Chapter 20

48 1 0
                                        

KUPAS ang kulay ng pantalon niya habang may bilog-bilog namang printa ang kaniyang pulang polo. Magkabilaan naming hawak ang maliit na basket para daw mag-picnic kami.

Paggising ko, ito na ang inaatupag niya. Hindi ko naman pinagdamot sa kaniya ang ngiti ko dahil simula kagabi, hindi na ako single.

Pagkatapos naming magkuwentuhan sa sala, nanood pa kami ng palabas sa malaking telebisyon nila at na-enjoy ko sa sobrang linaw. Madaling araw na rin akong nakatulog noong nakipagkuwentuhan pa ako kay Sabina.

Ang loko, tuwang-tuwa. Sinasabayan ako sa pagtili, kaya ang ingay ko sa loob at mabuti na lang ay mag-isa lang ako sa kuwarto doon sa basement.

Maya't maya ang pagtaas ng dalawa kong kilay habang palapit kami nang palapit. Sa pinong damuhan na nilalakaran namin, may mga hugis parisukat kaming nilalagpasan. Nakaukit ang mga pangalan nila at mga petsa ay nandoon. May mga nakaibabaw ng bulaklak, ang karamihan ay bagong lagay.

Inikutan ako ng hangin, tila excited sa pagdating namin. Patulak ang direksyon nito dahilan para liparin ang buhok ko patungo sa harap, kaya panay hawi ako ng buhok.

Huminto kami sa isang lapidang pinaikutan ito ng samu't saring klase ng bulaklak at kulay--nagmistulang frame na rainbow. Marahan niyang nilapag sa tapat ang basket at maliit siyang ngumiti pagbaling ng tingin sa akin.

"This is where my mom's sleeping." Itinuro niya iyong lapida.

Dinala ng hangin ang napigtas na tatlong talulot ng bulaklak na bago lang sa akin ang hitsura. Kulay puti ito at may kalakihan. Pakiramdam ko ay sinalubong ako ng mama niya.

Lumapit siya at umakbay. "Mom, I want you to meet my girlfriend," pakilala niya sabay tingin sa akin nang nakangiti. "Milo, meet my mom."

Tumango akong ibinalik ang ngiti sa kaniya. Itinuon ko ang mga mata sa lapida. Kumaway ako sabay sabing, "Mahilig po sa milo--este ang sweet pala ng tawag niya sa akin, tita. Maganda po, ano?"

Humampas muli ang hangin sa bandang balikat ko kung saan nakapatong ang kamay ni Aquilla, maging ang talutot ng mga bulaklak ay tila tumango. Mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"Sorry if she can't answer you. She's deeply asleep." Inalis niya ang mga kamay at yumuko para kunin ang telang nilagay sa basket.

"Huwag po kayong mag-alala dahil pasasayahin ko po ang anak ninyo," sabi ko.

Tumulong akong ilatag sa damuhan at paglabas ng ginawa niyang sandwich at tatlong magkakaibang sukat na tupperware. Ang mga laman niyon ay iyong ginawa niyang salad kagabi, at mayroon pang isang putahe na bago lang sa aking mata. Hindi pa pala siya natulog noong nagpalitan kami ng 'good night' pagkatapos naming manood at magkuwentuhan nang ilang minuto.

"Here," salita niya, inabot sa akin ang binggrae banana milk habang abala ang isang kamay sa pagbutingting sa dala niyang maliit na speaker.

Malungkot ang himig ng pumailanlang sa speaker. Bumagal din ang hampas ng hangin tila umurong pabalik sa bunganga ng ulap.

Kinabig niya ako palapit sa kaniya. Magkadikit ang aming mga braso habang ang kamay niya ay ramdam kong nasa likod ko pa rin.

"Every time I go see my mother, I like to listen to this song. I'll play this three times before moving on to the next."

Kaluskos ng plastic ang kumalabit sa akin para lingunin siya. Sandali kong nahigit ang hininga ko dahil sa lapit ng mukha namin.

"I hope she never gets tired of listening to it." Binalingan niya ng tingin ang lapida. "You're not tired of it right, Mom?"

Hinawakan ko ang pisngi niya at marahang hinaplos.

Tumingin siya sa akin.

"Hindi mauumay ang mama mong pakinggan ang kantang ito. Napakaganda ng mensahe at sigurado akong alay niya iyan sa'yo."

A Change of HeartMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon