Chapter 22

36 2 0
                                        

NANIGAS ang buong katawan ko habang nakatitig lang sa puting sobre na nasa likod ng basurahan, sa tabi ng inodorong dilaw na dilaw pa ang ihi (hindi man lang binuhusan noong huling gumamit.)

Ilang beses pa akong napalunok, hinaplos ang batok at dahan-dahang yumuko para pulutin. Pag-angat ko sa sobre may nahulog na smartphone.

Halos halikan ko na ang inodoro sa pagkalaglag ng mga panga. Nagkusot ako ng mga mata, hindi alintana kung marumi dahil sa tumambad na laman ng hawak ko.

Nanginginig ang mga kamay kong niyakap ang dalawang napulot. Luminga-linga ako sa itaas. Maya-maya pa ay bumuntonghininga ako at isinara ang pinto saka sumandal pagkatapos kong pindutin ang lock sa doorknob.

Matiyaga kong binilang ang kapal ng perang papel. Kada tiklop ko sa isang papel, napapalunok ako at nanlalamig. 

“Kailangan ko pa ng thirty thousand pero sobra ito ng sampung libo,” kausap ko sa sarili para kumalma. “Walang nakakita.”

Niyakap ko ang sobre pagbalik ng pera sa loob. Sunod kong kinalikot ang phone. Pagpindot ko sa power button, bumungad sa akin iyong pin password. Kinagat ko ang ibabang labi habang kinakamot ang buhok. Kung ifa-factory reset ko kaya ito, mawawala na ba password? 

Pinatay ko ang mobile data saka location bago ko i-shutdown nang tuluyan. Kaagad kong itinago sa bag na dala. Niligpit ko na rin ang mga gamit sa paglilinis dahil tapos naman na ako ako, at nag-text din sa akin si Aquilla na nasa labas na itong naghihintay.

Pagtulak ko ng trolley kung nasaan ang mga gamit, napahinto ako at pumikit. “Patawad, Lord. Kailangan na kailangan ko lang. Ngayon ko lang gagawin ito,” pabulong kong dasal nang nakatingala pa habang nakahawak ang isang kamay sa doorknob. “Hindi ko na talaga uulitin sa susunod.”

Paglabas ko, binungaran ako nang malawak niyang pagngiti.

Humakbang pa ito para lapitan ako. Magkabila niyang kamay ang lumapat sa mga balikat ko sabay titig sa akin nang mabuti. Kumukunot-kunot pa ang kaniyang noo.

“You look pale. Have you eaten your breakfast or are you bothered about something?”

Marahan akong umiling. “Ah . . . wala ka ba talagang lakad ngayon?” tanong ko bilang pag-iiba nang usapan.

Ngumiti siya. Pinindot ang pisngi ko pagkatanggal niya ng isang kamay sa balikat ko. “I am all yours today.” Kinabig niya ako at umakbay. 

“Uuwi ka ba agad o makikitulog ka sa amin? Sasabihin ko kay Maritoni na linisin niya iyong kuwarto namin para doon ka matulog.”

“Don’t bother. I won’t stay there for long.” Isinara niya ang pinto.

“Huh? Hindi naman sa ganoon,” sabi ko pagkasakay niya sa loob ng kotse habang nagkakabit ito ng seatbelt niya. “Sobra na kasi akong nahihiya sa’yo kahit b-boyfriend na kita.”

Nag-aalala ako at baka nakahihiyang bungad ulit ang maabutan niya. Imbes na maging mainit at masaya ang pagsalubong sa kaniya, away pa ang nakikita niya.

“Baka mamaya magkagulo ulit kami. Wala na akong kapal na mukha para makita mo pa iyong nangyayari sa bahay.”

“I told you, it’s okay.” Nilingon niya ako sandali para ngitian.

“Ipapakilala na lang kita sa kanila para mahiya silang gumawa ng gulo,” sabi ko nang biglang sumagi sa isip ko.

Isa pa, dapat lang namang ipakilala ko siya dahil sabi ni Sabina, mas maganda raw iyong legal, hindi iyong itinatago ang relasyon. Sa kaso niya, naiintindihan ko kung itatago namin sa pamilya niya, pero sa akin, matatanggap nila kahit pinagbabawalan pa rin ako sa edad kong ito.

A Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon