Chapter 24

35 1 0
                                        

NAKATIWANGWANG ang kahon nang hilain ko palabas sa ilalim ng kama. Pinamulagatan ko ng mga mata at agad na umupo sa sahig, hinawi-hawi ang laman n’on habang panay ang pagkunot ng noo kada inuungkat ko ang pinakailalim.

Karamihan ay mga lapis na hindi pa natatasa at mga lapis na gamit na, ang iba pa nga ay wala ng pambura at may kalumaan na. Pencil case na teddy bear ang disenyo, superman, bakal na pencil case at iyong gawa sa tela.

Mga iba’t ibang klase ng sharpener, biskwit na tig-tingi, pero umawang ang bibig ko sa mga sitsirya at nahagip pa ng mga mata ang pringles saka potato chips na nasa lata.

May tsokolateng: kisses, toblerone, hersheys, at kitkat, may choco mucho rin. Afford naman niyang bilhin ang nakalagay sa dalawang kahon. Ang pinakamahal lang siguro na nandito ay iyong hikaw, pitaka, bracelet at sapatos. Maraming nag-expire na, marami pang hindi.

Bumagal ang paghawi-hawi ko sa mga laman ng kahon at banayad akong tumingala. “Galing dito iyong binigay mong tsokolate sa akin saka iyong mga iba pang niregalo mo?”

Sinubukan kong hindi magtunog dismaya pero mukhang iba ang dating ng tono ko sa kaniya dahil unti-unting nagkakaroon ng guhit ang noo niya at maya’t mayang nagbabanggaan ang kilay niya.

Ilang sandali pa ay hinimas niya ang likod ng batok, nag-iwas pa ng tingin. “No.” Umiling siya sabay yuko. “only the chocolate I gave you was the one I stole in the supermarket.”

Umawang ang labi ko na agad ko ring isinara bago pa niya makita noong dahan-dahan niyang ipaling ang ulo sa direksyon ko.

“Hindi sa hinuhusgahan kita. Naiintindihan ko—hindi, mali.” Tumayo ako na may kasama pang pagbuga ng hangin. Lumunok pa ako bago magsalita,  “Ang ibig kong sabihin, iniintindi ko kung ano man iyang dinaramdam mo pero alam mo namang mali ito, hindi ba?”

“I’m aware of it. How do I put an end to this?” Kunot-noong tanong niya kasabay ang pagpapakawala nang napakalalim na buga ng hangin. “My family frequently misunderstood me while they were aware of my condition, and I just don’t want you to do the same.”

Lumapit siya, tinitigan niya ako sa mata. “Believe me, I tried everything I can to stop this.” Itinaas niya ang mga kamay at tinignan ang iyon sabay kuyom habang naiiling. “I can’t, I truly can’t.” Yumuko ito.

Hindi ako nagsalita dahil sinusubukan kong intindihin ang sitwasyon niya kahit alam ko sa sarili kong maling-mali ang ginagawa niya at maaaring ikapahamak pa niya kapag nagtuloy-tuloy ito.

Malalim akong huminga, nag-iisip ako kung paano ko ihahabi ang mga salitang nasa isip para hindi ako maging tunog nang-iinsulto. Gaya pa ng sabi niya, ayaw niyang matulad ako sa pamilya niyang hindi siya naiintindihan.

“This won’t go away as quickly as dumping some trash in the bin. It’s incredibly difficult for me to stop, even though I know it’s a bad habit that might land me in jail if I get caught.” Hinimas niya mukha. “I-I don’t want to do these things, but I can’t seem to control the temptation.” Halatado sa boses niya ang matinding frustration.

“T-The sensation I have when I’m on it’s difficult for me to describe .  . . I . . . I feel bad when I steal things that are worthless or have little value to me.” Sinampal niya ang noo at uulit pa sana siya nang huliin ko agad ang kamay niya para hawakan.

“Alam ba ng papa mo?”

“He doesn’t think this kind of illness exists.”

Pinisil ko ang hawak niyang kamay sabay haplos sa likod ng palad niya noong italikod ko.

“Please don’t tell my Dad that I’m still stealing things,” pagmamakaawa niya. Itinaas niya ang kamay kaya pati ang akin ay sumama. Mahina ang paghila niya sa akin. Hinaplos-haplos niya ang likod ng palad ko at niyugyog pagkatapos. “After getting busted and almost going to jail, I swore to him that I will not do it again.” Idinikit niya ang noo sa palad ko kaya para tuloy siyang nagmamano sa akin. “I’m afraid that I will end up in jail. I’d rather be beaten by my father than by strangers.”

A Change of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon