Nakakainis lang. Bakit ngayon ka pa namatay?
Marahil ay iisipin ng ibang tao na walang puso si Melissa.
Well, totoo naman.
Ngayong pumanaw na ang kanyang ama, ni hindi man lang siya lumuha. Ano pa ba ang inaasahan nila? Hindi naman talaga siya malapit sa tatay niya.
Marahil noong kabataan niya. Pero mula noong mamatay ang kanyang ina, hindi na muling umuwi pa ang kanyang ama. Mag-isa siyang nanirahan sa mansion nila na para bang isang ulila. Sa nakalipas na mga taon ay ilang beses lamang silang nagkita nito. At bawat pagkikita nila ay halos mag-away lamang sila.
Financial support ang tangi nyang natatanggap mula kay William Franklin. Bukod roon ay wala na. Sinubukan naman niyang maging malapit rito noon, but he's the one who wasn't willing. Sapat na raw na binibigay nito ang materyal na pangangailangan niya. Hindi na raw siya dapat umasa pa. Kaya ayun nga ang ginawa niya.
No matter his reason, matagal na siyang walang pakialam. He didn't want to. So, bakit pa niya ipipilit ang sarili niya? Di ba?
Lumaki siya na halos walang ama. Dad? When's the last time she called him that?
And now, he's dead.
Sa ngayon, pagkainis lang ang nararamdaman niya. Naiirita si Melissa dahil wala na ang pinagmumulan ng kaniyang pera.
Ngayon pa talaga kung kailan due na ang mga bills nya? For her car. For her apartment. Waldasera sya at hindi marunong mag-ipon. Buwan-buwan ay inuubos nya ang perang pumapasok sa bank account nya. Wala siyang tinitira.
Tapos ngayon, malalaman niyang wala siyang matatanggap na mana? Ugh. Legally, sa kaniya dapat lahat ng ari-ariang naiwan ni William. Pero anong ginawa ng magaling niyang ama?
Bakit ka pa kasi nagsulat ng Last Will and Testament? At bakit iniwan mo sa iba ang pamamahala niyon? Sino ba 'tong Klyde Henderson na 'to? At talagang maghihintay pa 'ko na mag-thirty bago ko matanggap 'to lahat? Ano na? Twenty-three pa lang ako. Pitong taon? Nakakaloka ka, dad.
Pilit nyang itinanong sa abogado kung legal ba 'yon, at umuo naman ito. Hindi siya makapaniwala.
Parang tanga lang. Of legal age na sya tapos biglang may legal guardian? Hindi naman siya incapacitated.
Mabilisan niyang sinearch online ang pangalan ng lalaki.
Oh, mayaman ka naman. Aanhin mo 'tong pera ko?
Napataas ang kilay niya habang nagbabasa ng mga articles. Klyde Henderson. May-ari ng Henderson Group of Companies. Bilyonaryo. Forty-five years old. Huh. Halos doble ng edad niya. Kung tutuusin ay veteran na ito sa larangan ng business at tinitingala ng karamihan. All the companies under him are successful.
Ipinaliwanang ng abogado na maaari niyang ikonsidera ang lalaki na isang katiwala. Ito ang mamamahala ng kanyang mana at maaari siyang bigyan ng sapat na allowance buwan-buwan until her thirtieth birthday. Hindi pwedeng angkinin ni Klyde ang mana niya. Kumbaga, parang napunta sa trust fund ang kanyang inheritance.
Napanguso si Melissa.
Mayaman ka na, ibigay mo na lang sa akin lahat. Hindi mo naman kailangan niyan.
Paano ba niya makakausap ang lalaki? Ni minsan ay hindi niya pa ito nakikita o nakakausap sa personal.
On-time dumating ang allowance galing sa kanyang ama, pero ngayong wala na ito, natigil ang lahat.
Anong gagawin niya ngayon? Kinukulit na siya ng landlord niya. Bakit ba kasi hindi siya nagbayad noong nakaraang buwan? Dalawang buwan na tuloy ang utang niya.
Nang maisipan niyang umuwi na lang sa kanilang mansion ay saka niya lang nalaman na naibenta na pala ito. Matagal na. Buti na lang hindi siya nagbitbit ng maleta. Sisilipin lang sana niya. Nakakahiya kung sakaling sumugod siya dun na walang kaalam-alam.
Dumalo naman siya sa lamay at libing ng ama. Pero sa totoo lang, hindi na kailangan. Wala siyang dapat gawin. Andun lang siya para maging usap-usapan. The absentee daughter! Huh, kung alam lang nila na absentee father si William! Pero ayun, patay na siya. Igalang daw ang patay. Hindi binabastos ang patay. You won't hear any negative anecdote regarding the dead. Kaya ayun, si Melissa pa nga ang naturingang masama, malamig at walang puso.
Nang matapos ang libing, napagpasiyahan niyang puntahan si Klyde. Napakahirap kumuha ng appointment, mas mahirap pa sa kaniyang ama. Anong klaseng mga tao ba sila? Can't they be normal? Ang hirap makausap. Ganun ba talaga sila ka-busy? She can't wait anymore. She needs money. She needs coins from her mountain of gold. May dragon nga lang na nagbabantay dito.
Ilang libo na lang ang laman ng wallet niya. Hoy, hindi ito tatagal sa kanya ng isang araw. Pangkain niya lang ito sa isang mamahaling restaurant.
Although, when you think of it... okay lang naman sa kanya na kumain sa tabi-tabi. Hindi naman siya choosy. It's just that... expectations. Her friends expect her to dine at high-end places and to shop from the best brands and shopping malls. She's just trying to meet those expectations.
Isa pa, sanay siya sa marangyang buhay na sinusuportahan ng kanyang ama. She had nothing to worry about. Wala siyang pag-aalinlangan na gastusin ang perang binigay sa kaniya. Once given, sa kaniya na iyon and she can do whatever she wants with it. Before, that is.
Minsan ay hindi na rin niya maalala kung paano nagka-ibigan ang kanyang mga magulang. Her mom is the best. Very caring, loving and warm-hearted. She couldn't imagine how she ended up with her cold and heartless father. Well, sure. She could vaguely remember how loving they were when she was only a child. Still, mas malapit siya sa kanyang ina.
Napailing na lang siya. Let's forget about that. May mas importante siyang dapat gawin.
Now, how do I get to talk to him?
"I'm here for Mr. Klyde Henderson and I believe I don't need an appointment. I'm Melissa Franklin, daughter of William Franklin. I'm here to talk about my inheritance with Mr. Henderson."
/wattpad/
BINABASA MO ANG
Pag-akit
Romance"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...