NAKAPIKIT ang isa kong mata at hinihilot ang kaliwang sentido habang naglalakad. Wala pa akong balak umuwi at magfi-file sana ako ng leave para mag-stay muna sa bahay, pero pinapabalik na nila ako.
Hindi man kami gaanong nagsasalita nang maayos ni Maritoni, nakapagpaalam naman ako at talagang pinarinig ko sa kaniya iyong usapan namin sa telepono ni Big boss.
Narinig pa nga niya iyong sinabi ni Big boss na wala itong pakialam kung marami kaming problema at kung namatayan kami, basta bumalik daw ako agad dahil dapat noong Lunes pa ako nandoon, pero apat na araw na akong wala.
Malalim akong nagpakawala ng hangin, tumaas pa ang magkabila kong balikat. Kailan kaya gaganda ang buhay namin?
Hindi ko na naman alam kung saan ko huhugutin iyong pambayad sa ospital. Umiling ako, bahala na. Ang mahalaga nasa maayos ng kalagayan si papa.
Nandilat ang mata ni Ate Ana pagkabaling niya sa akin pagkatapos kong buksan ang pinto.
Sinalubong naman ako ng mayaman na pabango at maraming boses ng tao.
Kumaway ako sa kaniya, naestatwa lang naman siya roon sa gilid ng mesa.
Kumunot pa ang noo ko dahil maraming tao sa sala, nakabukas pa ang pinto patungo sa garden nila sa likod. Nagkamot ako sa ulo ’tsaka nilingon ang pinto para kumpirmahin kung tama ba ang pinasukan kong bahay, pero pagkabalik ko ng tingin sa tumayo, nakahinga ako nang maluwag.
Tama ako nang pinasukang bahay. Sinundan ko ng tingin ang paglalakad ni Sir Senior sa harap, nasa tapat na siya ng hagdan at nakipagkamay sa lalaking nakatayo roon habang may kasamang babae na nakaputing bestida.
Ano’ng mayroon? Hindi man lang nabanggit ni Big boss na may bisita pala sila e ’di inagahan ko sana ang pagluwas.
Pinalaki ko ang mugto kong mata para hanapin siya sa mga taong napaka-pormal ng mga suot. May kumikinang-kinang pang nakakabit sa bestida ng ilan, samantala, ang mga lalaki ay naka-tuxedo.
Nakangiti si Big boss sa mga tao, iyong ngiting napakalapad at proud na proud, pero nang magtama ang aming mga mata, umarko ang kilay niya at mabilis itong nagpaskil ng ngisi.
Sa malayo, nakita ko ang hinahanap ko dahilan para mapangiti ako bigla.
Nasa garden siya, may hawak na baso at nakatitig din sa malayo. Wala ang atensyon niya sa kung ano ang kasalukuyang nangyayari sa loob.
Liliko sana ako para magtungo sa basement at magbihis na ng uniporme ko nang dali-dali akong sinalubong ni ate. May pagkataranta, takot—hindi ko mabasa nang maayos kung ano ba nasa mukha niya.
“Lykadine, may—”
“Thank you for joining us in this celebration. We are grateful for your presence,” salita ni Sir Senior. Nakatayo siya pangatlong baitang ng hagdan, nagsilbing entablado niya para kunin ang atensyon ng lahat.
“This evening, I’m pleased to share with you all of the good news, aside from the successful merger of Lim and Billones.”
“Patay.”
Napalingon ako kay ate. “Bakit patay? Ano bang mayroon?”
“Mr. Lim, I request your presence.” Gumilid si Sir Senior, iminuwestra ang kamay nang magbigay siya ng espasyo sa kaniyang tabi.
Umakyat naman ang tinawag ni Sir Senior. Iyong lalaki kaninang nilapitan niya.
Pormal ang ngiting ipinakita bago magsalita. “For the sake of our families continued friendship and cooperation, we have come to this agreement.”
“Maniwala kay kay Sir Junior kung ano man ang ipaliwanag niya sa’yo,” bulong ni ate at hinawakan pa ang kamay ko.
Tumingin si Mr. Lim kay Sir Senior.
![](https://img.wattpad.com/cover/306447793-288-k559411.jpg)
BINABASA MO ANG
A Change of Heart
Roman d'amourEl Belamour Series #4: A Change of Heart --- Lykadine is the family breadwinner and an ambitious person who aspires to be wealthy one day. She wanted to spoil her family so they could experience the luxury that her parents had not experienced when t...