HINUGOT ko ang phone sa bulsa at humabol. “Sandali, bago tayo umalis.” Agad kong hinawakan ang kamay niya dahilan para tumigil siya sa paghakbang. “Mag-picture tayo.” Ngumiti akong itinuturo ang direksyon kung saan iyong monumento pero may magkasintahan pang nagpi-picture roon.
Sinundan niya ng tingin ang daliri ko.
Ayaw ba niya? Sa likod maganda rin ang view kahit hindi kita ang mga bulaklak.
“Huwag kang mag-alala, hindi ko ipo-post ito. Sa gallery ko lang ito makikita. Remembrance lang natin,” dagdag kong ngumiti, kita pa ang ngipin.
Naalala ko tuloy iyong mga picture na sinuot niya iyong mga damit na pinapabenta sa akin. Pagka-post ko sa timeline at sa ilang sikat na selling groups, marami na agad ang nagtanong kung magkano at sa loob nang tatlong araw, naubos agad. Nalaman kong shinare niya rin pala.
Itinabi ko iyong nalikom dahil nangako akong para sa pag-aaral ko ang perang mapagbebentahan kapag naging maganda na ang sitwasyon.
Hinawakan niya ang kamay ko. “Come on, it’s okay. Nothing is wrong with sharing our photos on social media.”
Tumigil kami sa pinakagitna at kinuha niya ang phone ko.
“Paano kung makita ng papa o ang mommy mo?” nag-aalala kong tanong.
Si Big Boss pa lang ang nakalahata at mas natatakot ako sa reaksyon ng papa niya kung sakaling makarating sa kaniya ang relasyon namin. Hindi ko pa man din alam kung paano siya magalit o kung pumapayag ba siya, o tutol din.
Umangat ang isang balikat niya. “They never heard of any complaints from me about their relationship, and I didn’t intervene when they got married.”
Iniaanggulo niya ang camera sa magandang direksyon. Tanging iyong kalahating mukha ko ang nahahagip kapag binababa niya at nagblu-blur.
“Where do you want to take a picture of us? Is it too dim here or is it okay?” tanong niya nang i-steady ang kamay.
Maayos na nakuha ang mukha ko hanggang dibdib, maging siya ay maayos din.
Lumingon ako sa likuran namin. Umalis na iyong dalawa. “Dito na lang,” sabi ko.
“Come closer,” instruksyon niya.
Idinikit ko ang braso sa kaniya pero parang hindi ito nakuntento nang pantayan niya ako ng tangkad.
Nanlaki ang mata ko sa paglapat ng labi niya sa kaliwang pisngi ko, at kasabay n’on ang pagpindot niya sa capture button.
Sunod niyang ginawa ay idinikit ang pisngi sa akin at iniunat masyado ang kamay para kuhanan ang paa ng estatwang nasa tuktok ng ulo namin at makuhanan din ilang bulaklak sa gilid.
Bumilang siya ng tatlo kaya inihanda ko naman ang maganda at matamis kong ngiti. Ramdam ko pa ang pagkakaroon ng kulubot sa magkabilang gilid ng mata ko at kung paano mabinat ang labi.
Tumingkayad akong umakbay sa kaniya at sa sumunod na picture, nakatingkayad pa rin akong nakahalik sa noo niya habang ang kaniyang kamay ay nasa tuktok ng ulo ko na naka-peace sign kaya nagmukhang sungay.
Kinuhanan pa niya ako ng ilang solo pictures. Pinaupo ako sa tabi ng mga bulaklak, at imbes na sa camera ako tumingin, sa kaniya ako nakatingin palagi. Nang mapuno ang phone storage ko, hindi pa rin siya tumigil sa pagkuha ng larawan ko at nang kaming dalawa sa iba’t ibang panig ng park gamit ang kaniyang phone. Mas malinaw pa nga ang kuha n’on kaysa sa phone ko.
Pinagtitinginan pa kami ng ilang mga tao, pero nahawa ako sa pagiging walang pakialam niya.
Ang pangalawa sa huling picture ay kaming dalawa. Nakaunat ang mga kamay niya’t magkadikit ang aming noo at nakatitig sa isa’t isa habang may napakatamis na ngiting nakaukit. Iyong panghuli, pisil-pisil namin ang ilong ng isa’t isa at kitang-kita na nasa akin ang direksyon ng mata niya, samantala, nasa front camera naman ang tingin ko.
BINABASA MO ANG
A Change of Heart
RomanceEl Belamour Series #4: A Change of Heart --- Lykadine is the family breadwinner and an ambitious person who aspires to be wealthy one day. She wanted to spoil her family so they could experience the luxury that her parents had not experienced when t...
