NOTE: This scene does not accurately depict the actual proceedings in the court. Please do not use this story as a basis.
-----------
BAWAT hakbang ko, siya namang binibingi ako nang malakas na kabog ng puso ko habang dinidinig ang sinasabi ng judge. Nang matagpuan ko ang sariling nakaupo, nakatuon lang sa kaniya ang mga mata ko. Tama bang pumunta ako rito? Dapat pala naghintay na lang ako sa labas.
Namamawis nang malamig ang kamay ko at ilang beses kong hinaplos ang magkabilang siko sa matinding kaba. Natagpuan ko ang papa niyang nakaupo sa harap, samantala, nakatayo naman si Aquilla.
Paulit-ulit naman akong nagdasal na sana magtuloy-tuloy ang salitang ‘not guilty’ sa bawat katagang binibitiwan ng babaeng binabasa ang inabot sa kaniya ng judge kanina.
“Judgment that a criminal defendant has not been proved guilty beyond a reasonable doubt. In other words, a verdict of not guilty.”
Napatayo ako nang wala sa oras, takip-takip ang bibig sa narinig.
Napaupo rin si Aquilla sa narinig at yumukyok sa mesa, sabay angat agad ng ulo at yumuko sa judge. Lumingon siya dahilan para magtama ang mga mata namin.
Ngumiti siya sabay pahid ng luha gamit ang damit. Yumakap ang attorney niya sa kaniya habang puno naman ng palakpakan ang mga kasama kong nanood sa kaso niya.
Kusang napawi ang kaba sa dibdib ko na halos pigilan na akong makahinga nang maayos. Tumingala ako at magkadikit ang palad na bumulong, “Salamat, Lord.”
Dumalo ang papa niya sa kaniyang kinaroroonan.
Nahuli ko naman ang pag-angat niya ng braso para sana yakapin si Aquilla na nakatalikod pa sa kaniyang papa. Imbis na ituloy ang balak, tinapik na lamang niya sa likod ang anak at tumuro sa labas dahilan para sabay silang tumingin sa pintong nakabukas.
Tinapunan lang ako ni Sir Senior nang malamig na sulyap noong dadaan siya sa gilid ko.
Pagkatapos kong kumpirmahin ang paglabas ng papa niya, kinuha ko naman ang pagkakataon para lapitan siya.
Ngumiti ako at bigla na namang bumalik ang malakas na pagtambol ng puso ko nang kami na lang ang maiwan.
Tumingin ito sa akin sabay ukit nang ngiti. Sa wakas, may laman na ang pagngiti niya at hindi na pilit.
Pagkiskis ko ng mga palad, kumamot ako sa siko ko pataas sa balikat habang hindi makahulma nang maayos na ngiti sa harap niya.
“Congratulations?” hindi siguradong sabi ko. Labas ang mga ngiping ngumiti ulit. “Sorry kung . . . kung maling salita sinabi ko.” Nagkamot ako ng buhok. “masaya akong napatunayan na hindi ikaw talaga ang may sala.”
Muli, ngumiti siya na para bang iyon ang magiging sagot niya sa buong araw.
“Can we talk?”
“Oo. Saan tayo mag-uusap? Ano pag-uusapan natin?” magkasunod kong tanong. Ayaw pa ring kumalma ng puso ko sa pagwawala. Kanina pa ’to. Akala ko ba nilayuan na ako ng kaba, pero nandito pa pala.
“Let’s . . .” Tumingin siya sa likod. “Well . . . . let’s talk later.” Humakbang siya ng isa, lumapat ang kamay niya sa balikat ko kaya mas lalo lang nadagdagan ang malakas na pagkabog ng dibdib ko imbis na kumalma.
Tumitig ako nang maigi. Araw-araw ko na siyang matitigan simula bukas at makakasama ko na rin. Makakabawi na ako. Mapupunan ko na iyong mga araw na dapat kasama niya ako.
Umawang ang labi niya, nag-aambang magsalita pero hindi walang lumalabas na mga salita dahil palipat-lipat ang mga mata niya sa akin at sa labas.
“I need to talk to my father first to clarify things.” Tinapik niya ang balikat ko sabay alis ng kamay.

BINABASA MO ANG
A Change of Heart
RomanceEl Belamour Series #4: A Change of Heart --- Lykadine is the family breadwinner and an ambitious person who aspires to be wealthy one day. She wanted to spoil her family so they could experience the luxury that her parents had not experienced when t...