Nakikipag-ugnayan pa rin naman si Enrico sa kanyang apo. Kahit gusto niyang dumalaw sa kanila ng madalas, iginalang niya ang kahilingan ni Klyde na hayaan muna silang makibagay sa buhay mag-asawa.
Kung minsan ay tatawagan siya ng lalaking iyon para ireklamo ang kanyang asawa at tanungin kung ano ang dapat niyang gawin. Sa totoo lang, hindi siya gaanong nakakatulong. Paulit-ulit lang niyang pinapaalalahanan ang apo na maging maunawain at matiyaga. Dapat niyang suyuin ang babae kahit gaano pa ito ka-unreasonable.
Naisip rin ni Klyde na marahil ay nagkamali siya ng desisyon ngunit hindi niya iyon matitiyak. Mel and his Pops genuinely like each other's personality at nagkakasundo sila. Maybe the old man would've helped getting her to be less moody.
Anyway, wala nang saysay na isipin niya iyon ngayon. Inanyayahan niya ang kaniyang lolo na bumisita at nang banggitin niya iyon kay Melissa, labis na kagalakan ang naging reaksyon nito. It was incomparable to anything else he has seen. He should've known.
Ngumiti si Mel at bahagyang tumawa. Her eyes turned into crescents. Nakita niya rin ang biglang pagsigla nito.
"Naku, miss ko na si lolo. Bakit ngayon lang siya bibisita? May pinuntahan ba siya?"
Kumibot ang kanyang labi habang tapat na sumagot, "I didn't want him to witness your mood swings. I spared him the extra experience. Sapat na iyong naranasan niya sa sarili niyang asawa."
"Oh." When her expression turned solemn, napatigil si Klyde sa upuan niya.
Shit. Bakit naging ganoon ang hitsura nito?
Nang makita ang kanyang kinakabahang ekspresyon, humagalpak ng tawa si Mel. "You should've seen your face."
Alam niyang hindi naging madali para sa lalaki ang kaniyang mood swings, ngunit sa isang banda, natutuwa siyang naging maayos pa rin ang pakikitungo nito sa kanya.
Huminga ng malalim si Klyde bago tinapos ang pagkain at kumuha ng isang basong tubig.
"Mas gumaganda ka sa mga araw na ito. Hindi ka na masyadong masungit." He bravely noted since nagawa pa nitong pagtawanan siya ngayon.
Nagkibit-balikat si Mel, "I do feel better. Mas magaan na ang pakiramdam ko. Mas masaya. Ilang buwan na rin naman ang nakalipas, hindi ba? Tanggap ko na ang pagbubuntis ko at nakapag-adapt na din siguro. Minsan nakakaramdam pa rin ako ng takot, lalo na iyong mga bagay na hindi ko alam. May mga nababasa akong articles na nagsasabing masakit manganak. Pero minsan ay excited din ako. Gusto ko na siyang mailabas at makita."
Nakakabighani ang ngiti ng babae at napangiti siya dahil doon. Gayunpaman, kailangan niyang pawiin ang takot nito.
"It may or may not be painful. Narinig mo naman yung doktor. Iba-iba ang karanasan ng mga babae. It could be different for you. Huwag mong takutin ang sarili mo. Ang mahalaga ngayon ay siguraduhin mong malusog ka at ang bata."
"Alam ko." Nagpatuloy siya sa pagkain, dahan-dahang ngumunguya.
"Wala kang gana? May iba ka bang gustong kainin?" Napansin niya kung gaano ito kabagal sa pagkain.
"Naku, hindi. Ayos lang ako. Nabasa ko lang na ang maayos na pagnguya ay nakakatulong sa tamang pag-digest ng pagkain." Nagkaroon kasi siya ng indigestion noong minsan. Napaka-uncomfortable sa pakiramdam ng dinanas niya noon. Ngayong naisip niya ito, naalala niyang wala noon si Klyde. May pinuntahan itong business trip at hindi niya yata nabanggit rito ang nangyari. Kaya sinabi niya ngayon.
"Talaga? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?" Nag-aalala pa rin ang hitsura nito.
"Magaling na ako noong bumalik ka. Nalimutan ko." She felt warm inside ng makita ang pag-aalala nito.
BINABASA MO ANG
Pag-akit
Romance"Kung inaakala mong hindi kita papatulan, think again." Naramdaman niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha habang unti-unti siyang umaatras, hanggang sa lumapat ang kanyang likuran sa isang bookshelf. Ano kayang naisip niya para akalaing magpipi...