sa palabas. Kulay yellow na may nakababad na mop, saka nakasabit ang walis tambo at folding dustpan.
Bitbit naman ni Ate Ana iyong maliit na vacuum, ginagamit sa panghigop ng alikabok sa kama habang tulak-tulak iyong isa pang trolley na puro bed cover at punda.
Dumaan kami sa likod dahil may hagdan doon na parang sa supermarket na pang-shopping cart lang. Alas dies pasado kami natapos nang pagtulungan namin ni Ate Ana iyong isa pang guest room. Mas malaki kaysa sa nasa second floor. Maluwang at parang para sa VIP na bisita.
Hindi ako nagpaulan ng tanong kay Ate Ana dahil siya pa man din iyong tipo na hindi sumasagot ng tanong kapag nagugutom na. Pagbalik namin ng mga gamit sa utility room sa likod ng basement, puro kami paypay gamit ang mga kamay at pinapagpag namin iyong uniporme naming nagtanggal pa ng tatlong boses para kumuha ng hangin.
Marahas ang pagpunas ko sa tumutulong pawis sa noo at sentido ko sa manggas ng uniporme namin.
Pagkatapat namin sa pinto, nasa likod ko si Ate Ana na malakas ang paghingal. Bumaba ang tingin ko sa napansing maliit na bote sa gilid ng hamba. Pinulot ko. Kalalagay lang sa baba dahil malamig pa, sobrang presko sa palad. Idinampi ko sa leeg ko pababa sa dibdib ko ’tsaka namilog ang labi.
“Ikaw ba nagbigay nito ate?”
“Hindi. Alam mong magkasama tayo. Baka si manang,” sagot niya, nilagpasan ako at binuksan ang pinto.
Pagkatalikod ko ng maliit na bote, may nakadikit doon na maliit ding papel. Hindi sticky note kundi talagang ginamitan niya ng scotch tape para hindi mapunit.
Simple energizer.
Ngumiti ako. All caps lock na maliliit ang sulat. Suldong iyong sulat ni manang at ni ate. Malabo ring si ma’am dahil wala iyon sa ugali niya.
Posibleng siya kahit malayo rin sa ugali niya ang magbigay ng ganito sa kagaya ko. Bakit niya kaya ako binigyan?
Dumampot ako ng face towel sa drawer, pinunasan ang pawis ko sa mukha at leeg. Nagtanggal din ako ng apron saka hairnet. Pikit ang isang mata ni ate na nakahiga na sa kama, hindi pa nagbihis.
“Saan punta mo?”
“Kay manang,” pagsisinungaling ko. Itinutok ko ang electric fan sa kaniya at lumabas. May sinabi pa siya kaso hindi ko naintindihan kung ano iyon.

BINABASA MO ANG
A Change of Heart
RomantikEl Belamour Series #4: A Change of Heart --- Lykadine is the family breadwinner and an ambitious person who aspires to be wealthy one day. She wanted to spoil her family so they could experience the luxury that her parents had not experienced when t...