"HAPPY BIRTHDAY, happy birthday to you. Happy Birthday Dear Marian, happy birthday to you," paulit-ulit naming pagkanta nang kasama niyang lumabas sa kuwarto si papa na tulak-tulak niya ang wheelchair nito.
"Wow, cake!" masiglang sabi niya, sinilip pa ang mukha ni papa noong maayos silang makalapit sa mesang puno ng pagkain.
"Happy birthday!" sabay-sabay naming sabi nina Sabina, may suot pa kaming birthday hat na binili namin sa bayan kanina lang.
Lumapit ako para isuot sa kaniya ang sumbrero niya, maging si papa ay sinuotan din namin.
Niyakap ni papa si Marian. "Maligayang kaarawan, apo," malambing niyang pagbati at hinalikan sa noo.
Tuwang-tuwa namang kumalas si Marian, itinuro ang mesa at hinila ang upuan. Tumuntong siya roon kaya dali-dali namang lumapit si Maritoni.
Maliwanag ang mukha niya, abot-langit ang ngiti at nakailang balik pa siya ng tingin sa likod niya kung nasaan si papa. "Lolo, may cake ako."
"Ganda ng cake, a," puri naman ni papa noong iahon niya nang bahagya ang katawan para makita ang disenyo.
Mahinang pumapalakpak si Sabina sa tabi ko habang nakatingin lang din siya kay Marian.
"Ano'ng sasabihin mo kay tita, anak?"
Ngumiti siya sabay yakap sa sarili pero hindi ito nakatiis dahil inilingkis niya ang maliit niyang braso sa leeg ni Maritoni. "Thank you, tata. Love you." Dumikit ang kamay niya sa labi at nag-flying kiss.
Nagkunwari akong hindi kumbinsido sa sinabi niya nang humalukipkip ako at humaba ang labi.
Siniko ni Sabina ang braso ko. "Ang sama mo naman sa birthday celebrant."
Tumawa lang ako sa aking isip. "Hindi ako tumatanggap ng thank you at love you. Gusto ko ng kiss." Lumabi ako ulit at tumingin sa kaliwa, iniiwasang magtama ang mata namin.
Huni ng paglalakad niya ang nagpangiti sa akin hanggang sa maramdaman ko na lang ang paghila niya sa laylayan ng damit ko.
Sinenyasan niya akong yumuko na ginawa ko naman agad. Tumingkayad siya, ikinawit ang isang kamay sa leeg ko at idinampi ang labi sa magkabilang pisngi na may kasamang tunog at naiwang laway pa.
Yumakap ako nang ilang segundo sa mahigpit na paraan. "Kiss mo rin si lolo at Tita Sabina saka si mama," utos ko at kinuha sa upuan ang maliit na kahon. "Para sa'yo ito. Happy birthday!"
Sinunod nga niya ang sinabi ko dahil lumapit siya agad sa katabi ko.
Una munang binigay ni Sabina ang regalo niyang hindi na nag-abalang balutin pa dahil sayang lang daw ang wrapper, kahit sinabi kong balutin niya ng simple lang para may punitin o buksan din iyong bata.
Niyakap naman ni Marian ang barbie doll na may kama at kabinet na kasama, pati mga damit saka sapatos.
"Hmm, may tunog pa," natatawang sabi ni Sabina.
Sunod-sunod siyang yumakap at balot na balot naman sa magandang wrapper ang regalo ni Maritoni. Sa excited ni Marian, muntik na niyang punitin ang balot pero pinigilan namin siya.
"Blow mo muna iyong candle sa cake," sabi ko habang tinatanggal sa mesa ang mga nakaharang na paper plate.
Inosente ang mga mata niyang tiningnan kami.
Binuhat ni Maritoni para patuntungin sa upuan. "Blow na, blow na!" sabi niya habang inilalapit sinsindihan ko naman ang kandila.
"Love ko kayong lahat," malambing at mahabang pagkakasabi ni Marian. Inilahad niya ang kamay kay papa at ibinigay naman nito ang kamay para maghawakan sila.
BINABASA MO ANG
A Change of Heart
RomantikEl Belamour Series #4: A Change of Heart --- Lykadine is the family breadwinner and an ambitious person who aspires to be wealthy one day. She wanted to spoil her family so they could experience the luxury that her parents had not experienced when t...
