Chapter 23

30 2 0
                                        

PAGBUKAS ko ng facebook kanina, bumungad ang post na hinahanap iyonh pera at phone na nahulog. Tumingin agad ako sa malayo sabay lunok nang magkasunod.

Hindi ko na puwedeng bawiin. Paniguradong may sasabihin ulit si Maritoni sa akin, isa pa, desidido naman na akong hindi ko isasauli. Humingi naman na ako nang tawad sa Kaniya. Bakit kasi hindi siya nag-ingat kung alam niyang kailangan din niya?

"Suki, bili na, bili na!" malakas kong patawag habang nagwawasik-wasik ako ng tubig sa gulay bago umalis.

Hangang-hanga talaga ako kay manang. Kapag sinabi niyang alas onse, nandito na siya sa mga oras na iyon. Inabot niya sa akin ang three hundred na commission ko. Maliit pero sayang din.

Makakaipon pa ulit ako para may maiabot sa kanila sa darating na Linggo.

Ipinunas ko ang mga kamay sa laylayan ng damit pagkatapos kong ibulsa ang pera sa pantalon.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko palapit, natanaw ko siyang nasa loob ng kaniyang kotse na nakabukas ang bintana.

Noong makita niya ako, agad siyang bumaba at tumakbo ito para salubungin ako.

Naglahad siya ng panyo. “Are you done? Is there anything you need to take care of before we leave?”

Kinuha ko naman iyon at padampi-dampi kong ipinunas sa mukha. “Sigurado ka bang hindi ako pagagalitan ng mommy mo?”

Umakbay siya sa akin na may kasama pang pagngiti. “I’ll take care of it.”

Napasunod ako sa paghakbang niya habang hindi pa ako tapos sa pagpupunas ng pawis. “Hindi ka naman palalayasin, ano? Kinakabahan ako.”

Hindi ko pa man din lubos na kilala ang mga magulang niya. Tanging si Manang Fe lang ang paborito nilang kasambahay, laging maganda ang treatment. Hindi gaanong pinahihirapan kaya kami tuloy ni Ate Ana ang kawawa. Alam ko naman ng matanda na si manang, pero dapat pantay lang ang trato. Mas malaki pa ang sahod niya kaysa sa amin kahit wala naman siya gaanong ginagawa.

”She can’t do that. Only dad can decide if I am still welcome to the house,” malakas ang loob niyang sagot at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kaniyang kotse.

Natuto na akong magkabit ng seat belt. Hindi ko na siya kailangang hintayin pa. Pagkapasok niya, ngumiti siya at hininaan ang volume ng radyo.

Masaya ang tugtugin, nakaaliw at nakare-relax.

“Nasabi mo na ba iyong kay papa mo iyon?”

Halos gusto niyang sumugod noong gabing iyon at mabuti na lang ay napigilan ko dahil kung hindi baka bumaliktad pa ang lahat, at siya ang magmukhang masama. Sigurado akong magkakapasa na naman siya sa mukha at katawan kung malalaman ng papa niyang sinasagot-sagot niya si Big Boss.

“About what?” nalilito niyang tanong habang minamaniobra ang kotse patungo sa kanang bahagi ng kalsada.

“Iyong hindi mo kapatid si Yasmine.”

“I still lack the confidence to tell him. What if he doesn't believe me?” Bumuntonghininga siya.

Itinaas ko ang kamay at bahagyang pumihit paharap sa kaniya. “Ako ang magwi-witness. Narinig naman kasi nating dalawa.”

Hindi ko lang din naisip na i-record ang usapan nila o kahit sana siya ang gumawa n’on para may pruweba siya.

“That’s not enough evidence to convince him, but I already knew how to fix it.” Ngumiti siya.

Napatungo naman akong kumukunot-kunot ang noo. Teka . . . tama ba ang nasa isip ko? Ginawa ba niya iyong lagi kong nakikita sa palabas kapag iyong bida nakahalatang hindi niya anak iyong batang nasa pamamahay niya?

A Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon