A/N: Try to play the song attached while reading this chapter para feel na feel. Lewl.
^^^
PAKIRAMDAM ko wala na ako sa tabi niya. Para akong naging ice cream, kinakain ako ng mga mata niya. Kanina pa rin nag-iinit pisngi kaya panay ang pilig ko ng ulo sa gilid para hindi niya mahalatang nagiging kamatis ako.
Tunog ng pagtanggal sa pagkakabit ng seatbelt ang dumagdag sa panghihikayat ng torotot at pagtambol galing sa tugtuging nagmumula sa radyo ng kotse. Pinilig niya ang mukha paharap sa akin habang hindi inaalis ang titig.
Namimilog ang mga mata kong humigpit ang paghawak ko sa seatbelt na nakakabit pa rin.
Pataas at pababa ang adams apple niya. Nauuhaw ba siya?
Lumikot ang mata ko sa harap, naghanap ng tubig na maiinom na naka-display, pero wala. Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Unti-unti namang nagsalubong ang kilay ko habang palihim na ginagalaw ang balakang mula kaliwa’t kanan, sinasabayan ang tugtog. Inaakit ako ng kanta na sumayaw at magmukhang nakakakahiya sa harap niya, pero pilit kong pinipigilan ang sariling bumigay.
Ilang segundo lang ang pagtitiis ko nang tuluyan na nga akong hinatak ng kanta. Umimbay ang balakang ko, sinasabayan ang saliw ng musika nang nakataas pa ang mga kamay sa ere paglingon sa radyo. Itinuro ko pa na hindi tinatapunan ng tingin at sinabing, “Ang ganda ng kanta.” Ngumiti ako.
“Do you mind if I do something special for you today?”
Tumaas ang kilay ko. “H-huh?” Napaatras ako paglingon sa kaniya dahilan para mauntog pa ang ulo sa bintana. Ang lapit ng mukha niya. Nakakawala ng hangin.
Imbes na maramdaman ang sakit, nanlaki lang ang mga mata ko noong lumapit siya. Dalawang mabagal na tulak ng aming ulo, magpapalit na kami ng mukha maya-maya.
Ano’ng ginagawa niya? Pilit akong naging kalmado kahit hindi na mapakali ang mata ko at panay ang lukso ng puso.
Mas lalong umiinit ang nararamdaman ko, pati ang kanta ay nanunukso bigla dahil sa paglapit niya ng ulo sa akin hanggang sa isang dangkal na lang ang layo. Hindi ako makagalaw noong itukod niya ang isang kamay sa maliit na espasyong nasa upuan ko.
Sinundan ko ang pag-angat ng kamay niyang pumunta sa aking gilid, kinalas ang seatbelt ko at ang init ng titig niyang nagpapalunok sa akin nang ilang beses.
Naglakbay ang kamay niya sa baywang ko patungo sa likod. Mahina niya akong tinulak palapit sa kaniya matapos niya akong kabigin.
“Is it yes or no?”
Walang kawala ang mint sa kaniyang hininga. Pumihit ako sa kanan at nilagay sa dibdib niyang matigas ang kamay. Marahan ko siyang tinulak pero walang epekto dahil hinawi niya ang kamay ko na parang papel lang na dumapo sa kaniya.
“A-anong sinasabi mo?” nagtataka kong tanong na sinamahan nang mahinang pagtawa. “Nandito na tayo,” magkandaugaga kong sabi, hindi mapakali ang mata ko kung saan dapat titigil. Kung sa mata ba niya o sa labas dahil balik nang balik ang tingin ko sa kaniyang mukha.
Tiningnan ko kung saan nakatutok ang mata niya at naco-conscious akong nagtikom ng bibig bigla dahil nandoon ang atensyon niya.
Tumapat ang buga ng hininga niya sa labi ko. “Don’t get mad at me if—” Ngumiti siya habang bumibigat ang talukap niyang hinahalikan ako ng hanging binubuga niya.
BINABASA MO ANG
A Change of Heart
RomansaEl Belamour Series #4: A Change of Heart --- Lykadine is the family breadwinner and an ambitious person who aspires to be wealthy one day. She wanted to spoil her family so they could experience the luxury that her parents had not experienced when t...
